Nine

184 7 0
                                    

Demi's

"Class dismiss" sabi ng teacher namin. Sa wakas! Tapos na din ang mahabang araw na toh! Nakakapagod bes!

Inayos ko na yung mga gamit ko at agad na umalis. Di naman kami sabay umuwi ni North kase hanggang lunch lang kami nagkikita. Yung anim na bakla naman kahapon ko pa di nakikita. Psh if I know inaakit nanaman nila si Kaius. Tss as if naman na patulan sila nun.

And! Speaking of Kaius! Nakita ko sya kanina sa canteen!! Oeeem hihihi kinikig akeeees!! Ano ba! Kahit ngayon lang magfefeeling muna ako na sinundan nya ako ok? Hahaha.

"Uuwi na ba ako or maglakwatsa muna?" Magmumukha akong loner kung maglalakwatsa ako ng magisa. Uuwi na nga lang ako. Tutal may assignment kami edi gumawa na lang kesa maglakwatsa.

Nagsimula na akong maglakad. Malapit lang naman ang bahay namin kung nakamotor ako. Kaso yung motor ko pinaayos ko. Si North kase eh! Di naman marunong mag motor nagtry pa. Yan nasira motor ko. Hays.

Pano nya nasira? Hinulog nya! Sabi nya ang bigat daw kaya nabitawan nya. Kung di ba naman tanga.

"Aish! Nakakainis tuloy pag naaalala ko yun" tumigil ako saglit sa paglalakad. Bigla akong kinabahan. Yung susunod ko kaseng dadaanan medyo delikado. Naalala ko kase may mga kwento-kwento dito na maraming nawawalang tao dito. Tae natakot ako bigla.

Pumikit ako at nag-inhale-exhale. Wooh! Kaya ko toh.

Napasigaw naman ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Tangnang nanggugulat eh! Hinarap ko sya at mas lalo akong nagulat ng makitang si Kaius pala ang taong yon.

"A-ah" tanging nasabi ko. Puta napipi ba ako sa kagwapuhan nya?

Nagulat ulit ako ng bigla nya akong higitin at nagtago kami dito sa may pader.

"Ka-"

"Sssh" sabi nya at tinakpan ang bibig ko. Puta!! Naaamoy ko yung pabango nya bes!!! NAKAHILIG ANG ULO KO SA DIBDIB NYA!! PWEDENG SUMIGAW?? KYAAAAAAAAAAAAAAH!! PUTAAA NAKAKAPUTA!!

"Tsk. Magpapakamatay ka ba?" Natigil naman ako sa sinabi nya. Umayos na sya ng tayo kaya napaayos na din ako. Kabitin bes! Di ko pa nga nasisinghot yung pabango nya eh.

"Magpapakamatay? Bakit?" Tanong ko na lang. Kahit na mamamatay na talaga ako sa sobrang kilig natanong ko pa yun sakanya.

"Tss" bigla naman syang umalis. Anong trip ng lalakeng yon?? Aba puta! Nagpaamoy lang ba yon ng pabango? Ay hindi! Nagpakilig lang ba yon bago nya ako iwan?? Puta naman!! Magpapakilig na nga lang yung nakakabitin pa! Sa susunod talaga na mangyare ulit ang ganito hahalayin ko na sya.

At dahil nakakatakot dito ay sinundan ko sya. Pero malayo na sya kaya sinigawan ko sya.

"Hoy Kaius! Hintay!!" Tumakbo ako para makalapit sakanya. Nakita kong lumiko sya pero nahulog yung keychain na binigay sakin ni Sean kaya pinulot ko ito.

Pero bago ko pa mapulot yung keychain ay may biglang humigit sakin. Di sya si Kaius. At di ko din sya kilala.

"Sino ka?" Tanong ko. Bigla ba naman akong hinigit eh.

"Your future husband" napangiwi naman ako sa sinabi nya. Di ko naman sya kasing edad tsaka puro tattoo ang nasa katawan nya pero pogi. PERO TANGINA!! YUNG CHANCE KO NA MAKASAMA SI KAIUS BIGLANG NAWALA NG DAHIL SA LALAKENG TOH NA DI KO KILALA!!

"TANGINA MO PO!!" Sigaw ko sakanya. Hinigit ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko at pinilipit yon. Napangiti ako ng napasigaw ang lalake. Good thing marunong akong mangkarate. Sabay pa nga kami ni Zac sa pagtraining nung bata pa kami.

"Too bad dude, you shouldn't mess with Demi Lazaro. She's one of a kind" sabi ko. Pinuri ko muna sarili ko. Wooh! Bravo! Haha. Wala namang nasabi yung lalake. Oops. Hala! Feeling ko nabali kamay nya. Leche. Sinuntok ko sya ng sinuntok hanggang sa makatulog sya. Leche tapusin na yan para matapos na.

Kinuha ko yung baril ko sa bag ko at tinutok yon sa ulo nya.

"I'm sorry but I'm a fucker. I'm sorry but I'll fucking stop your fucking life here" panggagaya ko sa line nung bidang lalake sa napanood kong action movie kagabi. Nakakaadik yun eh. Walang takot kong pinaputok ang baril sa ulo ng lalake at agad na binalik yun sa bag ko.

Taena laruan lang toh kaya baka pagtawanan pa ako ng mga bata dyan sa tabi-tabi na may laruan akong baril. Kekekeke.

Pinulot ko na yung keychain ko at tumalikod na ako dun sa lalakeng napatumba ko. Buhay pa yun. Pinaglaruan ko lang. Hahaha.

"AH!!" halos atakihin pa ako sa mga lalakeng nasa harap ko ngayon. Taena ang dami nila bwi! Yung isang lalake. Sinilip yung lalakeng nasa likod ko pagkatapos ay tumingin sakin.

"Salamat. Natulungan mo kami" sabi nya at kinuha yung lalake.

"Alam mo bang dahil sa lalaking toh maraming nawawalang babae? Ang balita nira-rape nya at pinapatay." Pinosasan nya yung lalaking nakahiga. Pagkatapos ay tumingin ulit sakin.

"Ang tapang mo namang babae ka? Pano mo ba yun nagawa? At may dala ka pa talagang laruan na baril? Akala ko nga totoo eh. Tsk muntik na nga kitang paputukan sa paa. Pati dun sa sinabi mo lahat kami napaatras" napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Naku, pasensya na po kung natakot ko kayo haha. Pero kriminal pala yan eh. Edi sana yung totoong baril ko nalang yung dinala ko. Sayang naman di ko pa yun nagagamit eh" actually 3 years na yung nakatago doon sa drawer ko. Regalo yun sakin ng tito kong sundalo. And kakaibang baril talaga yun swear. Nakakainlove sya.

"Sige manong pulis. Kayo ng bahala dyan mauna na ako" pagpapaalam ko at umalis na.

Hays. Sayang di ko nakasabay si Kaius. Di bale may natulungan naman ako.

Hahaha biruin nyo yun? May natulungan pa ako. Leche. Magcocomute na lang ako. Ayoko ng maglakad. Baka kung sino pang mga kriminal ang makasalubong ko.






^^-

Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now