Eight

197 6 0
                                    

North's

"Oh? Anong gagawin natin sa canteen? Diba thursday ngayon? So dapat sa Max's tayo ngayon, diba?" Takang tanong ko sakanya.

"Ano ka ba. Halos araw-araw na natin yun ginagawa noh. Baka makahalata na sya. Hikhikhik. Syempre turn mo naman. Oh ayan natatanaw ko na si Sofia" bigla nyang hinawakan ang kamay ko at dire-diretsong naglakad.

"Tsaka. Naubusan ako ng pera sa kakalibre sayo. Tokwa ang takaw mo pa naman. Sinimot mo pati wallet ko" napatawa naman ako sa sinabi nya. Eh sabi naman nya libre nya edi lubusin na hahahaha

"Hoy North!! Bawal PDA!!" Napatingin naman kami sa sumigaw. Si Shiloh pala. Napatingin naman ako kay Sofia. Mukhang busy sa pagkakain.

Eto namang si Demi ay nauna ng pumunta sakanila. Langya di marunong mangintay noh.

"PDA ka dyan" sabi ko at nakiupo na. Tutal kanina pa kami naglalakad nitong si Demi. Ang kulet nya kaya. Kanina pa. Ang hyper nya nga ngayon eh.

"Hi couz" bati nya kay Zac at umupo toh sa tabi ni Zac. Si Zac naman tiningnan lang sya.

"Sungit. Para kang si ano eh." Napatingin naman ako kay Demi ng sabihin nya yon. Ang lungkot kase ng boses nya ng sabihin nya yon. Parang nawawalan na sya ng pag-asa.

"Kelan pa ba naging kayo?" Tanong ni Zac.

Nagkatinginan naman kami ni Demi. Parehas kaming walang alam. Ano daw? Kami?

"Sabi ni Russel. Pinsan ko." Sabi naman ni Jasmine. Sinong Russel na pinsan nitong si Jas-  holy shit?  Parang familliar yung name

"Si Russel Mcnab? Pinsan mo?" Tanong ni Demi. Bakas sakanya ang pagkagulat pero napalitan din at ngumiti sya. Pagkatapos ay yumakap sa braso ko.

"Hahaha. Kahapon lang naging kami. Last week nya pa ako nililigawan kaya sinagot ko na sya kahapon. Diba bae?" Napatingin naman ako sakanya. Hala?! Di ako ready!

*Bogsh!*

Lahat kami napatingin kay Sofia ng gumawa sya ng ingay.

"SINABI NA KASENG WAIT LANG DIBA?! OO NA PAPUNTA NA!!" Pagkasabi nya non sa kausap nya sa phone ay umalis na sya.

"Sinong kausap non?" Tanong bigla ni Tory.
"Pfft- HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA TANGINA SI SOFIAAA HAHAHAHA" Napatingin naman kami kay Daphne ng bigla syang tumawa ng malakas.

Bumaling din kay Shiloh ang tingin ko ng mapansin kong nagpipigil syang tumawa. Anyare sakanila?

"Eh? Anyare sainyo?" Takang tanong ni Demi.

"Wag mo na lang silang pansinin. Hahaha lalo na yang si Daphne. Baliw na yan eh" sabi ni Angel. Napatingin naman si Demi kay Daphne pagkatapos ay muling tumingin kay Zac.

"Oow~ I see. Hahaha" lumapit ng kaunti si Demi kay Zac at may binulong. Nagulat nga ako kase parang namula si Zac? O imagination ko lang?

"Tangina mo." Pabulong na sabi ni Zac sakanya.

"Hahaha. Biro lang couz. Pero ikaw din. Pag di ka pa kumilos, lagot ka." Sabi nya at nag bang bang gesture pa. Ano naman ang sinabi ng Demi na toh? Daming alam eh.

"Puntahan ko muna si Sofia hahahaha" di pa rin natitigil sa pagtawa si Daphne ng umalis sya.

"Wait! Susunod kami" sabi nina Tory. Nagpaalam muna sya kay Sky tsaka umalis.
Parang sila na nga eh.

"Mauna na kami. May gagawin pa kase kami ni Angel" pagpapaalam naman ni Nico.

"Bye. Bye Demi by the way Angel Azul" pagpapakilala ni Angel bago umalis. Ngayon kaming pito na lang ang natitira.

Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now