Five

250 6 0
                                    

North's

"Guys, una na ako" sabi ko sakanila at tumayo na. Lunch break na namin at hinintay ko lang talagang mabuo sila bago ako umalis. Hinintay pa kase nila sina Angel at Nico.

"San ka naman pupunta?" Napatigil naman ako ng bigla akong tanungin ni Mert. Kumunot nga noo ko kase alam nya naman kung saan ako pupunta. Tinaas nya lang ang kilay nya kaya napaiwas ako ng tingin. Kinginang trip nya.

"Dyan lang" sabi ko. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa bulsa ko at alam kong naiinip na yon si Demi.

"Saang dyan lang?" This time si Kacper naman ang nagtanong. Sinamaan ko nga ng tingin. Lahat sila nagaabang ng sagot ko. Nasabi ko na bang nandito rin sina Sofia? Puta talaga.

"Tsk. None of your business" napangiti silang lima sa sinagot ko. As expected tsk. Sina Tory naman mukhang nagulat sa sinagot ko.

Tumalikod na ako at naglakad na papalayo sakanila. Hays.

Nakakatangina lang.

--

"Bat ang tagal mo?" Tanong ni Demi habang nakangiti. 2 weeks na din ang nakalipas ng magkakilala kami sa jollibee or should I say nakilala ko ang pinsan ni Zac. Tanginang babaeng toh. Bat di ko man lang toh nakikita sa campus? At bakit ngayon-ngayon ko lang nalaman na may pinsan ang ugok na Zac na yon? Wag nyo kong isumbong na sinabihan ko sya ng ugok hahahaha.

"Pinagtulungan pa kase ako nina Mert" sabi ko na lang. Last 2 weeks kase di ako sumama sakanila. Pero simula ngayon hanggang sa susunod na araw lagi na akong sasama sakanila. May barkada kase tong si Demi pero di ko pa nakikila.

"Aaah. By the way hihintayin pa natin sina Sean err Shane. Tsk" napatingin naman ako sakanya ng sabihin nya yon. Halatang nainis sya eh.

"Sean tapos naging Shane?" Tanong ko. Natypo ba bibig nya?

"Tsk. Basta-

"DEMI SISTAAAAAAAAAR~" napalingon naman ako sa biglang sumigaw sa likod nya. May anim na lalak- bakla.

Oo bakla, sa pananamit pa lang bakla na talaga eh.

"Speaking of the devil" muli akong napatingin kay Demi na humarap na doon sa isang bakla. Di ko alam kung papasok sila sa paaralan o papasok sa coffee shop? Kase mga naka dress. Yung apat naka pang yaya ba? Tapos yung dalawa naman hmm? Di ko alam tawag eh. Pang sailor moon ata.

"Oeemjii~ bb. Sino sya?? Ampogi ni fafa!!" Sabi nung isang bakla na may wig na maikli tapos lumapit sakin.

"Wag kang lalapit kung ayaw mong maupper cut ko yan na mukha mo" banta ko sakanya sabay gaya ko sa style ni Bruce Lee.

"Ay! Scary si fafa! Pahawak lang naman ng tinapay eh~" napangiwi naman ako sa sinabi nya.

"Tsk. Tigilan nyo na nga yan. Anyways. Si North Harper yan. Kaibigan ng pinsan ko. Kilala nyo naman kung sino pinsan ko diba?" Sabi ni Demi. Nakita kong nagirap yung unang sumigaw na bakla.

"Yah right. I don't like your eerr~ cousin pwe!" Ang arte.

"Don't care." Magkakaibigan ba talaga sila?

"Ah. Dem? Di mo ba sila ipapakilala sakin?" Tanong ko na lang.

"DEM/DEM??!" Nagulantang naman ako sa sabay-sabay nilang pagtanong. May mali ba sa Dem?

"HAHAHAHA NAKAKATAW YUNG DEM HAHAHAHA. Anyways ako nga pala si Jezreel BUT! call me JEZZY! KASE YUN ANG MAS BAGAY SAKIN" sunod-sunod ang pagtango ko sa sinabi nya. Kahit na natatawa ako dahil sa pagkasabi nya ng 'Jezreel' talagang panglalake yung boses nya tapos naging pambabae na ulit nung sinabi nya yung 'Jezzy' hahaha.

(Jezreel Brotamonte a.k.a JEZZY)

"Hi baby, I'm Niel but Niela is cuter than Niel~ mwaah!" Sabi nung tumangkang lumapit sakin. Nandiri tuloy ako ng bigla syang nag flying kiss.

(Niel Santiago a.k.a NIELA)

Parang Nila yung name nya. Niela-nila? Tinde amputs.

Bigla namang tinulak nung isa pang bakla tong si Nila este Niela at hinawakan ang kamay ko. Puta sinapok ko nga.

"Aray ko bb ah! Pasalamat ka pogi ka. Anyways, I'm Russel pero syempre ang real name ko talaga ay Rose huehue~" at tumakbo sya papunta sa likod nung isang naka dress na red na may blue na apron? Eh?

"Bryan for Bella" tipid nyang sabi sakin at tinaas pa ng kaonti ang kamay kaya tumango ako.

(Russel Mcnab a.k.a ROSE)

(Bryan Oxford a.k.a BELLA)

"Erwin here but call me Winnie!" Sabi nung isa naman na katabi nung shane ba? Oo ata eh.

(Erwin Taiki a.k.a WINNIE)

"Ako si Shane! Tandaan mo! SHANE! HINDI SEAN!" Sigaw bigla sakin nung Shane.

(Sean Hemady a.k.a SHANE)

Ngayon ko lang talaga masasabi na may mga wierd syang barkada. At di ko alam kung pano sya nakakatagal sa mga toh.

"Urgh! Drop it guys! At kayong mga bakla! Ilang beses ko na bang sinabi na wag na wag kayong lalapit kay Kaius? Leche" sabi ni Demi.

Well, nasabi nya na sakin ang plano nya pero mukhang sisirain ng anim na baklang toh.

"Hahaha speaking of Kaius! Kanina nakasabay namin sya sa canteen and oh may hawt! Ang hawt nyang tingnan kanina! Wet look si fafa hakhakhak- WAAAAAAH~" ayan. Bigla ba namang sinakal ni Demi tong si Jerzy? Basta yung Jezreel.

"Hey Demi! Papatayin mo ba si Jezzy?" Awat naman nung si Bryan. Tsk mas naalala ko yung panglalake nilang pangalan eh. At Jezzy pala second name nung Jezreel.

"Oo! Leche lagi nyo na lang pinagpapantasyahan ang baby ko!" Inis na sabi ni Demi. Di ko alam kung makikigulo pa ba ako o hahayaan ko na lang sila. Tutal problema nila yan eh. Iba naman yung akin.

"Waw! Maka baby ah! Eh di mo nga malapit-lapitan eh hahahahaha" napatigil naman si Demi sa sinabi ni Sean ah- Shane.

"Nilapitan ko sya pero nagalit sya. Gago" at ayown. Walk out na sya.

Susundan ko na sana si Demi pero pinigilan nila ako.

"Bro, yaan mo muna." Nagulat ako ng nagsalita si Erwin.

"Kala ko?-

"Basta" sabi nya ulit at umalis na sila.

Kingina anong nangyare?





^^-

Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now