Fourteen

193 7 1
                                    

North's

"Uy North, sabi ni tita sasama ka na daw sakanya. Totoo ba yun?" Tanong sakin ni Sky habang naglalakad kami papuntang classroom.

Kagabi kase umuwi agad ako pagkatapos kong kausapin si Sofia. Pagkauwi ko kinausap ako ni mom na mapapaaga alis nya kaya tinanong nya ulit ako.

"Oo, sasama na ako." Sabi ko. Buti na lang at nagexam muna kami para sa finals bago magprom kaya di na hassle.

"So kelan alis mo?" Tanong naman ni Kacper.

"Next week? I think" basta yun yung sabi ni mom. Pwedeng ngayong week or next week kami aalis. Depende kung kelan matatapos ayusin yung mga papeles.

"Next week? Ang aga naman? Graduate ka muna dito bago umalis" sabi naman ni Mert.

"Alam kong mamimiss nyo ako hahaha. Pero sabi ni mom di na kami makakaabot sa graduation" naging matamlay naman sila sa sinabi ko.

"Ang babakla nyo HAHAHAHA" sabi ko at tumawa. Para silang ewan na nakapout. Kala naman nila bagay sakanila. Sakin yun bagay eh. DIBAAA!!! ^_^

"Taena mo! Magpadala ka na lang ng mga branded na damit tsaka sapatos may sweag ka na." Sabi naman ni Zac sabay hampas sa likod ko.

"Hahahaha sige pero talunin nyo muna ako sa bato-bato pik!" Panghahamon ko. Syempre di yan aatras.

"Oh sige!" Sabay-sabay pa nilang sabi at nagkumpol-kumpol kami.

"Bato! Bato! Pik!" Si Kacper, Sky at si Mert ay gunting habang si Shiloh naman ay papel at kami naman ni Zac ay bato.

"OI! OI! OI!! TANGGAL NA SINA SKY HAHAHAHA" tawanan kami ng tawanan habang si Zac ay tinutulak sina Mert.

Kaming tatlo nalang nila Shiloh at Zac ang naglalaro.

"Bato! Bato! Pik!" Si shiloh bato. At nga naman! Parehas pa kami ni Zac na papel!

"Pano ba yan. Pag ako nanalo. Syempre mas madami ka sakin ipapadala."  Mukhang nageenjoy si Zac sa plano nya hahaha. Leche mapapagastos ako nito pagnagkataon.

"Bato! Bato! Pik!" Nagulat naman ako ng gunting sya at bato ako.

"Woaaaah!! HAHAHAHAHAHHAA WALA KA NG SAPATOS!!" Sigaw ko sakanya ng matalo ko sya. Hahahaha

"Woooh!! Hahahahaha" pangaasar ko pa. Si Zac naman namakyu at inayos ang cap nya.

"Daya. Tss" anong madaya dun? Hahahaha.

"Laro na lang tayo tagu-taguan!" Suggest ko. Nakatanggap naman ako ng batok mula kay Sky.

"Late na tayo haha" sabi nya at nauna ng maglakad.

"Abnoy ka talaga!" Sabi naman ni Kacper at hinila na si Shiloh.

Ano bang pangit sa tagu-taguan? Bakit ayaw nilang maglaro nun? Kekekekeke ^0^

Late na pala kami ^_^

Sumunod na ako kina Sky, pagdating namin lahat sila nakatingin samin. Late na late na talaga kami.

"Why are you late?" Mataray na tanong ni Miss Dela vega.

"Kase Miss late kami ^_^" singit ko bago pa makapagsalita si Shiloh.

"Then why are you late?" Tanong muli ni Miss. Di nya ba naintindihan sinabi ko??

"Then we're late Miss!" Masayang sabi ko. Sana naman maintindihan nya sinabi ko. English na yon ah.

Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now