Seven

217 5 0
                                    

Sofia's

"Guys! Una na ako bye!" Paalam ni North. Tch. Ano pa bang bago? Araw-araw ba naman laging ganyan sasabihin nya pag lunch, syempre sanay na kami.

"Sofia, alam mo ba kung saan yan pumupunta si North?" Napatingin naman ako kay Jasmine ng tanungin nya yon.

At bat naman nya ako tatanungin tungkol sa kupal na yon? Psh.

"Malay ko. At wala akong pake" sabi ko na lang. Lalabas na sana ako ng room kaso may biglang pumasok na lalake at nilock pa yung pinto.

"NAGBABAGANG BALITA! MULA SA NAGBABAGANG BAHAY NILA NORTH HARPER! SI NORTH AY MAY SYOTA NA! ANG PANGALAN AY DEMI! HINDI SI DEMI LOVATO KUNDI SI DEMI LAZARO, ANG NATATANGING PINSAN NI ZAC FLYNN! PANO SILA NAGING MAGPINSAN? SIMPLE LANG. KAPATID NG NANAY NI ZAC ANG TATAY NI DEMI. PANO NAGING MAGSYOTA SINA DEMI AT NORTH? SIMPLE LANG DIN. DAHIL SA LAGI SILANG MAGKASAMA AT NAGKADEBELOPAN NA. O SYA DITO NA MAGTATAPOS ANG BALITANG ITO. AKO NGA PALA SI RUSSEL MCNAB ANG PINAKAGWAPONG PINSAN NI JASMINE MCNAB WAG NA KAYONG MAGTANONG KUNG BAT KAMI MAGPINSAN DAHIL WALA KAMI SA HOT NEWS! UULITIN KO! AKO'Y SI RUSSEL MCNAB NAGBABALITA AT NGAYON AY NAMAMAALAM!" Pagkatapos ng sinabi nya ay agad na syang umalis. Ang wierd nung Russel na yun ah.

"Pinsan mo talaga yun?" Tanong ko kay Jasmine na tawa ng tawa ngayon.

"Yeah hahaha" sabi nya. Lumabas na kami ng room. Sina Tory cluesless at sina Sky naman ang lawak ng ngiti. Tss. Alam kong may alam sila.

Napatingin naman  ako dun sa pintuan ng isang classroom dahil sa ingay. Di namin yun classroom dahil dun sunod na pumasok yung Rusel. Siguro yun na yung room nila.

"Oh Mert, may syota na si North. Ikaw? Kelan?" Biglang tanong ni Sky. Papunta na kami ngayon sa canteen. Pero tong sina Sky di pa rin matigil. Ngayon si Mert naman ang napagtripan.

"Tss" tanging sagot ni Mert.

"Nagsawa na ata hahaha. Lahat ba naman ng babae dito nilandi na nyan" pangpapatong pa ni Kacper. Nagreact naman sina Daphne sa sinabing yon.

"Isa ka pang gago ka" sabi ni Mert at binato ng crumpled paper si Kacper.

Tutal katabi ko naman si Jane ay siniko ko na sya.

"Ano bang meron sainyo ni Mert?" Nakangiti kong tanong sakanya. Nanlaki naman ang mata nya sa tanong ko at ng maka recover na sya ay tiningnan nya si Mert sabay rolled eyes. Eeh??

"Eew bes. Just eew" sabi nya at nauna ng maglakad.

"Eew ka ng eew. Tapos sa huli magugustuhan mo lang naman sya" sabi ko sakanya kaya napatigil sya sa paglalakad at nilingon ako.

"Say that to yourself. As if naman! Pa hard to get ka nga dyan kay North eh hahaha. Yan naunahan ka nung Demi whatsoever na pinsan ni Zac hahaha" abat? tangina bat nya sakin nilipat ang usapan?

"Kingina mo" sabi ko na lang at nauna na sa paglalakad. Sina Zac nauna para magorder ng foods.

May baon naman ako kaya di na ako nagpabili. Oh well, pinaglutuan ako ngayon ni mom dahil trip nya lang daw. Ambait talaga ng butihing ina ko ^,^

"Wow lasagna!!" Sigaw ni Tory at inagaw sakin yung lasagna. Leche tong babaeng toh. Inagaw ko sakanya yung pagkain ko at binatukan sya.

"Aray~" sabi nya at hinimas pa ang part ng ulo nya na binatukan ko.

"Yan ang nakukuha ng mga mangaagaw" sabi ko at nilantakan ko yung lasagna. Peborit ko toh eh. Leche. Pero mabait talaga nanay ko. Pinabaon ako ng lasagna para sa lunch. Taena.

"Pfft-" napatingin naman ako sakanila ng marinig kong nagpipigil silang tumawa.

"What?" irita kong tanong. You know nakakairita yung kumakain ka tapos may nakatingin sayo na nagpipigil tumawa. Seriously what's their problem?

"Wala. Double meaning kase yung sinabi mo kanina. HAHAHAHA" huh?? Napakunot pa ang noo ko sa sinabi ni Quinn.

"Alin? Ahh yung. Yan ang nakukuha ng mga mangaagaw?" Tanong ko. Lahat sila tumango at may malawak na ngiti sa bibig nila. Ngayon ko lang din narealize ang mini-mean nila.

"Mga puta kayo" sabi ko na lang at pinagpatuloy na ang pagkain ko sa lasagna. Kingina di ko naman intensyon yung mini-mean talaga nila. Sadyang gutom lang talaga ako.

"Oh eto na yung mga pagkain ng nga pabebe." Sabi ni Zac sabay lahad kay Daphne nung order nya.

"Pabebe your face!!" Tss. Magaaway nanaman ba sila?? Leche.

"Kung magaaway kayo. Wag nyo ng ipagpatuloy, baka matusok kayo ng baba ko" pambabanta ni Nico kaya natahimik yung dalawa. Mahirap na, matulis pa naman baba nyan.

"Bb, why so bad? May mens ka ba?" Tanong naman ni Angel na nagpatawa sakanila.

"Baka ikaw bb? Natagusan ka pa naman kanina" bigla naman namula si Angel kaya piningot nya sa tenga si Nico. Taenang laswa!!! Nakitang kumakain yung tao.

"A-ah~ Ar- aray ko bb~"  sabi ni Nico habang namimilipit sa sakit.

"Bb. Kingina mo. Kumakain tayo eh" sabi ni Angel habang pinipingot pa rin si Nico.

"Kingina nyong dalawa. May vacant table pa sa kabila. Lipat na kayo" sabi ni Zac sabay turo sa left side namin.

"MGA PUTANGINA NYO. LAM NYO 23?? MALAPIT NA YON. KAYA MALAPIT NA KAYONG MAGBREAK!! WALANG POREBER POTA" sigaw ni Daphne sabay kagat sa chicken nya. Actually kawawa na yung chicken kase grabe yung pagkagat ni Daph eh. Ikennat.

"Tangnang bibitter nyo!" Sigaw ko sakanila.   Wala eh. Trip ko lang makisawsaw hahaha.

"Oo nga mga BITTER!!" Sabi din ni Tory sabay emphasize dun sa 'bitter'

"Ay wow. Nagkaroon lang ng manliligaw. Di na bitter? Hahaha. Galing" nakisali na din si Jane kaya mas lalong umingay.

"So pag niligawan ba kita di ka na magiging bitter?" tanong naman ni Mert kay Jane.

"Naks naman! Ayan na eh! Gumagalawan na si pandak! Hahahaha" tuwang-tuwang sabi ni Sky.

"In your dreams. Gago" tanging sagot ni Jane at tinarayan sya.

Anyare ba dito kay Mert? Di naman sya ganyan dati eh. Hahaha nakakapanibago.

"Stop it guys. Nasisira ang kagwapuhan ko sa kaingayan nyo" singit ni Kacper sabay suklay ng buhok nya gamit ang daliri nya.

"Hikhikhik" lahat kami napatingin kay Quinn ng humagikhik toh. Nakatingin sya sa phone nya pero nakatampad toh kay kacper na kaharap nya lang. I know what she's doing. Damn this girl.

"Oi si North yon diba?" Sambit naman ni Jasmine. Nakaturo sya sa likod namin dahil kaharap lang siya ni Shiloh na katabi ko.

Lumingon si Shiloh kaya napalingon na din ako. Si North na may kasamang girl at magkaholding hands sila at nagtatawanan pa. Kdot. Don't even care. Bumalik na lang ako sa pagkain ng lasagna ko, baka kase langgamin.

"Hoy North!! Bawal PDA!!" Rinig kong sigaw ni Shiloh sa tabi ko. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko dahil nakakadiri silang tingnan. Eew. Di sila bagay.




^^-

Boy In Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now