Chapter 5: Pagkikita

2 0 0
                                    


Nakapikit ang mata niya habang minamasahe niya ang sentido. Sobrang dami ng papel na inaaral niya ngayon. Tinitingnan niya kasi ang proposals ng bawat department para sa expansion nila.

Bilang kumatok ang secretary niya. “Ms Agatha, you have an appointment to Mr. San Sebastian at 3pm. Are you ready miss?”

“Oh I almost forgot.. okay Lea prepare everything at 30 minutes and also tell the driver to pick me up after you finish the preparation okay?”

Nag-ayos na siya ng kanyang sarili. Kaylangan niyang mai-close ang deal with the San Sebastian Corp. Dahil isa ito sa makakatulong ng malaki sa kanila para mas makapg-expand sila ng products nila sa iba’t-ibang lugar sa loob at labas ng bansa.

Kumpara kasi sa family nila, mas malaki ang business ng mga San Sebastian.

Dati di siya palaayos. Kontento na siya simpleng pulbo lang. Pero sa business world kaylangan mong maging presentable. Inayos niya ang dress na hapit na hapit sa kanya. Kulay chiffon ito at nagsuot siya ng heels na three inch lang, di niya na kasi masyadong kaylangan mag-heels kasi may katangkaran din naman siya. Naglipstick din siya, kulay red na may pagka-maroon ang gamit niya.


Its been years now… but I can’t see you… where are you joyce???”

Naantala ang pagmumuni niya ng pumasok ang secretary niya. Suot nito ang maiksing palda na at ang damit nito na halos kita na cleavage.

Sabi nila ang lalaki daw napaka-insensitive, pero hindi siya, alam niyang may gusto sa kanya ang secretary niya. Pero sorry nalang ito, may gusto siyang iba- hindi pala, mahal niya na pala ito. Kaya pormal niyang kinausap ang secretary.

“Is everything settled?”

Napatanga naman ang secretary niya, akala siguro magagawa siya nitong akitin.

“Yes Sir… Miss Dela Costa is in the conference room.”

Agad na siyang tumayo at inayos ang coat. Paglabas niya ng office ay sumakay pa siya ng elevator nasa 6th floor kasi ang conference room at ang office niya naman ay nasa pinakataas ng building pa.

Siya nga pala si Bradley James San Sebastian. Nag-iisang tagapag-mana ng San Sebastian Corp. Matagal siyang nag-aral ng business sa ibang bansa at nung nakaraan lang siya nakabalik. Kasabay nun ang pag-anunsyo na siya na ang mamamahala ng company.

Pagpasok niya ay nakita niya ang pamilyar na babae malapit sa screen kasama ang secretary nito at busy sa pagaayos ng presentation.

The search is over…. I found you now…

“Joyce…??” bigla niyang nasambit

Napatingin naman sa kanya ang babae. May kaputian ito at mahaba ang buhok nito na color brown. Ang tangkad nito ay tama lang sa makurba nitong katawan. Dagdag pa ng mata nito na nangungusap pati labi nito na pasimpleng inaakit siya.

“Are you Joyce??” sabay lapit

Napatingin ito sa kanya. Tiningnan siya ng maigi.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon