Chapter 8: Is it Good or Bad??

1 0 0
                                    


"Ang sarap ng gising ko!" Sabi ni Brad na
nagpunta sa balkonahe at dun nag-unat unat.

Nakita niya na naglilinis si Agatha. Napangiti tuloy siya. Kung may kilala siyang babae na napaka-oc ay si Agatha na yun. Gusto nito lahat malinis, nasa maayos na lugar.

Napalunok naman siya ng makita na naka-shorts ito at loose na T-shirt. Mas lalo lumakas charisma niya kumpara dati.

Saksi siya sa lahat ng kalokohan na ginagawa ni Agatha dati. Noong di pa nito nakikilala si Nil ay madalas umuwi ito na lasing at may kasamang lalaki.

Naiinis siya ng sobra sa ginagawa nito, kababaeng tao tapos ganun ginagawa. Kaya naman sa sobrang inis niya ay nagdadabog siya sa labas ng kwarto nito at di siya titigil hanggat di lumalabas sila Joyce. Natatawa nalang siya pag naalala yun.

"Sipag...." sabi niya kay Agatha na nagwawalis ng bakuran

Tumingin lang ito sa kanya at di siya pinansin. Di pa nakuntento tinalikuran pa siya at nagwalis sa ibang parte ng bakuran.

Lihim siyang napapangiti. Kinuha niya ung walis niya sa bahay at nag-decide na magwalis na din ng bakuran niya.

Tumingin naman ito sa kanya at napataas ng kilay.

"Oh, himala naglilinis ka?" Sarkastiko nitong sabi

"Oo naman no?! Kamusta umaga mo ?" Nakangiti niyang tanong

Tumigil ito sa pagwawalis, tapos na kasi ito
maglinis.

"Eto masama, kasi umagang umaga nakita ko agad yang pagmumukha mo!" Halata ang
pagkainis nito.

Natawa siya. "Ay ganun? But for me my morning is great, beautiful kasi pagkagising ko palang ikaw agad nakita ko.. "

"Ewan ko sayo!" Sagot nito sa kanya at iniwan siya.

Sinundan niya ito. Magjjogging pala ito kaya
umalis. Nagulat pa sa kanya si Agatha nung sumunod siya.

"Talagang susundan at gagayahin mo lahat ng gagawin ko no?!"

"Opsss! Umagang umaga highblood ka... relax lang. Magjjogging naman din talaga ako nu." Sabay smirk.

Marami silang nakasabay na nagjjogging. Lahat ng nakakasalubong nila ay napapatingin sa kanila tapos sabay ngiti. Kaya nginingitian niya din. Di siya ung tipo ng lalaki na super sungit at di makausap.

"Ikaw iho uh, di mo sinabi na may girlfriend kana uh..." nakangiting bati sa kanila ng isang matandang babae.

Ngumiti lang siya habang si Agatha ay gulat na gulat.

"Lola, di po niya ako girlfriend... magkapit-bahay lang po kami.." narinig niyang paliwanag ni Agatha.

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon