C hapter 14: Di Inaasahan

1 0 0
                                    


 

Maaga siyang gumigising gaya ng nakakagawian niya ng limang araw na nakakaraan. Five days to go na lang matatapos na ang meeting na ito.

Ngayon hindi niya na iniisip kung tatanggapin pa ba ni Bradley proposals ng company nila pero

wala na siyang pakialam dun. Gusto niya lang

kalimutan lahat ng nangyari ngayon dito sa

Batangas.

Nagsisisi talaga siya na sumama siya kay Bradley. Muli na naman bumalik sa kanya lahat ng sakit na tila binabakbak di lang puso niya pati buong pagkatao niya..

Sa paglalakad niya ay marami siyang

nakakasalubong na tao. May masaya, may

malungkot, may galit sa mundo, may awang awa

sa sarili at higit sa lahat may in love sa isat isa.

Pagmamahal?

Nabubuhay ka ba niyan? Nawawala ba niyan lahat ng hirap mo?

Ng alala mo na mapait nagagawa ba niyong

palitan ng matamis na alaala?

Once she fell inlove. Akala niya yun na. Mahal

niya ito. To the point na binigay niya lahat ng

pagmamahal niya. Konti nalang natira para sa

sarili niya.

Pero bakit ganun? Kung kelan hulog na hulog ka na, doon mo lang marerealize na wala palang

sasalo sayo? Bagkus ito pa yung hihila sayo

pabagsak para maramdaman mo yung sakit.

Minsan hindi porke matagal na nangyari at
nakalimutan mo na eh di parin masakit. Lahat ng alaala sumasakit lalo pag naalala mo na. Para tong virus na nawawala pero pag bumabalik mas
matindi ang dala nitong sakit.

Napabuntong-hininga siya. Hindi talaga tama na sumama siya kay Bradley pabalik sa lugar na ito. Kung saan naranasan niyang sumaya at masaktan.

"Ouch!" Sabi niya, napahawak siya sa ulo niya.

Magtataray sana siya pero nagulat siya sa nakita

niya......

Si...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Nil.......

Of all the places bakit dito pa? Ganto nalang ba

ako katrip ng tadhana???

Yumuko siya para di siya mamukhaan nito. Pero

huli na

"Joyce.........."

Di siya tumingin dito.

"Joyce..... di mo ba ako kilala si Nil to...." sabi

nito ulit.

Anong akala mo sakin nagka-amnesia??

Sana nga nagka-amnesia ako, nang sa ganun di ko na maalala lahat ng masasakit na salita na

natanggap ko sayo gago ka!

Ngumiti siya at tumingin dito.

"Hi Nil! Long time no see! How are you??"

Ngumiti naman ito. Halatang move on. Siya na

lang ata hindi pa.

"Eto masaya naman...." nagulat siya ng lumapit sa kanila an isang batang lalaki na sinundan ng

babae na kilala niya, si Mary Joy.

Karibal niya!

"Hi Joyce! Ang ganda mo na lalo ngayon uh, sino kasama mo?" Nakangiting sabi ni Mary Joy sa

kanya.

Ngumiti din siya.

"Thanks for the compliment MJ.."

Nagpaalam muna saglit si mj kasama ang anak

nila ni Nil. Tapos niyaya siya ni Nil ma mag-usap.

Ano naman kaya pag-uusapan nila?

Importante ba yun?

Kaya ba nung mabigyan ng explanation lahat ng

nararamdaman niyang sakit?

Bakit kaya ganun? Sa lugar na hindi mo iniisip na posibleng mangyari ang gusto mo e dun pa

mangyayari?

Batangas!!!!!

You're giving me again a lot of memories!!!!

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon