Chapter 4: Flashback

3 0 0
                                    

Katatapos lang nila kumanta ng lively songs at nakakatatlong set na sila ng kanta. Pero ang mga tao ay panay request ng kanta at di sila tinatantanan.

Medyo paos na din ang boses niya kakakanta at napansin un ng mga kabanda niya.

“Gusto mo ako nalang kumanta Joyce? Bakas ang pag-aalala nito sa kanya.

Ngumti naman siya “kaya ko pa naman… don’t worry seph..”

“Pero napapaos kana, pag pinilit mo pa kumanta, mamayang gabi nyan magkakalagnat ka!” inis na sabi ni Brad

“Oo nga joyce. Tama si Brad, Joseph nalang pakantahin natin tapos ikaw sa bass. Kaya mo naman yun tutugtugin natin diba?” ani ni George

Nagsimula na kumanta si Joseph, marami tuloy kinikilig na girls. May mga ibang lalaki din na nakikinig. Pagkatapos naman kumanta ni Joseph, nagrequest pa ang audience na pakantahin daw si Brad.

Nako???!! Si Brad?? Si Brad na walang malay?? Si Brad na walang kamuwang-muwang?? Si Brad na di lang makalaglag panga! Pati Panty at Bra! xD

Natawa naman siya. Tumingin siya kay Brad.

“Ano brad, hinahantay ka na kumanta ng mga girls mo oh.. hahaa inumpisahan kasi nitong si Joseph..” aniya

Sa wakas tumawa din si Brad, masyado kasing seryoso ang personality nito. Kaya lalo naman nagtilian ang mga audience, particularly mga girls

“Oh sya, sya… kakanta ako…” tumingin ito kila Joseph at George “yung tinugtog natin sa praktis bro.”

“Ang kakantahin ko po ay And I love you so.” Ngiti ni Brad

Ngiti palang ulam na!

“Yung palang kakantahin mo? Bakit di ko matandaan na napraktis natin yan Brad?” tanong ni Joyce

“E kasi lagi kang wala. Oh sya, gusto kong manuod ka muna samin. Okay?” nakangiting sabi ni Brad.

Nagkibit-balikat nalang siya. “Okay Sige. Second voice nalang ako.”

And I love you so

The people ask me how

How I’ve lived till now

I tell them I don’t know

Ang ganda pala ng boses ni Brad. Di niya tuloy maiwasan kiligin. Punong-puno kasi ng sinseridad ang kanta nito.

I guess they understand

How lonely life has been

But life began again

The day you took my hand….

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon