Chapter 26: Mababaliw ka na lang

1 0 0
                                    

 

"Wag kang aalis Bradley.. dito ka lang sa tabi

ko..." takot na takot na sabi ni Agatha kay Brad.

Nasa kwarto niya ito ngayon. Nagpaalam sana ito na uuwi na sa bahay nito pero ayaw niya itong

umalis. Baka mamaya nasa labas lang yung mga

 taong gustong manakit kay Bradley. Natatakot

siya. Sobrang takot siya na sinasarili niya nalang

lahat ng takot.

"Why babe?? What's the problem??" Nag-

aalalang sagot ni brad sa kanya.

"Wala po Babe.. basta wag kang aalis sa tabi ko

ok??" Medyo bossy na sabi niya.

Ngumiti naman ito sa kanya at hinawakan ang

chin niya.

"Babe ikaw talaga.. dont worry okay? Di ako

aalis..."

At yinakap siya nito. Niyakap niya rin ng

mahigpit si Bradley. Kung may kinakatakot siya

 ngayon ay yung mawala ang lalaking

pinakamamahal niya. Di niya kakayanin pag

nangyari yun.

Natakot pa siya lalo nang tumawag ulit si Jhom sa kanya. Nagsabi naman ito na andyan lang ito sa

paligid at sinusubaybayan siya. Kaya wag siyang magkakamaling magsumbong sa kahit na sino

kundi mananagot si Bradley.

Di niya talaga maalala kung sino ba itong taong

nagtthreat sa kanila ni Brad. Di niya talaga kilala. Pero pinagtataka niya ay kilalang-kilala sila nito

ni Bradley. Kung pano sila nagkita, nagkaayos

pati yung mga nangyari sa kanila noon sa

Batangas pati iyon alam nito.

Nang tulog na si Bradley ay bumangon si Agatha sa kama at sumilip sa labas. Nakita niya sa di

kalayuan na may kotseng itim doon. at parang

may tao sa loob. Bigla itong lumabas sa kotse at

nakita niyang lalaki ito pero nakamask ito habang naglalakad.

Kaya agad siyang napaalis sa bintana at babalik sa higaan. Napasigaw naman siya ng bigla siyang

niyakap ni Bradley mula sa kanyang likuran.

"Babe.. ano bang nangyayari???" Talang taka ito

"B-babe.....babe... mmay tao!!"

Sumilip naman ito sa bintana.

"Wala naman tao babe... guni guni mo lang iyon... matulog na lang tayo ulit." Ngumiti ito sa kanya at giniya siya papunta sa kama para mahiga.

"Ikaw babe di ka matutulog??" Bakas padin sa

mukha niya ang takot.

Umiling ito.

"Di ako matutulog. Dito lang ako sa tabi mo yayakapin lang kita babe... para mawala na yang takot mo okay?"

Tumango naman siya. Pinikit niya na ang mata

niya ng maramdaman niyang yumakap sa kanya si Bradley.

At least pag alam niyang nasa tabi niya ito ay

panatag ang loob niya. Na walang masamang

mangyayari kay Bradley.

Tawa ng tawa ang isang lalaki. Parang mababaliw siya sa kakatawa.

"Halos mabaliw sa takot si Joyce sa ginawa ko

kanina! Hahahaha akala niya talaga susugurin ko

si Bradley!" Sabay tawa ng malademonyo

"Bakit mo ginagawa iyon kay Joyce? Bakit di mo nalang kunin si Joyce. Diba mapapasayo na siya." Sabi ng babae na humihithit ng sigarilyo

"No, i wont do that. . Hindi ako sa ganung paraan maghihiganti. Gusto kong danasin ni Joyce ang

mabaliw sa takot na mawala sa kanya si Bradley. Kagaya ng ginawa nila sakin." Galit na galit

nitong sabi.

Sabay tumawa ito ng malakas. Pero mamaya

maya eh umiiyak naman ito.

"Mahal ko si Joyce eh! Kaso pinaglaruan niya

lang ang puso ko! At iyong bwisit na Bradley na

yon! Laging epal yun eh! Kaya buburahin ko na

talaga siya sa landas namin ni Joyce!" Sabay tawa nito

Baliw siya.....

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon