Inis na inis siya. Sobra!
Ngayon nasa bahay na siya at dapat nagpapahinga o di kaya nagfofocus para sa proposals pero di niya magawa.
"Kahit kaylan talaga Bradley nakakainis ka! Bakit ka na naman kasi sumulpot sa buhay ko! Panira ka talaga kahit kaylan!" Halos sumigaw na sa terrace si Agatha sa sobrang inis niya kay Brad.
Ito lang ang kaisa-isang tao may kakayahan na mang-inis sa kanya ng ganon. To the point na nawawala na ung word na "patience" sa utak niya.
"After so many years, wala ka pading ginawa kundi inisin ako at mangialam! Bwisit talaga! Fvck! Damn!" Sabi niya ulit kulang nalang ibato niya na ung mga flowerpots niya sa katabing townhouse.
Pero bakit nga ba siya inis na inis kay Brad? Sa pagkakatanda niya e ito yung pakialamero niyang kabanda. Ultimo mga nagiging karelasyon niya noon ay pinapakialaman nito. Binabantaan mga ganun. Ewan ko ba kung anong klaseng utak meron tong si Brad. Lahat nalang ng ginagawa niya noon pinapakialaman nito, walang pinapalampas. As in! Daig pa nito ang papa niya.
"Siya lang din naman dahilan kung bakit kami nagbreak ni Nil...."
Damn! Pag naalala niya yun di niya maiwasan malungkot.. Si Nil Ballesteros, ito na sana yung lalaking asawa niya ngayon... ito na sana yung ama ng mga anak niya... ito na sana pero dahil kay
Bradley nasira lahat.
Bigla siyang mapusok na hinalikan ni Bradley. Sa araw pa mismo ng kasal niya uh. Sinubukan niyang manlaban pero mas malakas ang pwersa nito kesa sa kanya.
Mamaya-maya nagulat siya kumalabog ang pinto kaya naghiwalay ang mga labi nila ni Bradley. Si Nil pala, nandun. Kitang kita sa mukha nito ang sakit, yung feeling ng naloko..
"So I am right since then..." tiim bagang na sabi nito
Lalapit sana si Agatha kaso humakbang palayo si Nil.
"Nil, mali ang iniisip mo.. di ko to ginusto.. di ba Brad??" Tumingin siya kay Brad. Pero di ito umimik. Di siya tinulungan magpaliwanag.
Napabuntong-hininga si Nil. Inalis ang engagement ring nila.
"Itong singsing na to, kasing dumi mo!" Sabay Tapon nito kung saan. "Bakit ba kasi di ako naniwala sa sinabi nila sayo noon pa man?? Madumi kang babae! Mapagpanggap! Walang kwenta! Bitch!" Galit nitong sabi
Umiyak siya "Nil.. let me explain.. please naman... kasal natin ngayon..." gumagaralgal na din boses niya
"No need to explain Joyce! You failed me! Akala ko magbabago ka! Pinagbigyan kita noon, pero ngayon sobra na! Wala na kong mukhang maihaharap sa pamilya ko dahil sayo! Yung kasal?? Wala na! Walang kasalang magaganap!!" Sabay alis nito palabas.
"You broke my life Brad.. pinakita mo sa lahat kung gaano ako kadumi... ni hindi mo man lang ako tinulungan..." mapait niyang sabi habang umiiyak.
Kumuha siya ng wine sa bar niya, at nilagok niya ung laman ng bote. Isa yun sa paraan niya para makatulog at kalimutan yung mapait na karanasan niya.
Kinaumagahan ay bumangon na si Agatha. Kahit masakit ang ulo niya dahil sa pagkalasing ay bumangon parin siya at mabilis na nag-ayos para sa pagpasok sa office.
Nasa labas na siya ng bahay niya at napatingin siya sa katabi niyang bahay.
"Laging walang tao na lumalabas sa bahay na yan... may tao ba talaga dyan? Baka bampira nakatira jan at takot maarawan..." sabi niya.
Umiral na naman ang pagkaweird niya. Mahilig kasi siya sa mga vampires.
"Uh-uh-uh vampire agad?? Dahil hindi mo lang nakikita yung kapit-bahay mo? How sweet... isa ka palang concern neighbor ko." Nang-iinis na sabi ng tao na may ari ata ng bahay na tinutukoy niya.
Pumikit siya ng malalim "patience Agatha.. patience.. umagang umaga.. simulan ng maganda...."
Pumihit siya patalikod at ngingitian sana ang taong nagsalita. Nawala ang ngiti sa labi niya.
Pabalik na sa bahay si Bradley nag-jogging kasi siya. Isa iyon sa mga daily routines niya bago pumasok sa work. Kaya naman kahit busy sa trabaho ay marami parin humahanga mapababae man o lalaki kasi sa magansa niyang pangangatawan.
Nakita niyang nakapameywang si Joyce- este Agatha na pala.
"Di padin siya nagbabago, mannerism niya na talaga yan.."
Napangiti siya.
Nakapantalon lang ito at blouse. Simple lang. Nakatingin ito sa bahay niya kaya naman tahimik siyang lumapit sa likod nito.
Narinig niya ang sinabi nito.
Siya? Bampira?? Baliw talaga ang babaeng to. Magkapit-bahay pala kami. Nga naman oh, tadhana na gumagawa ng paraan. Akala ko mahihirapan ako ng konti na mapalapit sa kanya.
At ang mukha nito nang humarap sa kanya, priceless talaga. Hindi niya na narinig ang sinabi nito kasi tuwang-tuwa siya na nakikitang naiinis si Agatha sa kanya.
Dont get me wrong huh, di ko talaga gustong naiinis sakin si Agatha. Pero siguro isa na din yun sa trademark ng pagkakakilala namin. He try not to piss her pero wala talaga eh.
Nakaalis na sa harapan niya si Agatha at
pinaandar ang kotse nito. Binugahan pa siya ng usok huh?! Wow ha??!!"Hey!! Alam kong hot ako, pero di mo naman ako need bugahan pa!" Medyo naiinis niya naring sabi.
Natuwa pa ito sa ginawa at inulit pa sa pangalawang pagkakataon. Lalapitan niya na sana sa kotse kasi mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan na dahilan naman para nabugahan ulit siya ng usok.
"Here we go again Agatha.. your pissing with me again..."
BINABASA MO ANG
What If We Try?
RomanceKung ano pa ng nasa harapan mo iyon pa ang di mo pinapansin. Mas ginugusto mo pang abutin iyong hindi para sayo. Bakit hindi mo kaya subukan pansinin kung ano yung meron ka? Nang sa ganun di ka naghahanap ng iba na wala sayo. What if we try? Wala na...