Sa Batangas. Kung saan nagkakilala sila ni
Bradley. Naging magkabanda. Nagkasakitan.
Tapos nagkasama ulit. Nagkaaminan. Nagkaroon ng masasayang sandali. Dito din ba sa lugar na ito magtatapos ang kwento nila?
Sabi ni Bradley aalis lang siya saglit. May
kaylangan lang daw itong kausapin na kaibigan sa bayan..kaya naiwan tuloy siyang mag-isa sa
resthouse nito.
Sa ilang linggong pamamalagi nila rito ay naging masaya siya. Nakuntento. Nawala yung mga
worries niya. Pero ngayon ewan niya bakit
kinakabahan siya. Di niya maipaliwanag.
Malakas pa nan ang ulan sa labas. May kasama pang kidlat. At takot siya sa kidlat. Takot na takot.
Yun marahil ang kinakatakot niya. Kung andito
lang si Bradley yayakap siya ng mahigpit dito. Sana safe itong makauwi sa bahay nila.
Inaliw niya nalang ang sarili sa panunuod ng
movie habang hinihintay si Bradley. Napatingin
pa siya sa oras.
Mag alas diyes na wala pa din ito. Ano na kayang nangyari. Pumunta siya sa kwarto at kinuha ang
phone niya. Tinawagan niya si Bradley pero
walang sumasagot. Nagulat nalang siya ng may
kumakatok.
Baka si Bradley yun.
Agad niyang binuksan ang pinto pero laking gulat niya ma hindi si Bradley ang nasa pinto...
Si Jhom!!!
Dahil sa pagkagulat ay di niya na nagawang isara ang pinto. Kaya malaya itong nakapasok sa loob mg bahay. Ni-lock pa nito ang pinto. Napaatras
siya habamg ito ay naglalakad palapit sa kanya.
"B-bakit ka a-andito???" Ramdam sa boses niya
ang takot
"Because your here my dear... dont you like it?
Me and you in this place? This is so romantic....." nakangiti nitong sabi
"A-anong..... anong g-ginawa mo kay
b-bradley???" Sabi niya na umaatras padin
Natawa ito. "Hanggang ngayon si Bradley padin
iniisip mo???!! *Galit*
*Tapos ngiti ulit* Guess what???......"
"Im sure by now he's lying on his own blood...."
sabay tawa nito ng malademonyo.
BINABASA MO ANG
What If We Try?
Lãng mạnKung ano pa ng nasa harapan mo iyon pa ang di mo pinapansin. Mas ginugusto mo pang abutin iyong hindi para sayo. Bakit hindi mo kaya subukan pansinin kung ano yung meron ka? Nang sa ganun di ka naghahanap ng iba na wala sayo. What if we try? Wala na...