Welcome to Batangas city.
Three years ago umalis siya sa lugar na ito para
iwan ang masasakit na alaala. Pero after three
years ay bumalik siya kasama ang kapatawaran sa mga taong nakasakit sa kanya. Sa lugar na ito,
natuto siyang magmahal, sumaya. Nakilala niya
ang passion niya yun ay ang pagkanta. Pero sa
lugar na ito nagawa niyang makasakit ng mga
inosenteng tao na walang ginawa kundi mahalin
lang siya.
After another three years andito ulit siya sa
Batangas. Kasama si Bradley. Kasama ang mahal niya. Masaya siya sa piling nito. Hindi siya
nagsisi na pinili niyang sumama sa lalaking mahal niya. Ang business nila? Hindi niya iniwan pero
dinala niya sa batangas. Kung may natutunan siya noon, wag agad isakripisyo yung mga bagay na
importante sayo. Humanap ka ng paraan.
Kung nagkamali ka matuto ka sa pagkakamali.
Bumangon, magsimula ka ulit.
Ang buhay ay sadyang magulo. Kasing gulo ng
isip ng tao. Pabago bago. Depende sa direksyon
na gusto mong tahakin. At nang buhay mo ay nasa iyo lang kung aayusin mo o hindi. Kaya matuto ka sa lesson ng buhay mo. Imbes ikahiya ang
pagkakamali, gamitin mo ito para maging lakas mo para magsimula ulit.
Eto pala kami ni Bradley. Masayang nagsasama
kasama ang dalawa naming anak. Si Karlo at
Janelle. Twins sila. Mas lalong naging masaya at makabuluhan nang dumating sila sa buhay namin.
Wala na kaming mahihiling pa sa buhay. Ang
makasama ang tatlong mahalaga sa buhay ko. Si Bradley na nagmahal at tumanggap sa akin ng buong-buo, ang mga anak kong sila Karlo at Janelle, na nagpabago sakin at tinuruan ako pano maging mabuting ina sa kanila pati kay Bradley na asawa ko. At ang manirahan dito sa Batangas.
Kung saan nag-umpisa ang kwento ng buhay ko.
Kung saan nagmahal ako.
Kung saan nasaktan.
Kung saan nagkamali ako.
Sa lugar na ito nahanap ko amg kapatawaran, kalayaan at kasiyahan.
“I need a vocalist yung di lang magaling! Yung may puso din naman sa pagkanta!” inis na sabi ni Bradley
Naghahanap kasi sila ng vocalist nila, at madami dami na din nag-apply pero walang pumasa sa Standards niya.
“Ang taas naman kasi ng standards mo bro, ang
Dami na kayang nag-apply halos lahat rejected!”
BINABASA MO ANG
What If We Try?
RomanceKung ano pa ng nasa harapan mo iyon pa ang di mo pinapansin. Mas ginugusto mo pang abutin iyong hindi para sayo. Bakit hindi mo kaya subukan pansinin kung ano yung meron ka? Nang sa ganun di ka naghahanap ng iba na wala sayo. What if we try? Wala na...