Chapter 19: Pinangunahan na ni Joseph

1 0 0
                                    

Masayang nagbeach-volleyball sila George, Step, at Bradley. Di siya sumali kasi di siya marunong

nun. Samantalang si Jennyline nagpahinga muna

saglit sa unit nito kasi buntis ito e. Alam niyo na

antukin. Tapos itong si Joseph di sumali sa laro

nila at lumapit ito para kausapin siya.

"Oh, ikaw pala yan seph, nagulat mo ko..."

nakangiti niyang sabi

"Kamusta na joyce? Ok ka na ba?" Tanong ni

seph alam niya kung ano tinutukoy nito.

"Ok naman... masaya, payapa na ako ngayon....

advance congrats uh, wag mo kong kakalimutan

iimbita sa kasal mo.. ni hindi mo man lang ako

pinaunang ikasal..." kunway tampo siya.

"Hehe good.. alam ko tama yung desisyon na

bradley na dalhin ka ulit dito sa Batangas... kasi

alam ko ito na yung time para malaman mo lahat at maging masaya ka naman..."

"Saka isa pa, hindi ko kasalanan na nauna ako sa inyo ni Bradley.. ang tagal niyo kasi

magkahulugan e." Biro nito sa kanya.

Binatukan niya ito. Siya lang talaga ang may

kakayahang bumugbog sa mga kabanda niya .

"Aray! Di ka pa din nagbabago uh! ikaw na ikaw parin si Joyce kahit nagpalit ka ng hot at sexing

name na Agatha!" Sabi nito na napahawak sa

masakit na ulo.

Natawa nalang siya.

"Tama si Bradley, ngayon ka lang namin ulit

nakitang tumawa ng ganyan...yung masaya

talaga.." sabi nito

Napatingin naman siya dito. Oo obvious na

obvious na talaga sa sinasabi ng mga ito na gusto nilang sila ni Bradley ay magkatuluyan na. Pero di niya padin magets kung bakit. Bakit kami pa ni

Bradley?

"Ay, nako... ang dami namang alam ni Brad, lahat nalang yata ng about sakin sinabi niya na sa inyo e." Natatawa niyang sabi

"Oo nga..he never stop on knowing you.. he cares for you all the time. Kahit nasa malayo ka, at nasa malayo din siya di ka niya nakalimutan." Sabi nito sa kanya.

Hindi niya inaasahan na un sasabihan ni Joseph.

Hindi naman kasi ito yung tipo ng tao na

nagsasabi ng kung anong naiisip nito.

"Ang laki na rin ng pinagbago mo.. well i can say step bring out the best in you..." pag iiba niya ng

usapan.

Ngumiti naman ito sa kanya "oo naman... she

even bring out the worst in me. . Well ganun ka

din naman kay Bradley. Noon you bring out the

worst in him but now you starting to bring out the best in him.."

Nagtataka na talaga siya. Gusto ba talaga nitong

ireto siya kay Bradley?? Nako naman....

"Ikaw seph nahalata kita.. masyado mong nilalapit sakin si Bradley. Wala naman kung ano na dapat mamagitan samin e.." sabi niya sabay iwas ng tingin.

"You're so naive and insensitive Agatha.. dont

you see all this time why Bradley is on your

side??" Sagot nito sa kanya.

Oo nga no.. sa kabila ng kasungitan at bangayan

nila ni Bradley, parati parin itong nasa buhay

niya. Nagpaparamdam. Nawala man saglit pero

andito na ito ngayon, nagpaparamdam ulit.

"Seph, dont conclude anything.. di naman natin

alam kung ano bang dahilan ni Brad diba. Ayaw

ko ng umasa kasi takot na ko masaktan..."

Oo totoo.. takot na kong masaktan.. once kasi na

nasaktan ka na. Di na iyon mawawala pa. Kahit ba maghilom ang sugat sa labas pero yung sugat na

naidulot nito sa loob di agad agad gumagaling..

"Joyce you know me. Hindi ko sasabihin to sayo

ng walang basehan. Ang tagal kasi ni Bradley.."

natawa ito at tumayo na.

Iniwan siya nitong mag-isa.

Ibig bang sabihin nun gusto ako ni Bradley??

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon