Chapter 10: From Where It Begins

1 0 0
                                    


 

Batangas City...

Dito nagsimula ang lahat.

Dito ako lumaki at nagkaisip.

Dito ako natutong mamuhay mag-isa.

Dito ko nalaman ang passion ko sa musika at pagsulat.

Dito ako natutong gumawa ng kalokohan.

Dito ako natutong umibig.

Pero sa huli dito ako nasaktan, nadurogan ng pagkatao.

Bakit kinaylangan mangyari ito sa buhay ko?

Bakit sa dinami-dami ng lugar sa Batangas pa?

Nananadya ba ang tadhana??

Pwede bang panaginip nalang to? Kunwari di niya kilala si Bradley at di niya kaylangan ang company nito para sa ikakaunlad ng company nila.

"You look like you want to back out Agatha..." sabi nito habang nagddrive ito ng kotse nito.

Dalawa lang sila sa loob ng sasakyan. Walang driver or personal assistant. Naka-formal pa siya ng damit at nakapalda pa siya samantalang ito ay naka-shorts lang at checkered na polo with sando na puti sa loob.

Yung totoo? Conference meeting ba talaga

pupuntahan nila? Mukhang gino-goodtime na

naman siya ng mokong na ito.

"Business naman pupuntahan natin diba?"

Paninigurado niya.

Natawa naman ito sa kanya at tiningnan siya. Kita siguro nito na nag-aalangan siyang tumuloy papunta sa Batangas.

"Of course. I dont play games sa business Agatha. You know the credibility of our company..." sagot nito.

"Yah i know, pero sayo, ay ewan!! Nevermind.! Matutulog nalang ako tutal matagal pa byahe natin." Sagot niya.

Paraan niya nadin yun para umiwas sa pang-aasar nito o kung anupaman.

Di mapigilan ni Brad na di mapangiti. Ganon ang epekto sa kanya ni Agatha kahit matagal sila di nagkita.

Pasimple niyang tiningnan ito habang nagddrive ng kotse niya. Sinadya niya talaga na di isama ang driver at p.a niya para masolo lang silang dalawa ni Agatha.

Business? ? ? Hmm not really. Palusot niya

nalang siguro un para sumama ito sa kanya. Malamang pag sinabi niya dito ang tunay niyang

dahilan para isama ito sa Batangas malamang di

ito sa sasama sa kanya.

Halata naman kay Agatha kahit di niya sabihin na ayaw nitong tumapak sa Batangas. O ni bumalik man lang. Intindi niya naman kung bakit.

Pero di sa lahat ng oras ay iiwasan o tatakbuhan mo nalang ang katotohanan. Minsan kaylangan mo nalang din ito tanggapin ng maluwag sa puso mo. Nang sa ganun ay pinapalaya mo narin ang sarili mo sa multo ng nakaraan.

Tiningnan niya ulit si Agatha.

Ngumiti siya dahil ang himbing nitomg matulog, with matching konting hilik.

Still the same padin.

The way she acts. Magsalita. Everything.

Siyang siya padun yung Joyce na nakilala ko.

Na inaasar ko. Na minahal ko pero nagawa kong saktan.

Sorry for hurting you Joyce.

 

I just love you so much.. sana pagbigyan ako ng

pagkakataon na maipaliwanag sayo ang lahat.....

What If We Try?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon