"hubby..... gusto ko mag-videoke please, please,
please...." pangungulit ni Jennyline kay George.
In fairness nakakakilig silang dalawa. Kahit mag-asawa na e di padin nawawala ang pagiging sweet sa isat isa. May iba kasi di pa nga mag-asawa pero nawawalan na agad ng sweetness sa isa't -isa.
Well di naman big deal yung pagiging sweet pero di ba sabi nga nila action speaks louder. Well let's see.
"Oo nga George, pagbigyan mo na yung buntis
oh. . " Pangangantwaw niya pa.
Ayaw sana ni George pero sadyang makulit sa
Jennyline plus dumagdag pa siya at si Step kaya
sa huli pinagbigyan niya na din.
Lumapit si George kay Bradley.
"Bro, ayaw kong madiscourage ka, pero girls are girls. They always win the fight." Bulong nito.
Natawa siya.
"Ano naman ibig sabihin mo dyan George?
Parang ka ewan.." patay malisya niya.
"Dont fool me bro, i know you had feelings kay
Agatha or kay Joyce. Make a move or else
maagaw pa siya ng iba." Para naman itong
nagbabanta sa kanya.
"Sira ka talaga kahit kelan!" Sabi niya at
binatukan ito.
"Bro, tama naman si George e. Matagal ka ng
inlove kay Agatha pero di mo makuhang gumawa ng first move.. nako nasan na ba ang dating Brad uh??" Pang-aasar din ni Joseph
"Dumagdag ka pa seph uh.. ikakasal ka na kaya
ang lakas ng loob mong gumanyan ganyan sakin
uh..." sagot niya dito
"Kasi ang bagal mo bro... nako, pag ganyan ka ng ganyan, mauunahan ka ng iba. Pero di kami
papayag ni George dun okay? Well help you. "
Tapos nagkatinginan itong si George at Joseph na may pinaplano.
"Mga sira talaga kayo!" Sabay akbay sa dalawang ito "kaya kayo kaibigan ko eh!"
At sumunod na din silang pumasok sa karaoke bar. Nagpa-reserve sila ng room para dun sila
kakanta ng walang istorbo sa kanila. At dahil may kasama silang buntis ay imbes na puro alak iorder nila ay mas madaming pagkain ang inorder nila.
"Okay, nakapili na ko ng mga kanta uh. Kantahin mo para sakin Agatha uh. Please, please, please....." parang bata na request ni Jennyline
Nagulat naman si Agatha. Nako ano naman kayang kanta pinili ni Jennyline?? Kinabahan tuloy siya..
BINABASA MO ANG
What If We Try?
RomanceKung ano pa ng nasa harapan mo iyon pa ang di mo pinapansin. Mas ginugusto mo pang abutin iyong hindi para sayo. Bakit hindi mo kaya subukan pansinin kung ano yung meron ka? Nang sa ganun di ka naghahanap ng iba na wala sayo. What if we try? Wala na...