Campus Queen Part 1

12.6K 236 18
                                    

Unang araw ni Ysa sa school na yon, medyo kinakabahan sya dahil bukod sa late na sya nagenroll at tiyak mahihirapan sya magadjust, kinakabahan din sya dahil ibang iba ito sa lugar na kinalakihan nya.

"LOZADA-AQUINO COLLEGE" basa ni Ysa sa entrance ng school.

Kabadong kabado sya, pakiramdam nya ay pinagtitinginan sya ng mga estudyante doon, hindi nya malaman kung paanong lakad ang gagawin. Yukong yuko ang dalaga, anhin na lang siguro nya ay magtago sa ilalim ng lupa.

At dahil nakayuko sya, hindi na nya napansin na may makakasalubong syang grupo ng mga kababaihan, huli ng ang pag-angat nya ng mukha dahil nakabunggo na nya ito.

"What a...!" gulat na asar ng babae na si Bea, at saka tiningnan ng masama si Ysa.

"So-sorry, hi-hindi ko sinasadya," nagkandautal na dispensa ni Ysa.

"Sorry! tatanga tanga ka kasi, hindi mo tinitingnan ang dinadaanan mo!" sigaw nito.

Nagpanting ang tena ni Ysa sa narinig, hindi sya palaaway na tao pero hindi rin sya ang tipong magpapaapi kung kani-kanino lang.

"Nagsorry na nga ako diba?! Sabi ko nga sorry, at hindi ko sinasadya, ano pang kinakagalit ba diyan? Napilay ba kita?" matapang na sabi nito.

"Ahhhhhhhh!patay tayo diyan! Mukhang nakakuha ka ng katapat mo Bea!" kantyaw ng mga lalaking nasa di kalayuan at nakikinig.

"Abat!.." galit na sabi ni Bea at susugurin na sana si Ysa.

"That's enough Beatrice!" pigil ng pinakaleader ng grupo nila, si Corine.

"But Corine..." reklamo ni Bea.

"I said, its enough!" mataray na sabi nito at saka tumingin kay Ysa.

"are you a new student?" tanong nito at saka tinitigan si Ysa mula ulo hanggang paa.

"Oo.." maikling sagot ni Ysa na hindi na komportable na pinagtitinginan sya.

"Kaya.." sarcastic na sabi ni Corine, at saka binalingan naman si Bea.

"first offense.." makahulugang sabi nito sa kaibigan at saka tumingin kay Ysa.

"Next time..." maarteng sabi nito kay Ysa at sabay irap.

"Lets go girls.." aya ni Corine sa dalawang kasama.

Hindi naman sila pinansin ni Ysa, nagkibit balikat na pinagpatuloy nito ang paghahanap.

Sa gilid ng kanyang mata ay pansin nya na may lalaking nakangiti sa kanya na tila ba aliw na aliw sa ginawa nya. Inirapan nya lang iyon at saka sya nagpatuloy sa paglalakad.

Sa restroom naman kung saan nagtuloy ang grupo ni Corine after ng engkwentro kay Ysa.

"I'm warning you Corine, the next na makita ko yung girl na yon and sinagot nya ako ulit ng ganon.." gigil pa rin na sabi ni Bea.

"Will you shut up Bea! She's a new comer, she doesn't even know who you are, so stop making it an issue!" naaasar naman na sabat ni Mildred, ang isa pa nilang kasama.

"You shut up! Palibhasa hindi ikaw ang nabastos ng ganon kaya nasasabi mo yan! If I know, kung ikaw ang ginanon baka sinabunutan mo na sya!" nanggagalaiti nitong sabi kay Mildred.

"well I'm sorry, but I'm not like you!" mabilis na sagot ng isa at saka pumasok sa isa sa mga cubicle.

"and what are you trying to say?!" galit ni Bea.

"Nothing.. I'm just expressing myself.." parang nangaasar pang sabi ni Mildred.

Habang nasa loob naman ng cubicle si Mildred ay sinamantala ni Corine ang pagkakataon para pagtripan si Mildred, sinenyasan nito si Bea na wag maingay at saka tinuro ang pintuan, nakuha naman ni Bea ang ibig sabihin ni Corine at saka dahan dahang lumabas ng restroom at saka sinara ang pinto.

Sa loob naman ay kinabahan na si Mildred ng biglang tumahimik, alam kasi nya na napagtripan na naman sya ng dalawa.

"Ayan na naman kayo guys! Lagi nyo na lang ako pinagtritripan, ngayon pa kayo sumabay, alam nyo naman na masama ang tiyan ko!" natatakot na daing ni Mildred.

Sa labas naman ay tuwang tuwa ang dalawa sa kalokohan nila, lalo na at pinagsisigawan ni Mildred nan age-LBM siya.

"Anong ginagawa nyo diyan Ms. Rivera, Ms. Joson?!" sita sa kanila ng kadadaan lang na Dean ng kanilang college.

"Nag C.R. lang po Dean Aruello." sagot naman ni Corine na pigil pa rin ang tawa.

"Sa c.r. na yan?" sabay turo sa pintuan ng restroom. "Diba mahigpit na pinagbabawal ang pag-gamit ng cr na yan!" galit na sabi nito.

At saka pa lang naalala na ang cr pala na pinuntahan ay ang kilalang haunted restroom sa campus.

"Naku ma'am, hindi po naming pansin" palusot ni Bea.

"wala ba kayo klase, diba Miss Rivera, dapat nasa klase ka ni Mrs. Del Mundo as of this moment?" usisa nito.

"Yea, Ma'am, papasok na nga po kami ni Bea" palusot ni Corine.

"Hinihintay lang po naming si..." hindi na natuloy ni Bea ang sasabihin dahil siniko ito ni Corine.

"Papasok na po kami Ma'am" paalam ni Corine at saka hinila na paalis si Bea.

Tinanaw lang ito ng Dean at saka lumakad na rin.

Sa loob naman ng cr ay abot abo tang dasal ni Mildred, gustong gusto na nyang umalis doon pero sadyang sira lang ang tiyan. Maya maya pa ay may narinig syang mga yabag. "Sino yan?!" takot na tanong nito, pero wala syang narinig na sagot, bagkus ay patuloy ang mga yabag, palapit ng palapit. "Corine? Bea? Girls..wag naman kayo manakot.. natatakot na talaga ako.." nginig na pagmamakaawa ni Mildred.





*************

JUST ADD ME ON FACEBOOK THIS IS THE LINKS: https://www.facebook.com/OracionMicha AND https://www.facebook.com/MichaOracion THANK YOU :*

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now