Campus Queen Part 13

3K 64 1
                                    

PART 13

"Tao po.. Tao po.." tawag ni Ysa sa harapan ng bahay nila Aileen, naisipan kasi nya na dalawin ito, balak sana nyang hintayin pa si Marj pero kailangan na talaga nya makausap si Aileen.

"Sino yan?" tanong ng nasa loob at saka bumukas ang pinto, bumungad sa kanya ang isang mtandang babae na sa tantya nya ay Lola ni Aileen.

"Ahh, magandang hapon po, ako po si Ysa, Ysabella Fajardo po, kaibigan ni Aileen.."magalang na pakilala ni Ysa.

"Ikaw pala si Ysa.. " ngiting sabi ng Lola ni Aileen. "Tuloy ka, kanina pa kita hinihintay.." at saka binuksan ang pintuan.

"Paano nyo po.. " hindi na natuloy ni Ysa ang sasabihin ng makita ang loob ng bahay nila Ysa, puro ito kandila at napapaligiran ito ng kung ano anong rebulto.

"Huwag ka matakot Hija, hindi ako masama, antique collector ako kaua madami akong ganyan, naroon si Aileen sa kwarto nya." sabi ng matanda sabay turo sa pintuan ng kwarto ni Aileen.

Tumalima naman si Ysa at lumakad papunta kwarto nila Aileen.

"Aileen?" katok nito sa kwarto.

Pero walang sumasagot sa loob. "Aileen, papasok na ako ah," at saka nito binuksan ang pintuan.

Madilim sa loob ng silid ni Aileen, gulo gulo ang mga gamit nito.

"Aileen.. Nasaan ka..Aileen.." tawag ni Ysa. Biglang may dumagundong sa bandang cabinet ni Aileen, nagulat si Ysa pero nakabawi din, pinuntahan nya iyon at dahan dahan binuksan pero wala naman naroon. Sinubukan nyang kapain kung nasan ang switch ng ilaw, ng makapa niya iyon ay ini-on nya iyon at....

"aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!"


"Aileen! Ano ka ba? Bakit nang-gugulat ka!!" sigaw ni Ysa ng makitang si Aileen pala ang nasa likod.

Tumawa naman ng tumawa si Aileen. "Ano ka ba Ysa, bakit ba praning na praning ka ah!" sabi nito sa putlang putlang si Ysa.

"Ikaw talaga Aileen, ang hilig mong magbiro, sa mga nangyari sayo may gana ka pang mag-biro.." biglang singit ng Lola ni Aileen na kakapasok lang.

"Ano ka ba naman Lola, nagbibiruan lang kami ni Ysa!" sagot naman nito sa Lola.

"Ikaw talaga gaga ka! Balak mo ba akong patayin sa takot.." nakabawi ng sagot ni Ysa.

"Hahahaha, hindi ka pa ba sanay Ysa? Sa dami daming kababalaghan sa school dapat masanay ka na.. Mas madami pang darating.." makahulugang sabi ni Aileen.

"Ano ka ba Aileen. Tinatakot mo naman yang kaibigan mo eh, mabuti pa at bumaba na kayo para magmeryenda" utos ng lola nito at saka bumaba.

"Halika na Ysa.."masayang aya ni Aileen kay Ysa.

Bumaba sila at masayang nagkwentuhan nila Ysa at Aileen pati na rin ang Lola nito, maya maya ay nagring ang cellphone ni Ysa.

"Uyy, si Marj, tumatawag.. "sabi ni Ysa at akmang sasagutin na sana ni Ysa ang cp ng pigilan ito ni Aileen.

"Naku, hayaan mo na yang si Marj, mangungulit lang yan!"sabi ni Aileen.

"Hija, ala-sais na, mabuti pa umuwi ka na at mag-gagabi na" wika ng lola ni Aileen.

"Ay, oo nga po, sige po mauna na ako, Aileen, pagaling ka na ah, tapos pasok ka na para party party ulit tayo"masayang sabi ni Ysa, pero imbes na sumagot ay niyakap ni Aileen ang kaibigan.

"Ysa, mag-iingat ka... mag-iingat ka sa mga taong napapalapit sayo.. Pangako mo Ysa.."umiiyak na sabi ni Aileen.

"Ano ka ba, bakit ka ba nag-kakaganyan.."takang tanong ni Ysa.

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now