Campus Queen Part 4

4.3K 90 1
                                    

"Pumunta ka na pare! Magenjoy ka naman!" pilit ni Yuan kay Lexin. Kinukumbinsi kasi ni Yuan na pumunta ito sa party na gaganapin sa rooftop ng school.

"Alam mo namang wala ako kahilig hilig sa mga ganyang party" iritang sabi ni Lexin.

"Hala, pare naman, minsan lang to, hindi pupunta sila Corine pag walang Lexin na lumitaw, kahit saglit ka lang doon!" pagmamakaawa ni Yuan.

Pero hindi pinansin ito ni Lexin, napatingin sya sa dumadaan at doon nakita ang kaklase, si Ysa at nagmamadali. May isang ideya na pumasok sa kanya.

"Sige! Pupunta ako, pero sa isang kondisyon.." wika ni Lexin.

"Ano yon? Name it!" tuwang tuwang sabi ni Yuan.

"Nakita mo yung bago nating kaklase? Yung tiga Siquijor?" tanong ni Lexin.

"Si Ysa?" tanong ni Yuan sabay tingin sa kaklase.

"Oo, sya nga, ang gusto ko, mapaiyak mo sya bago mag-ala sais" ang dare ni Lexin.

"Pare naman, baka mamaya sakmalin ako nyan, mamaya may lahing aswang yan" parang takot na sabi ni Yuan.

Natawa si Lexin at tinapik si Yuan sa balikat. "Walang party kung ganon" asar nito sa kaibigan.

"Fine! Fine.. Sige, siguraduhin mo na pupunta ka!" banta ni Yuan.

Tango at ngiti lang ang sinagot ni Lexin, alam kasi nya sa sarili nya na hindi si Ysa ang tipo na basta basta mapapaiyak ng kahit sino.

"Good luck!" pahabol ni Lexin sa kaibigan na tila nagiisip na ng gagawin.

"Hi!" bati ng isang babae kay Ysa na abala sa isang sulok sa pagbabasa. Tumingala ito at nginitian ang babae na bumati.

"Ako si Marj, at ito naman si Aileen" pagpapakilala ng babae sa sarili at sa kaibigan.

"I'm Ysa.." maikling tugon nya at saka nakipagkamay sa dalaga.

"Kanina ka pa kasi naming napapansin na magisa ka dine weh" may puntong sabi ni Aileen.

"Ikaw yung sumagot kay Bea kanina diba? Idol.." manghang manghang sabi ni Marj.

"Hindi naman, pinagtatanggol ko lang ang sarili ko..!" ngiting sagot ni Ysa.

"Buti hindi ka inano ng mga yon, mga mean girls kasi sila weh" bulong ni Aileen.

"Bago lang kasi sya sis, first offense pa lang" sagot naman ni Marj at saka tumabi kay Ysa.

Pinagmasdan ni Ysa ang dalawang bagong kakilala, maganda si Aileen pero mukhang mahiyain at si Marj naman ay mukhang palaban at maganda rin, pareho silang mukhang masayahin.

"First offense?" ulit nya sa sinabi ni Marj.

"Oo, usually, mga newcomers lang ang naFifirst offense, pag old student ka na, diretso second offense ka na" paliwanag ni Aileen.

"Anong ginagawa pag second offense?" curious na tanong ni Ysa.

"Mild pa lang naman, pinapahiya, sinusulatan ang upuan, minsan itatago yung mga gamit, pag ganon, may warning ka na, ibig sabihin magpakatino ka na sa kanila." salaysay ni Marj.

"Eh pag hindi pa rin nagpakatino? kunot na tanong na sabi niya.

"Pahihirapan ang buong school year mo hanggang sa ikaw mismo ang magquit!" parang kinakabahang sagot ni Aileen.

"Yung isang estudyante na may pagkamayabang din, nabangga yang tatlo, alam mo ginawa nila? Ginawan nila ng scandal, as in nilasing nila at saka hinubaran, tapos pinagalaw sa kung kani kaninong lalaki at saka vinideo, magaling yung pagkakagawa kasi nagmukhang gusto rin ni Roma, walang naging kaso yung mga sangkot kasi pinalabas nila na gusto rin ni Roma, ayun, napilitang magdrop out" kwento ni Marj.

"Kasalanan din naman yun ni Roma weh, mayabang kasi sya, akala mo kung sino, nasampulan tuloy sya" dagdag pa ni Aileen.

"Sino ba kasi sila? Bakit ang lakas ng impluwensya nila?" seryosong tanong ni Ysa.

"Si Beatrice Joson, isang filingerang biglang rich na nasabit sa barkada nila Corine, mukha naming froglette," mahinang sabi ni Marj. "ginagawa lang naman syang chimi-a-a ni Corine" hagikgik na dugtong pa nito.

Sabay sabay naming nagbungisngisan ang tatlo.

"Si Mildred Mariano ay anak ni Congressman Mariano, asus, kay yabang yabang, corrupt naman yung tatay nya, hmmmp" pairap na sabi ulit ni Marj.

"Paano mo naman nalaman na corrupt si Congressman, mapunot dulo ka Marj.." pambubuska ni Aileen.

"Eh syempre, ako pa, si Mama pa, alam mo naman yun, sa sobrang active sa church, tuwing uuwi na lang, ang daming uwing chismis" mataray na sagot ni Marj.

Isang mahinang hagikgikan na naman ang narinig mula sa kanilang tatlo.

"At si Corine Rivera, anak ng isa sa board member ng school na ito, sila yung may ari nung pabrika sa malapit sa amin, saka ng iba pang establishment dito sa atin." kwento ni Aileen.

"At sya, sya ang Campus Queen.." sabat pa ni Marj.

"Campus Queen?" tanong ni Ysa.

"Reyna, pinakasikat, pinakamaganda, pinakatinitingala ng lahat, lalo na yung mga lalaki na sunud sunuran sa kanya." pahayag ni Aileen.

"Lahat ng lalaki maliban kay Lexin" dugtong ni Marj.

"Weh? Eh mukha din uto uto yung isa na yun eh!" bulalas ni Ysa, hindi na yata maalis ang asar nya sa lalaking yon.

Biglang tinakpan ni Aileen ang bibig ni Ysa. "Sssshhhhhhhhh, ano ka ba?!Gusto mo bang kuyugin ka ng mga fans ni Lexin Apostol!" bulong nito.

Tinanggal ni Ysa ang kamay ni Aileen sa bibig nya at saka nagsalita. "Bakit? Artist aba sya?!" asar na tanong nito.

Natawa naman ang dalawa sa inosenteng tanong ni Ysa.

"Gaga! Hindi, car racer sya, at anak pa sya ng Governor ng buong buong probinsya na to!" paliwanag ni Aileen.

"at mas maimpluwensya pa sila kila Corine, lahat ng babae at lalaki tinitingala sya pero unlike sa grupo nila Corine, dedma lang sya, suplado kasi at parang walang pakialam sa mundo, si Yuan nga lang ang nagtitiyaga makipagusap diyan e" kwento ni Marj.

Natatango lang si Ysa at saka nilingon kung nasaan si Lexin na nakatanaw naman sa bintana, parang nakadama tuloy sya ng konting awa para sa lalaki, nasa ganon syang titig ng nalingon sa kanya ang lalaki, huling huli sya na nakatingin sa kanya, nginitian sya nito ng nakakaloko. Irap lang ang sinagot nya dito. "Ang Kapal!" mahinang sabi nya.

Lingid naman kay Ysa ay kanina pa nakatingin sa kanya si Yuan at pinagiisipan na kung papaano gagawin ang pagpapaiyak sa dalaga hanggang sa isang magandang plano ang naisip.

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now