Campus Queen Part 25

2.8K 43 3
                                    

PART 25

"Anong ginagawa mo dito"mahinang tanong ni Lexin kay Carlo habang nakaupo sila sa sala, nasa di kalayuan lang si Javier.

"May bibigay ako kay Ysa, pinakiusap nya sa akin to.."simpleng sagot ni Carlo.

"Ano yon? Bakit hindi mo na lang paabot sa magulang nya o kaya sa akin"sabi pa ni Lexin na kunwari ay nanonood ng tv.

"Tulad nga ng sinabi ko, pinakiusap sa akin to ni Ysa, at gusto ko, ako mismo magbibigay.."madiing pahayag ni Carlo.

"Hoy inspector, wag ka masyado mayabang, hindi komo pulis ka pagbibigyan kita,"seryosong sagot ni Lexin.

"Hindi rin komo anak ka ng gobernador hindi kita papatulan, kaya kung maari lang, wag mo pairalin dito ang ugaling minana mo sa ama mo"naasar na sagot ni Carlo na kinainit ng ulo ni Lexin, sasapakin na dapat nya ang pulis ng biglang bumukas ang pinto.

"YSA, butit dumating kana.. may mga bisita ka"bati ng ama ng mapagtantong si Ysa ang dumating.

"Anong ginagawa nyo dito?"nasabi ni Ysa ng makita ang dalawang lalaki na tumayo at tila nagkakainitan.

"Ah Ysa, naalala mo yung pinakuha mo sa akin.."

"Ysa kamusta ka na? "singit ni Lexin sa usapan ng dalawa pero si Carlo ay lumapit kay Ysa na hindi naman kinatuwa ni Lexin at tinabig si Carlo.

"Pare, nakakalalaki ka na ah"bati ni Carlo kay Lexin na kinaalarama naman ni Ysa at ni Javier na nandoon din.

"Ikaw ang nakakalalaki, biglla bigla ka na lang susulpot sa bahay ng girlfriend ko at aaktong akala mo kung sinong magaling,!!"nanlilisik na sabi ni Lexin.

"Mga Hijo, pwede naman tayo magusap na hindi nagtataasan ng boses.."pakiusap ni Javier, napahawak naman si Ysa sa noo at iiling iling.

"Wag po kayo magaalala sir, hindi man po ako anak mayaman, pero maganda po ang pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko" sa sinabing iyon ni Carlo ay tuluyan ng nagdilim ang paningin ni Lexin dahilan para sugurin nya ng suntok si Carlo, bago pa makaganti si Carlo ay naawat na ito ni Ysa at Javier.

"PWEDE BA KUNG HINDI NYO AKO KAYANG IRESPETO! IRESPETO NYO NAMAN ANG PAMAMAHAY KO!"dumadagundong na sigaw ni Javier at saka ito napahawak sa dibdib.

"Pa.."saklolo agad ni Ysa sa ama at saka tinawag ang ina "Mama, si Papa!"

Naghahadali namang lumabas si Lina kasama si Flor at saka inalalayan ang ama.

"Okay lang ako, okay lang ako, ipasok nyo na lang ako sa kwarto."utos ni Javier.

Nang maipasok si Javier sa kwarto ay hinarap ni Ysa ang dalawang lalaki.

"Ysa, Im sorry.."

"Kasalanan mo to eh!"putol ni Lexin sa mga sasabihin pa ni Carlo."Hindi ka na dapat nagpunta pa dito sa bahay ng girlfriend ko!"

"PWEDE BA LEXIN! TUMAHIMIK KA! Kung may isa mang taong hindi dapat nandito eh ikaw yon! Dahil mula ng sinakatan mo ako at pinagbintangan ng kung ano ano ay natapos na ang relasyon natin!"galit na sabi ni Ysa.

"YSA.."nasambit na lang ni Lexin.

"UMALIS KA NA LEXIN, UMALIS KA NA SA PAMAMAHAY NAMIN, WALA KA NG KARAPATAN PANG PUMUNTA DITO.."pigil na iyak na sabi ni Ysa at saka binuksan ang pinto. Si Lexin naman ay tulala lang at wala sa sarili na lumabas ng pinto, pagkalabas na pagkalabas ng binata ay sinara nito ang pinto at saka sumandal at doon ay iniyak ang kanina pa pinipigil na luha.

"YSA.. IM SORRY TALAGA, "nasabi na lang ni Carlo pero bago pa man makasagot si Ysa sa ay isang malakas na hiyaw ang narinig nila.

"PAPAAAAAAA!!"dinig nilang sigaw ni Flor, dali daling pumasok si Carlo at Ysa sa kwarto at doon bumungad sa kanila ang nakalutang na si Javier at dilat na dilat ang mga mata.

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now