Campus Queen Part 2

5.7K 108 7
                                    

"Why did you do that?!" galit na sita ni Mildred sa dalawang kaibigan na tumatawa ng makita sya.

"Come on sis, we're just havig fun" nakangising sagot ni Corine.

"Fun?Muntik na akong atakihin sa puso!" sagot nito.

"But you didn't..so ano pang pinuputok ng butsi mo diyan! Umayos ka nga! mukha kang may LBM.." natatawang sabi ni Corine.

Tawa naman ng tawa si Bea, tinitigan ito ng masama ni Mildred, kaya tumahimik ito.

"Good Morning Class!" bati ng guro nilang si Mrs. Del Mundo na kararating lang. "I'm sorry, I'm 5 minutes late.." wika nito.

"excuse me po ma'am" agaw pansin ni Ysa sa guro na kakaupo lang.

"Yes?" sagot naman ng guro, pumasok sa classroom si Ysa at lumapit sa guro sabay abot ng isang papel..

Kinuha iyon ni Mrs. Del Mundo at saka binasa. "So you are Maria Ysabella Fajardo" basa nito sa papel.

"OH MY GOD! Look who's here.." bulong ni Bea ng makita si Ysa.

"THAT BITCH!" asar ni Mildred.

"You are from Siquijor.." nadinig nilang sabi ni Mrs. Del Mundo.

"Yes ma'am.." maikling tugon ni Ysa.

"Woooooohhhh, scary..may kaklase yata tayong aswang.." biro ng isa nilang kaklase, si Yuan.

At tigas na tawanan ang buong klase lalo na ang grupo nila Corine.

"Class! Quiet.. Is that the proper way of welcoming a new classmate." saway ni Mrs. Del Mundo. "Miss Fajardo, you may sit down, humanap ka na lang ng bakanteng upuan diyan." sabi sa kanya ng guro.

Hiyang hiya naman si Ysang naglakad, nakakita sya ng bakanteng upuan sa likuran kaya pinuntahan nya ito. Nang madaan sya sa pwesto nila Corine ay kitang kita nito na masama ang titig sa kanya ni Mildred, si Corine naman ay nakangiti lang ng parang nakakaloko.

"Monster..!" parinig naman ni Bea.

Hindi nya pinansin iyon, nagpatuloy sya sa paglalakad at saka naupo sa bakanteng upuan sa may bintana.

Nagumpisa na ang klase at bung oras ng klase ay panay ang lingon sa kanya ng mga kabarkada ni Corine.

Ilang saglit pa ay may isang lalaki ang pumasok, matangkad, gwapo, at maporma, pero ang mata nito ay tila kakaiba, parang malungkot.

"O Mr. Apostol, you're so early for the next class!" sarkastikong sabi ng guro.Pero parang walang narinig ang lalaki, dire diretso ito.

Nagtama ang mata nila ng lalaking ito, palapit ng palapit sa kanya, amoy na amoy nya ang pabango nito, lalaking lalaki, hindi nya napansin na titig na titig na pala sya sa lalaki.

"Miss, Miss, Miss!" tawag sa kanya nito at saka sya biglang nagising.

"Ah, eh bakit?" nakangiting sabi nya.

"Ang sabi ko, that's my seat, kung hindi mo naiintindihan, iyan kako ang upuan ko!" naiiritang sabi ng lalaki at nagtawanan ang mga kaklaseng nakakarinig.

Parang binuhusan ng tubig na malamig si Ysa sa narinig, kaya tumayo ito at saka sinipat ang upuan at saka humarap sa lalaki.

"Mr. so early in class..wala naming pangalan mo yung upuan ah!?" mataray na sabi nito.

"Whoa!!" narinig nyang sabi ng mga kaklase.

Kitang kita nya na parang napahiya ang babae at nagulat ito ng nilapit nito ang mukha sa mukha nya, napapikit tuloy sya sa pagkabigla.

"Asa ka pa!" narinig nyang bulong nito sa kanya.

Nang marinig iyon ay tinunggo nya ito at saka kinuha ang gamit at lumipat sa ibang upuan. Tawanan naman ang mga nasa paligid.

"Lexin, baka mapikon mo yan, bigla ka na lang nyang sakmalin.." gatong naman ni Bea.

Tumingin naman si Lexin kay Bea at saka nagwika. "Close tayo? Bakit kinakausap mo ako?"

Mas malakas na tawanan ang pinakawalan sa klase dahil sa tinuran ni Lexin.

Si Ysa naman ay asar na asar sa bagong dating, kaya ng matapos ang klase nya ay dire diretso itong sa labas.

Umakyat sya sa pinakamataas na floor ng school gang makarating sya sa rooftop, pagpasok nya pa lang ay ramdam na ramdam nya ang kakaibang ihip ng hangin, pamaya maya ay bigla na lang syang nakadinig ng yabag sa likuran nya, napalunok na lang sya sa kaba at tumindig ang balahibo nya ng may kumalabit sa likod nya..

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now