Campus Queen Part 19

3K 42 2
                                    

PART 19

Lumipas ang linggo ay unti unting nakaget over si Ysa sa pagkawala ng mga kaibigan, paano naman ay hindi sya iniiwan ni Lexin, walang tigil ang binata sa pagpapasaya sa kanya, ni hindi makaporma sila Bea na asarin sya dahil laging nandoon si Lexin, minsan ay nakakasama din nito si Corine na sa loob loob nya ay nagngingitngit. Mula naman ng mamatay si Marj ay hindi na nakita ni Ysa ang kaibigang si Tristan, naisip nya na marahil ay nagkatrauma ang binata sa nakita.

"Sinong hinahanap mo?"tanong ni Corine ng minsang madaan sila sa grupo ng mga engineering students, napansin kasi nito na palinga linga si Ysa.

"Ah wala.."pagsisinungaling nya kahit ang totoong dahilan ay hinahanap nya si Tristan.


"Bakit ayaw mo syang lapitan pare?"tanong ni Ren kay Tristan, nasa isang sulok sila non ng quadrangle ng matanaw nito si Ysa.

"Ilang linggo mo na syang hindi nilalapitan, ano bang problema pare?"usisa ni Ren.

"Mas maigi na to pare, natatakot ako para sa kanya, sa tuwing lalapit na lang ako, may hindi magandang nangyayari."malungkot na wika ni Tristan.

"Pero kailangan ka nya.. Ngayon ka nya kailangan.."sabi ni Ren.

"Hindi naman ako mawawala, didistansya lang ako.."wika ni Tristan at saka umalis.


Maagang pumasok si Ysa ng araw na yon, hindi nya alam pero kakaiba ang kanyang nararamdaman, papasok pa lang sya ng school ng may isang babae ang lumapit sa kanya.

"Ysa.. May nagpapapunta sa yo sa may soccer field"sabi ng estudyante.

"Sino?"tanong nito pero tinalikuran sya ng estudyante. Walang nagawa si Ysa kung hindi pumunta na lang sa soccer field.

Malayo pa lang sya ay May nakita na syang isang tangkay ng white rose, kinuha nya iyon dahil may pangalan nya sa ribbon nito, palapit na sya ng palapit sa soccer, padami din ng padami ang nakukuhang puting rosas, hanggang sa nakarating na sya ng field.

Doon ay nakita nya ang isang banda sa pinakagitna ng field, maya maya ay lumakas ang hangin, at narinig ni Ysa ang tunog ng isang hellicopter at sunod sunod na petals ng rose ang pinaulan sa kanya, manghang mangha si Ysa sa nangyayari, maya maya ay lumapag ang hellicopter at doon nakita nyang lumabas si Lexin, pagkalabas ay pumahimpapawid na muli ang sinasakyan. Sinundan nya ng tingin si Lexin at nakita nya na pumunta ito sa may banda, kinuha nito ang gitara at maya maya ay sinenyasan ang nasa likod na umpisahan na ang pagtugtog at sinabayan ng kanta ni Lexin.

Find Me Here

Speak To Me

I want to feel you

I need to hear you

You are the light

That's leading me

To the place where I find peace again.

You are the strength, that keeps me walking.

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now