Campus Queen Part 6

3.8K 80 4
                                    

"Pare, pano ba yan, nagawa ko, nagawa ko na dare mo" bungad ni Yuan kay Lexin na himalang maagang pumasok non.

"Anong dare?" kunot noong tanong nito.

"Yung pagpapaiyak kay Ysa, kinunan ko pa nga ng video kaya may ebidensya ako" pagmamayabang ni Yuan at saka in-on ang digicam at pinakita kay Lexin.

Sa video ay kitang kita na iyak ng iyak si Ysa, halos masira na nito ang pinto kakakatok.

Awang awa si Lexin sa dalaga lalo na nung hinimatay ito dahil sa isang manikin na bumagsak sa kanya. Tuwang tuwa pa si Nathan.

"Pare, hindi ko naman sinabing seryosohin mo yung dare ko at mas lalong hindi ko sinabing paabutin nyo sa ganyan!" inis na sabi ni Lexin na sumisigaw na.

"Pero sabi mo diba paiyakin naming yung aswang na yon, kaya yun na ginawa ko!" ganting sigaw ni Yuan.

"So kagagawan nyo pala yon!" narinig nilang sabi ng isang babae, si Ysa na pala yon at kanina pa nakikinig sa kanila.

Napatingin naman ang magkaibigan sa dalaga na kararating lang, galit na galit ang itsura nito at saka biglang binuhat ang trash can at saka isinaboy kay Lexin ang laman nito.

"Subukan nyo pa ako pagtripan, hindi lang yan ang aabutin nyo," at saka kinuha ang digicam kay Yuan, balak nya itong gawing ebidensya pag nagreklamo sya at saktong saktong pagtingin nya sa video ay wala na sa eksena, bagkus ay ang storage room na walang tao, nakatitig sya sa video ng biglang isang mukha ng duguang babae ang sumilip sa video, naibato nya tuloy ng hindi oras ang digicam.

"What the fuck!?" galit na galit na sabi ni Yuan ng makitang hinagis ni Ysa ang digicam nya. "Sira ulo kang babae ka!" sigaw nito sabay susugurin sana sya pero mabilis si Lexin at napigilan niya si Yuan.

"Pare, babae yan.. Hindi ka naman siguro bading para pumatol" awat ni Lexin dito.

"Eh hindi naman babae yan eh! Aswang yan, punyeta kang babae ka ah, bayaran mo yan!" gigil na gigil na sabi ni Yuan.

Mas nabwiset naman si Yuan dahil parang walang pakialam si Ysa, kumawala ito sa awat ni Lexin at saka tinulak ang babae.

Bumuwal naman si Ysa dahil sa pagkatulak ni Yuan, doon ay nahimasmasan na sya at tiningnan ng matalim si Yuan. Hinila naman ni Lexin si Yuan at inilayo don.

"Pare, ano ka ba! Babae lang yan tas sasaktan mo ng ganyan! Mahiya ka naman!" asar na sabi ni Lexin sa kaibigan.

Ganong eksena ang nadatnan ni Corine at ng mga kaibigan, kitang kita nila ang reaksyon ni Lexin sa ginawa ni Yuan kay Ysa. At isang plano ang pumasok sa isip nya.

"Ano ka ba naman Yuan! How could you hurt a helpless girl, ano bang ginawa nya sayo to be like that!" Sita ni Corine kay Yuan at saka tinayo si Ysa. "Are you okey? Nasaktan ka ba? Gusto mo dalin ka naming sa clinic?" mabait na wika nito.

Iling lang ang sinagot ni Ysa at saka mabilis na tumayo at tumakbo palabas.

"ASWANG!" pahabol na sigaw ni Yuan.

"FUCK OFF!!" galit na sabi ni Lexin at saka tinabig si Yuan at saka lumabas ng room.

"Lex, saan ka pupunta?" tanong ni Corine.

"WALA KA NA DOON!" malamig na sagot nya sa dalaga.

Takbo, lakad ang ginawa ni Ysa, masamang masama ang loob nya, ni hindi na nga nya napansin kung saang parte na sya ng school napunta, bastat ang gusto lang nya ay ang makalayo sa mga walang kwentang tao na yon.

Nakarating sya sa pinakalikod ng Campus, tahimik doon at talagang nakakakilabot ang paligid, isang malamig na hangin ang sa kanya ay parang yumakap. Napansin nya na may nakaupong babae sa isa sa mga bench doon, sa tantya nya ay kaedad nya ang babae, napansin nya na umiiyak ito. Nilapitan nya ang dalaga at saka umupo sa tabi nito.

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now