Campus Queen Part 5

3.6K 80 2
                                    

"Ysa, pinapatawag ka ni Mrs. Del Mundo.." sabi sa kanya ng isang estudyante, pauwi na sila nila Aileen at Marj ng biglang lapitan sya ng isang estudyante.

"Bakit daw?" taking tanong ni Ysa.

"Basta tawag ka eh, halika na at hinihintay tayo ni Mrs. Del Mundo" inis na aya ng estudyante.

"Nagmamadali nagmamadali? May lakad?" pambabara naman ni Marj.

"O sya sige, mauna na kayo guys, bukas na lang tayo umuwi ng sabay sabay" paalam ni Ysa sa mga bagong kaibigan.

"O sige, o sige" paalam naman ng dalawa.

Sumunod naman si Ysa sa lalaki at saka kumaway sa mga kaibigan.


Huminto sila sa tapat ng isang pintuan sa 3rd floor.

"Nandito si Ma'am?" kunot noong tanong ni Ysa pero hindi kumibo ang lalaki, bagkos ay binuksan nito ang pinto at sinenyasan si Ysa na pumasok.

Takang taka naman si Ysa na pumasok, pagpasok nya ay nakita nyang storage room pala ito.

"Eh hindi naman..." hindi na naituloy ni Ysa ang sasabihin dahil biglang sinara ng lalaki ang pintuan.

"Ano ibig sabihin nito?!!" panic ni Ysa at saka kinalampag ang pinto.

"BUKSAN NYO TO!! BUKSAN NYO TONG PINTUAN! PARANG AWA NYO NA!!" pagmamakaawa ni Ysa.

Sa labas ng storage room ay nagapir naman si Yuan at ang estudyanteng inutusan para dalin si Ysa doon.

"Sinet up mo na ba yung camera sa loob?" tanong ng lalaki.

"Oo naman, o paano, halika na, hayaan mo siyang magiiyak diyan sa loob, balikan na lang natin maya maya, inuman muna tayo sa may rooftop!" bulong na sabi ni Yuan.

Takot na takot si Ysa sa loob, pinwersa nyang buksan ang pintuan pero hindi nya ito magawang buksan, kinalabog na lang nya ng kinalabog ang pintuan.

"PLEASE BUKSAN NYO NA TO! PLEASE!" naiiyak ng sabi ni Ysa hanggang mapaupo ito sa gilid at umiyak ng umiyak.

Pinagmasdan nya ang maliit na kwarto, madilim dito at mabaho, takot na takot sya, biglang natumba sa kanya ang isang manikin na nandoon.

"AHHHH AHHHH AHHHH!!!!" sigaw ni Ysa at saka tumayo ulit at kinalampag ang pintuan. "PARANG AWA NYO NA BUKSAN NYO NA PO! BUKSAN NYO NA!!" humahagulgol na sigaw ni Ysa.

Maya maya ay natigil sa pagsigaw si Ysa nang may marinig syang isang mahinang iyak, iyak ng isang babae at doon nanggagaling sa loob ng kwarto na yon, isang kamay ang biglang humawak sa paa nya mula sa likuran. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Ysa at pagkatapos noon ay bigla syang nawalan ng malay.

"ysa.. Ysa.. Ysa gising, gumising ka!" nadinig ni Ysa na tawag ng isang lalaki, unti unti nyang dinilat ang mata at doon nakita nya si Tristan. "Anong nangyari?Nasaan ako?"

"Nandito ka sa school, nakita ka naming ni Mang Dante sa lob ng storage room, narinig ko kasi yung mga classmates mo ata yun na kinulong ka daw nila dito kaya dali dali kong tinawag si Mang Dante" kwento ni Tristan.

Tiningnan ni Ysa ang matanda, ito rin ang matandang janitor na nakita nya kanina sa Cr.

"Mabuti na lang at nakatulog ako sa rooftop, kung hindi maiiwan ka diyan sa loob hanggang bukas" nagaalalang sabi ni Tristan.

Sa sinabing iyon ni Tristan ay bigla na lang naiyak si Ysa sa balikat ng binate, "Bakit ba nila ako ginaganto?!" sabi nya. Si Tristan naman ay habag na habag sa dalaga kaya hindi nya maiwasang mayakap ito. "Tahan na Ysa, tahan na.." alo niya kay Ysa.

"Mga kabataan talaga, hindi iniisip kung makakapanakit sila, mabuti pa Hijo, ihatid mo na yang kaibigan mo at bukas na bukas ay irereport natin yang mga yan sa Dean." mabait na wika ni Mang Dante.

Agad naming tumalima si Tristan at inalalayan si Ysa, mangiyak ngiyak pa rin ang dalaga hanggang sa makalabas sila ng gate.

"Huwag mo na ako ihatid Tristan, gabi na, umuwi ka na sa inyo, kaya ko na mag-isa" sabi ni Ysa kay Tristan ng umokey na ang pakiramdam nya.

"Delikado na, ihahatid na kita.." pilit ni Tristan.

"Huwag na, huwag na, mabuti pa ikaw umuwi na, promise okey na ako" ngiting sagot ni Ysa.

"Sigurado ka?" paniniguro naman ni Tristan.

"Oo naman" agad na sagot naman ng dalaga. Isang matamis na ngiti naman ang tinugon ni Tristan kay Ysa.

"Nga pala, maalala ko, diba narinig mo usapan ng mga gumawa sakin non? Nabanggit ba nila ang dahilan kung bakit kung bakit kinulong nila ako doon!" naalalang tanong ni Ysa.

"Ang sabi lang nila, dinare daw sila ng kaibigan nila na paiyakin ka" parang hindi siguradong kwento ni Tristan.

"Nasabi ba nila kung sinong kaibigan?" usisa ni Ysa.

Kibit balikat lang ang naisagot ni Tristan.

"Ganon ba, hmmm, o sige mauna na ako, salamat sayo ah, pakisabi na lang din kay Mang Dante salamat." paalam ni Ysa.

"Sigurado ka?" worry ni Tristan.

"Oo naman!" nakangiting sabi ni Ysa at saka umalis na.

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now