FINAL CHAPTER Campus Queen Part 36

2.1K 27 0
                                    

"TAO PO! TAO PO!

********

TAO PO!"

Bumukas ang pinto at niluwa ang isang matanda na nasa 70 na ang edad.

"Sino sila?"

"Magandang Umaga po, dito po ba nakatira si Elvida Yango?"

Tiningnan sila ng matanda at sinipat pagkatapos ay nagwika.

"Anong kailangan nyo sa kanya?"

"Galing po kasi kami sa Hacienda Fuentes, naghahanap kami ng dating tauhan

dun pero wala na daw natira mula ng umalis yung dating may ari."paliwanag

ng lalaki na nakasalamin at nakacap.

"May nakapagsabi sa amin na isang tiga doon na sa lugar na ito, nakatira

si ELVIDA yANGO, ang tigapagalaga ng anak ng may ari ng hacienda

dati."dagdag pa ng isa pang lalaki na najacket na may hood.

"Bakit naman kayo interesado sa mga Fuentes?"tanong ng matanda.

"May mga bagay lang po kaming gustong malaman tungkol sa pagkatao ng isa

sa mga anak nyang si Lucia."sagot naman ng isang lalaking nakasalamin.

"Sino ba kayo?"

"Ako po si Carlo Sta. Ana, isa po akong inspector,"pakilala ng

lalaking nakasalamin."at eto naman pong kasama ko ay si Axle, isang

kaibigan."

Imbes na magsalita ang matanda ay luminga linga sa paligid at saka binuksan ang

pintuan ng mas malaki at inaya pumasok ang dalawa. Agad naman tumalima ang

dalawa.

"Maupo kayo." Lilinga lingang naupo ang dalawa. "Nagsikain na ba

kayo?"tanong pa ng matanda.

Nagtinginan ang dalawa at wariy tatanggi pero dinig na dinig naman ang pagkalam

ng sikmura nila.

Malaki ang binawas sa timbang ng dalawa mula ng mangyari ang aksidente sa

sasakyan. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noon.

Bago mahulog sa bangin ang kotse ay nagawang tumalon palabas ng dalawa sa kotse

pero kinailangan din nilang babain ang sasakyan para isakatuparan ang plano

nila. Kinailagan

nilang hubarin lahat ng damit at sunugin kasama ang mga damit ni Charm na

nakuha nila sa bahay nito upang hindi sila masundan ng babaeng nakaitim. Bago

yun ay nagawang tawagan ni Carlo ang kasamahang pulis upang hingin ang tulong

nya.

***

"HELLO SIR,. Si Carlo po ito, wag po kayong magsasalita kung sino ako,

kailangan ko ng tulong nyo, may misyon ako ngayong ginagawa para matunton o

malaman ang nasa likod ng patayan sa LAC. Mababalitaan nyo ang nangyaring

aksidente sa kotse ko, wag kayo magalala sir at okay ako, kailangan ko lang ng

mga damit at ilang personal na gamit para sa dalawang tao. Pagdating nyo dun sa

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now