FINALE CHAPTER Campus Queen Part 39

1.8K 26 0
                                    

"Kailangan malaman ito lahat lahat ni Ysa,"Ani Carlo matapos

mapakinggan ang kwento ni Manang Biday. Matapos mamahinga at makakain ng

pananghalian ay ikinwento ni Manang Biday ang lahat lahat ng nalalaman nya.

"Kailangan makabalik na tayo kay Ysa, kailangan na nyang malaman ito, baka

mapahamak pa sya.."nagaalalang wika ni Axle.

"Tama, kailangan nyo ng makabalik, kailangan matahimik na ang kaluluwa ni

Lucia, tulungan nyo sya.."pakiusap ni Biday.

"Wag po kayong magalala Manang, gagawin po namin ang

tama.."paniniguro ni Carlo.

*******

Nakisiksik si Ysa sa isang sulok ng selda, takot na takot at titingin tingin sa

paligid, sya lang magisa dito, madilim ang selda at pakiramdam nya ay anumang

sandali ay may magpapakita. Isang mahinang iyak ang kanyang naririnig.

"YSA.. YSA.."

"SINO KA?!!"takot na takot na wika ni Ysa.

"YSA.. "

"SINO KA SABI!"takot man ay matapang na naglaka loob si Ysang

tanungin kung sino ang may ari ng tinig.

Imbes na sumagot ay isang nakakikilabot na hikbi ang narinig nya.

"SINO KA BA TALAGA?!"tanong ni Ysa at nanginginig na lumapit sa

rehas.

"YSA.. YSA.. YSA.."tila galing sa lupang tawag ng lalaking wari bay

hirap na hirap.

Humawak si Ysa sa rehas at parang praning na iginala ang mata sa paligid.

"YSAAAAAAAHHHHH"isang kamay ang biglang humawak sa kanya paa at..

"AAAGGGHHHHHHHHHHHH"

Paglingon nya ay nandoon ang kalunos lunos na itsura ni Daniel Rivera, duguan

ang mukha at katawan.

"EEEEEEEEEHHHHHHHHHHHH!"

"FAJARDO MAY DALAW KA!"biglang balikwas ng bangon si Ysa na nakatulog

pala sa sobrang pagod.

"Ysa.."si Lexin, ang kanyang si Lexin, bakas sa mukha nito ang labis

labis na pagaalala, maayos na ang itsura nito kumpara nung huli nya makita.

Hindi alam ni Ysa ang mararamdaman ng sandaling iyon, gusto nyang pakita kay

Lexin na matapang sya pero ng ngumiti ito sa kanya ay kusang bumigay ang

damdamin nya.

"LEXIINN.."iyak nya kasabay noon ang sunod sunod na hagulgol at

yumuko sya na parang bata.

"Ysa.. Tama na, wag ka ng umiyak.. Nandito na ako.. Nandito na

ako.."sabi ni Lexin na walang magawa dahil sa rehas na nakaharang, gustong

gusto nyang yakapin si Ysa. Gustong gusto nyang ipadama dito na hindi nya sya

pababayaan.

"Lexin.."narinig nyang sabi ng abogado.

"Attorney, ano? Kamusta? Mailalabas nyo ba ngayon si Ysa?"tanong ni

Lexin? iling lang ang sinagot ng abogado.

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now