FINALE CHAPTER Campus Queen Part 38

1.7K 21 2
                                    

"Putol ang ulo, may tarak ng warak ang dibdib na natagpuan ang 19 anyos na

si Crisanta Corine Rivera, anak ng Chairman of tha board ng Lozada -Aruello

College. Alas otso ng umaga ng marinig ng isang security guard sa naturang

eskwelahan ang isang estudyante na sumisigaw ng "pinatay ni Ysa si

Corine." si Ysa or Ysabella Fajardo ay kapwa estudyante ng biktima dito sa

eskwelahan, ayon sa estudyanteng sumisgaw, nakita daw nya diumano si Fajardo na

naliligo sa dugo, may dalang palakol at sa likod nito ang kalunos lunos na

itsura ni Rivera. Ayon sa imbestigasyon ay may malalim na alitan ang dalawa,

ilang beses na ring binantaan ni Fajardo na papatayin ngunit kinabigla pa rin

nila ang karumal dumal na pagpatay na ginawa nito, kasalukuyang nasa presinto

ang suspect na si Ysabella Fajardo na hanggang ngayon ay tulala para sa

kaukulang imbestigasyon, eto po ang inyong lingkod, Jessa De Guzman,

naguulat."

Sa Presinto ay nandon ang walang kibo pa ring si Ysa, ilang ulit na syang

tinatanong ng mga pulis pero tahimik lang itong lumuluha, halos tuyo na ang

dugo sa mukha at katawan ni Ysa, ngunit ang dugo sa sugat ay tuloy tuloy pa rin

ang pagdugo.

"Talaga bang wala kang balak magsalita?"naiiritang tanong ng pulis na

nagiimbestiga. Pero wala pa ring imik si Ysa. Maya maya ay humahangos na

dumating si Bonker.

"Sir"saludo ng nagtatanong na pulis kay Bonker. Sumaludo na rin si

Bonker at kapagdakay hinarap si Ysa.

"Ysa.. Anong nangyari?"umpisang tanong nya. Pero wala pa rin itong

kibo. "Pinatay mo ba si Corine..?"bago pa man sumagot si Ysa ay

nakarinig sila ng kaguluhan sa labas.

"Sir Sir, bawas pong pumasok diyan!"narinig nilang saway ng isang

pulis.

"Bitiwan nyo ako, papasukin nyo ako, gusto kong makita ang hayop ng

pumatay sa anak ko!!"sigaw ni Daniel at saka padabog na pumasok sa opisina

kung nasaan sila. "HAYOP KANG BABAE KA! PINATAY MO ANG ANAK

KO!!"galit na galit na sabi nito at saka sinugod si Ysa, mabuti na lamang

ay naawat ito ni Bonker at Adrian.

"Sir tama na! Tama na po"pero sadyang malakas si Daniel dahil nagawa

nyang kumalawa sa awat ni Adrian at Bonker kaya naman nahagip ng kamay nya ang

mukha ni Ysa.

"Sir.. Pag hindi pa kayo tumigil ay mapipilitan kaming arestuhin

kayo!"banta ni Bonker, saglit na napatahimik si Daniel.

"Makakalampas ka ngayon Ysabella Fajardo sa galit ko pero siguradong

magbabayad ka! Magbabayad ka!!"banta ni Daniel.

"Hindi ko sya pinatay.. Hindi ako.. Hindi ako.."biglang sagot ni Ysa

na umaagos ang luha,

"SINUNGALING!!"isa pang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Ysa,

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now