Campus Queen Part 7

3.5K 69 0
                                    

"Okey Class, I want you to find a partner and we will be having a trust walk." sabi ng kanilang teacher na si Ms. Del Mundo.

Biglang nabagsak ang balikat ni Ysa ng marinig ang anunsyo ng guro. Hindi kasi nya kaklase sila Marj at Aileen sa subject na to, malamang hindi sya makapagparticipate.

"Ma'am, what is Trust Walk?" tanong ni Bea.

"Trust Walk, this is a test to your trust for your partner. One of you will be blindfolded and the other will be the one who'll guide them, here is the mechanics, itatap nyo lang sila sa right and left shoulder, depende kung saan nyo sila gusto papuntahin, ang tap nyo sya sa likod pag forward at pag nagstop na ang tap bawal ang magsalita. Mula ditto sa tapat ng room hanggang dulo ng hallway ang layo ng lalakarin nyo, pagkatapos ng isa, palit naman kayo, and afterwards, irarate nyo ang partner nyo based on their trust on you, is that understood?" paliwanag ng guro.

"YES MA'AM"

Mas lalong nanlumo si Ysa sa narinig, sino naman kaya ang pwede nyang makapartner dito na pwede nyang maging mapagkatiwalaan, eh lahat ng tao dito tingin ay aswang sya, baka mamaya iguide na lang sya basta sa hagdan.

"Ysa, may partner ka na?" putol ni Corine sa malalim na pagiisip.

"Ha? Ah Eh.." hindi makasagot ang dalaga.

"Gusto mo tayo na lang ang partner, partner na kasi si Mildred at Bea eh" nakangiting sabi nito.

Matagal bago sumagot si Ysa, wala nga syang tiwala kay Corine tas ito pa makakapartner nya sa trust walk.

"Silence means Yes.." sabi ni Corine at saka bumaling sa guro. "Ma'am si Ysa po ang partner ko" paalam nito sa guro.

Wala ng nagawa si Ysa, wala naman syang ibang choice, ayaw na niyang maginarte at baka mamaya mas malala pa ang gawin ni Corine pag napahiya nya ito sa pagtanggi nya, hindi naman sya natatakot, gusto lang talaga nya ng tahimik na buhay sa school na yon.

Si Corine ang unang nagtakip ng mata, at sya ang gumuide dito. Mabilis silang natapos sapagkat sumusunod kaagad si Corine sa kanya.

Ngitngit na ngitngit naman ang dalawang kabarkada ni Corine sa nakikita, kaya isang masamang ideya na naman ang pumasok sa isipan nila.

"Salamat at hindi mo ako pinahamak sis." nakangiting sabi ni Corine habang sinusuot nya kay Ysa ang pantakip sa mata.

"Class! You are not allowed to remove your blindfold hanggang sa hindi kayo nakakabalik dito!" narinig nilang sabi ni Mrs. Del Mundo.

Nakahanda na si Bea ng biglang tawagin ni Bea si Corine.

"Wait lang Ysa, sandaling sandal lang" paalam nito sa kapartner.

"Ano ba yon?" tanong ni Corine dito.

"oily ng face mo.." bulong ni Bea kay Corine, bigla naming nagpanic si Corine sa narinig kaya nagmamadali itong pumunta sa room, nawala na sa loob nito ang kapareha, iyon ang hinihintay na pagkakataon ni Bea.

Pumunta si Bea sa likod ni Ysa at tinap sa likod, sa pagaakala ni Ysa na si Corine yun ay lumakad na to. Imbes na sa dulo ng hallway ay ginuide nya ito sa ibang daan. Huminto sila sa tapat ng pinaniniwalaang haunted restroom ng mga nandoon at pagkatapos noon ay dahan dahang tumakbo si Bea.

Si Ysa naman ay taking taka dahil sa pagtigil nila.

"Bakit tayo tumigil? Nandito na ba tayo?" tanong nya sa akala nyang nandoon pa.

Walang sumagot, bagkus ay isang tap na naman ang naramdaman nya kaya nagpatuloy sya sa paglalakad.

Sa tapat naman ng room ay galit na galit I Corine sa ginawa ng dalawa.

"Sinabi ko ba sa inyong gawin nyo yon? That is not funny!" sita nito. "That is so childish.." dagdag pa nya. Maya maya ay natanaw na nila si Ysa, naglalakad papunta sa kanila.

Manghang mangha naman sila ng makita na maayos at tila may gumagabay sa paglalakad nito.

Nang makarating sa kanila ay agad tinanggal ni Corine ang blindfold ni Ysa.

"Sis, sorry sa ginawa ng mga friends ko,, sorry talaga, hindi ko talaga alam na gagawin nila ito" hinging paumanhin ni Corine.

"Ang alin?" tanong ni Ysa at saka kinusot ang mata matapos tanggalin ang takip sa mata.

"Si Bea kasi eh, nilibang ako, sya yung nagtap sayo tapos dinala ka sa may restroom, buti nakabalik ka dito at suot mo pa talaga blindfold mo..galing!" wika ni Corine.

Para namang naubusan ng dugo si Ysa sa narinig, kung iniwan sya sa may restroom, sino yung nag-guide sa kanya pabalik. Kilabot na kilabot si Ysa, mapabuhay at mapapatay ay ginugulo sya.

"Ano bang balak mo sa buhay mo Lexin?" Ilang taon ka na sa college pero parang wala ka pa ding balak gumraduate!" sita ng Mr. Alberto Apostol, ang ama ni Lexin, naabutan kasi nya ang anak na nasa may pool at nag-gigitara.

Hindi kumibo si Lexin, bagkus ay nagpatuloy ito sa pag-gigitara.

Mas naginit naman ang ulo ni Mr. Apostol sa pagbabalewala sa kanya ni Lexin, kaya kinuha nya ang gitara nito at hinagis sa pool.

Tinitigan ng matalim ni Lexin ang ama.

"Aba't ddemonyo ka talagang bata ka!!" wika ng ama at saka ito hinila sa kwelyo at saka tinulak sa pool.

"Albert! Ano ka ba!?" gulat na gulat na sabi ng lola ni Lexin na si Marietta. "Minsan na nga lang kayo magkita magama ginaganyan mo pa si Lexin!" galit na sabi nito.

"Kaya lumalaking demonyo yang apo nyo Ma eh, kinukunsinti nyo" wika ni Albert.

"at anong gusto mong gawin ko! Gayahin kita? Na kung hindi binubugbog eh pinagsasalitaan ng masama si Lexin?" galit na sabi ni Marietta sa anak.

"Dinidisiplina ko lang anak ko!!!" wika ni Albert.

"Pagdidisiplina ba yang pagtulak mo sa kanya sa pool! Ang sabihin mo mainam ka lang sa ibang tao pero sa sarili mong anak hindi mo mapakisamahan ng maayos!" galit na galit na sabi ng lola ni Lexin.

Nakaahon na si Lexin mula sa pagkatulak sa pool, at dali dali itong umalis.

"Hindi pa ako tapos sayo bat aka.." wika ni Albert at susundan na dapat ang anak pero pinigil ni Marietta. "Ma, hwag kang makialam!" sabi ni Albert sabay tabig sa ina dahilan para mabuwal ito.

Nakita ni Lexin yon at galit na galit itong sinugod ang ama at pinitsarahan. "Huwag na huwag mong sasaktan si Lola Mommy!" sabi nito nag alit na galit at nanlilisik ang mata.

Tumayo naman si Marietta at kinuha ang apo."Halika na Lexin, magpalit ka nan g damit at bka magkasakit ka pa" sabi nito.

Bago pa makaalis ay pinukulan nito ng masamang tingin ang ama.

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now