Campus Queen Part 15

3.1K 60 10
                                    

PART 15

Kalalabas lang ni Marj ng Cr, hinanap nya kaagad si Ysa pero hindi nya iyon makita, napansin nya na may pinagkakaguluhan ang mga tao sa pool.

"Ano kaya yun?"takang tanong nya at saka lumakad papunta dito at laking gulat nya ng makitang si Ysa nandoon at nalulunod.

"Ysa! My god! Hindi sya marunong lumangoy!"sabi ni Marj at akmang tatalon na pero isang lalaki ang nauna ng tumalon sa sa kanya.

Si Lexin, saktong napadaan sya ng marinig nya sa isang estudyante na nahulog daw sa pool yung aswang, si Ysa lang naman ang kilala nyang tinatawag na aswang, at hindi nga sya nagkamali, dali dali nyang tumakbo at tinalon si Ysa sa pool.

Wala na tong malay ng makuha ni Lexin. Iniahon nya ito sa pool at hiniga.

"Ysa.. Ysa..!"sampal nya sa mukha nito at saka nya pinump ang dibidb nito. "Ysa.. Ysa..!"alalang alalang tawag ni Lexin.

Nakatanaw lang ang mga estudyante at kinakabahan, pag kasi may nangyari kay Ysa ay mananagot din sila dahil wala man lang sila ginawa.

Ibinuka ni Lexin ang bibig ni Ysa at nilapat ang sa kanya at saka ito minouth to mouth resuscitation.

Ilang ulit itong ginawa ni Lexin gang sa magising si Ysa at lumabas ang mga nainom na tubig at saka naubo.

"Ysa.. Okey ka lang?"alalang alala na tanong ni Lexin.

Sya namang dating ni Marj. "Ysa, ano nangyari?"tanong din nito sa kaibigan.

Si Ysa naman ay tulala at parang wala sa sarili, hindi ang pagkalunod ang kanyang kinatakot kung hindi ang babaeng nakita sa ilalim ng tubig, at ng mahimasmasan ng konti ay naalala nya kung bakit sya biglang nahulog sa pool, pinukol nya ang tingin sa dalawang may kagagawan, si Bea at Mildred na hanggang ngayon ay nandoon pa rin.

Biglang tayo si Ysa at sinunggaban ang dalawang babae, sabay nyang hinila ang mga buhok nito. Naawat nama kaagad ni Lexin si Ysa.

"Ano bang Problema mo!!"sigaw ni Mildred na inayos ang buhok na nasabubutan.

"ANONG PROBLEMA KO! ANONG PROBLEMA KO! Alam nyo kung ano Problema ko! Ganyan na ba talaga kayo kawalang hiya para itulak ako sa pool!"gigil na gigil na sabi ni Ysa, masyado ang kanyang naging takot kaya talagang galit na galit sya.

"Hoy Ysa, wag kang namimintang kung wala ka naman ebidensya!"sagot naman ni Bea.

Para namang mas lalong nagalit si Ysa at kahit hawak ni Lexin ay nagawa pa rin itong sugurin at sapakin sa mukha si Bea pero nahila na ulit ito ni Lexin.

"Wag mo akong gawing tanga! Alam kong sinadya nyo yon! Hayop ka!"galit na galit na sigaw ni Ysa na nagpumilit kumawala kay Lexin, at ng makawala ay akmang susugurin ulit ni Ysa ang dalawa pero humarang dito ang ibang estudyanteng lalaki at tinulak si Ysa, mabuti na lang at nasalo ito ni Lexin. Ngiting ngiti naman si Bea dahil sa nangyari kay Ysa.

CAMPUS QUEENWhere stories live. Discover now