C-2

3.2K 87 0
                                    

©hapter dos

~NICCO~

Araw-araw ay naroon si Nicco kina Kresha. Wala na yata siyang mahihiling pa sa mundo. Stable na siya at ngayon nga ay ikakasal na sa babaeng noon pa niya mahal.

Halos hindi siya makapaniwala sa mga nangyari. Nakabuo kaagad siya. Sabagay, iyon na talaga ang plano niya upang hindi na makawala pa si Kresha.

Kalaro niya nang hapon iyon si Joey, ang nag-iisang anak ng kapatid ni Kresha. Hindi masyadong nabanggit sa kanya ni Kresha ang tungkol sa kapatid nito.

Basta ang sabi lamang nito ay awang-awa ito sa babae at isa sa nga dahilan kung bakit nakipagkalas ito sa kanya dalawang taon na ang nakalipas ay upang bigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya niya.

Sinabi na niya kay Kresha na kapag kasal na sila ay maaaring doon na silang lahat sa Mansion manirahan o kaya ay sa bahay niya sa Maynila.

Ang sabi sa kanya nito, nabanggit na raw nito ang bagay na iyon sa pamilya at tigas ang pagtanggi ng mga iyon. Masyado raw mataas ang pride ng mga ito at nahihiya sa ganun. 

Ganunpaman, gusto niya paring tulungan ang pamilya ng nobya niya kahit sa anong paraan. Naisip niyang bigyan ng bagong kabuhayan ang kapatid  nito upang hindi na araw-araw ay nagtitinda ng nga kakanin. Malapit din ang loob niya rito, maging sa anak nito.

"Tito, ano'ng ipapangalan ninyo sa magiging baby ninyo?" tanong ni Joey.

"Kapag baby girl, Kresha. Kapag baby boy—"

"Nicco?"

Natawa siya. "Hindi ako ganun kalupit. 'Arthur'. Kapag baby boy."

"Maganda."

Napangiti siya. Natutuwa siyang kausap ito. Bilib siya sa ina nito na napalaki ito ng maayos. Naitaguyod ito ng matino sa tulong na rin ng nobya niya.

Alam niyang malaki na rin ang sakripisyo ni Kresha para sa pamilya nito kaya desidido siyang makatulong sa pamilya nito.

Alam niya, gamot pa lamang daw ng ama nito ay napakamahal na. Idagdag pa ang upa sa bahay, mga pang araw-araw at ang tuition fee ni Joey. Hindi naman siguro kalakihan ang kinikita ni Kristine sa pagtitinda nga mga kakanin at alam niyang kulang na kulang iyon.

Dumating sa sala ang magiging biyenan niya. Napangiti ito. "Kumain ka na ba, Nicco?"

"Tapos na po, 'Tay."

"Nasaan ba ang asawa mo?" Iyon na ang tawag nito sa anak mula ng ianunsiyo nila ang kanilang pagpapakasal.

"May kinausap lang pong tao tungkol sa kasal. Dito ko na lang daw po siya hintayin."

Tumango ito. "Nasabi na ba sa'yo ni Tin ang sistema sa Sabado?" Sabado na ang petsa ng kasal.

"Hindi pa ho. May pagbabago po ba?"

"Mangyari'y may dumating na order sa kanya kahapon lang at hindi niya natanggihan. Hapon naman ang kasal ninyo kaya kami'y magsasabay nang mag-ama sa Sabado nang umaga. Huwag kang mag-alala't hindi kami pahuhuli. Alam mo naman ang anak kong iyon, masyado ring masipag. Malapit na rin kasing magbayaran sa tuition ang isang ito." Ginulo pa nito ang buhok ng apo.

"Maaga ko na lang pong papuntahin ang driver. Kung gusto po ninyo, helicopter na lang ang sakyan ninyo.

"Nakow! Ako'y aatakihin bago pa makarating kung pasasakayin mo ako roon."

"Masarap ngang sumakay roon, lolo." ani Joey.

"Ang batang ito, nakakatuwa rin naman. Masipag mag-aral. Manang-mana sa ina noon."  Bumakas ang lungkot sa mga mata nito.

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon