C-4.5

2.8K 86 0
                                    

©hapter kwatro, continue..

~KRISTINE

Tanging ang ama ni Kristine ang naiwan sa bahay. Mukha namang masaya ang matanda na nalilibang daw silang mag-ina habang bakasyon. Hapon na ng makarating sila sa Laguna at marami na ring tao roon.

Pagpasok na pagpasok nila sa theme park ay kaagad na sumakay sa mga rides sina Nicco at Joey. Parang bata ang binata. Hindi niya ito nakitang hindi nakatawa.

Laking pasalamat niya na kahit paano ay nabawasan ang tensiyon sa pagitan nila. Mayamaya ay nilapitan siya ng mga ito.

" 'Nay, tayo namang tatlo ang sumakay." yaya ni Joey sa kanya.

"Naku, mahihiluhin ako, eh." tanggi niya kaagad.

"KJ ka lang." ani Nicco.

Nagsukatan sila ng tingin at sa huli ay kapwa sila natawa. Pumayag na rin siyang sumakay sa Jungle Log Jam, higit na magandang version ng Wild River sa Star City.

Hindi pa man umaandar ang plastic na sasakyang mistulang katawan ng puno ay natatakot na siya. Totoo ang sinabi niyang malululain siya. Idagdag pang wala namang safety belt iyon.

"Ayoko na ata." sambit niya. Nasa gitna siya nina Joey at Nicco. Nasa unahan niya ang kanyang anak, nakasandig naman siya sa dibdib ng binata.

"Ang corny mo, ah." bulong sa kanya ni Nicco.

Napahagikgik tuloy siya. Amoy na amoy niya ang pabango nito. Nagpasya siyang sumandal na lamang dito. Ang isang braso nito ay nakapaikot sa kanyang baywang. At sapat na iyon upang mawala ang takot niya.

Mayamaya ay nadama niya ang pisngi nitong tila nanunudyong ikinikiskis nito sa kanyang pisngi.

"N-nicco."

"Mas takot ka pa yata sa 'kin." anitong bagaman hindi niya malingon ay alam niyang nakangiti.

Hindi na lamang siya umimik lalo na't papataas na ang ride. Nang nasa itaas na sila ay napadiin ang kamay niya sa binti nito.

"Relax." anito.

Pumikit na lamang siya nang rumagasa sila paibaba. Nang matapos ang ride ay bahagya siyang basa, ganun din ang dalawa. Tawanan nang tawanan ang mga ito. Mabuti na lamang ay may baon silang damit gaya ng habilin ni Nicco.

Nang makapagpalit na sila ay nagyaya na ang binatang kumain. Sa isa sa mga restaurant sila roon kumain. Walang tigil ang kanyang anak sa pagbibida. Saka lamang niya naunawaan na tila isang masayang pamilya sila.

Pagkatapos saglit na magpahinga ay muling sunakay ng mga rides ang mga ito. Sa isang rides  na pambata ay hindi na sinamahan ni Nicco si Joey. Naiwan silang nakatingin lamang dito. Panay ang kuha niya ng larawan sa kanyang anak.

"Are you having fun?" tanong nito sa kanya.

"Oo naman. Maraming salamat, ha, Nicco."

"You're very welcome." Ngumiti ito, saka siya inakbayan. Hindi na siya nag protesta. Wala naman sigurong masama sa simpleng pag-akbay.

Paminsan-minsan, lalo tuwing hindi niya inaasahan ay dadampi ang nga labi nito sa kanyang buhok. Tila bale-wala naman iyon dito kaya hindi na lamang niya pinansin. Lalo at masarap iyon sa kanyang pakiramdam.

Naglaro din sa arcade si Joey. Mukhang abalang-abala ito kaya marahil hindi na rin sila napapansin nito.

Alas-diyes ng gabi, habang kumakain sila ay napapansin niyang napapapikit-pikit na ang kanyang anak. Pagod na ito sa maghapong pamamasyal.

Pagkatapos kumain ay nagyaya na rin siyang umuwi. Binilhan niya ng T-shirt ang kanyang ama. Si Nicco naman ay kung anu-ano ang binili sa kanilang pamilya kahit anuman ang kanyang pagtanggi.

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon