C - 17.5

2.9K 85 1
                                    

©hapter dise-syete, continue..

Nicco, side story II

--

"Sa tingin mo ba, hindi ka namin naiisip? Anak ka namin, maaari bang hindi?" wika ng matanda.

"Naitanong ko na rin sa sarili ko 'yan, 'Pa. Nagtataka ako kung bakit, pero ang sagot, pwedeng hindi."

"Don't be silly." Bumuntong-hininga ito. " 'Yong trahedya sa buhay natin, masyadong nakaapekto sa amin ng mama mo, aminado kami roon. Pero hindi ibig sabihin n'on na wala kaming pakialam sa'yo. Ikaw rin naman ang lumayo, anak."

"Dahil parang wala naman akong lulugaran sa buhay ninyong dalawa."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo." nilapitan siya nito at tinapik ang kanyang balikat. "Hinyaan ka namin dahil alam naming kayang-kaya mo. Proud na proud kami sa'yo, alam mo ba 'yon? Wala akong ibang sinasabi sa mga kaibigan ko kundi lahat ng mga nagawa mo sa buhay mo. Alam mo, anak, magsisi man kami ng mama mo sa mga panahong napabayaan ka namin, wala na rin kaming magagawa. Pero ganitong matanda na kami, gusto naming malaman mo na mahal na mahal ka namin."

At natagpuan na lamang niya ang sariling lumuluha. Nitong mga nakaraang huling araw, palagi na lamang niyang ginagawa iyon.

Hindi nagtagal, parang ilog na dumaloy palabas ng kanyang mga labi ang lahat ng isipin niya, lahat ng kanyang problema. At sa kauna-unahang pagkakataon, naroon ang kanyang ama at nakikinig sa kanya.

"Mahal na mahal ko siya at awang-awa ako sa kanya. Galit pa rin ako, aaminin ko, 'Pa, pero mahal na mahal ko pala siya. Kahit hindi akin ang batang 'yon, walang problema sa'kin."

Noong araw ng kasal sana nila ni Kristine, tumuloy siya at nanatili sa Canada nang isang buwan, pinutol ang komunikasyon sa lahat ng kakilala. He was guilt-striken, but at the same time, he told himself Kristine deserved that. Kresha would know about it and would regret everything she did to him. Iyon naman ang plano niya mula't sapol.

Nang makabalik siya ay pinilit na niyang kinalimutan ang bahaging iyon ng buhay niya. Kailangan na niyang umabante. Hanggang isang araw ay nagpakita sa kanya muli si Kristine upang sabihing siya ang ama ng dinadala nito.

Lalo siyang nagalit, at hindi sadyang napa bitiw ng masasakit na salita rito. Paano mangyayari iyon gayong protektado siya sa bawat pagkakataong may nangyari sa kanila?

Niloloko na naman siya nito, ginagawang tanga. Pero sa huli, hindi niya nagawang tiisin ito kaya pinuntahan niya ito sa palengke, kung saan ang hula niya ay nagtitinda uli ito ng kakanin.

At muna roon nagpatung-patong na lahat ng mga pangyayari. Ang dami-dami pala niyang nagawa rito, sa ama nito, sa anak nito. At sa gitna ng lahat ng iyon, nagagalit siya sa isiping hindi siya nito totoong minahal, na may nangyari dito at kay Jericho.

Iyon lamang ang tanging paliwanag kung bakit buntis na naman ito. Sa kabila niyon, dama niya kung gaano ito kahalaga sa kanya.

Naunawaan niya, lahat ng tenderness at pagmamahal na ipinakita niya noon dito ay hindi pagpapanggap. Totoo iyon sa kanya. Minahal niya si Kristine nang hindi niya namamalayan.

Si Kresha, ngayon ay isa na lamang bahagi ng kahapon at nais niyang magsimula uli kasama si Kristine ngunit tila ayaw na nito.

Para siyang dinidikdik kapag naaalala niya ang sinabi nitong sana raw ay hindi na lamang siya nito nakilala.

"Mahal na mahal mo siya at wala kang pakialam kahit hindi sa'yo ang bata?"wika ng kanyang ama.

"Yes."

"Ano'ng problema? Na hindi sa'yo ang bata?"

"Na hindi niya ako mahal."

"Hindi yata ikaw ang anak ko." nakangiting wika nito. "Ang anak ko, matapang at hindi sumusuko kahit kailan." tinapik nito ang balikat niya, saka siya iniwan doon.

--

#VOTE now! ^.^

"Maraming-maraming salamat sa mga nagbabasa ng K-ABI at sa patuloy na naghihintay ng UD. SALAMAT PO!"

-AD

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon