C- 2.5

2.9K 78 1
                                    

©hapter dos, continue..

~KRISTINE~

"Anak, sabi ko sa'yo maligo ka na, di'ba?" Wika ni Kristine dito. Araw ng kasal nina Nicco at Kresha alas-syete na ng umaga. Alas-dose ay kailangan na nilang umalis. Kanina pa nasa labas ang driver na maghahatid sa kanila sa gaganaping kasal.

"Baka po kasi kailangan n'yo ng tulong. Mabilis lang naman po akong maligo. Baka malimutan ninyong kumain bago umalis."

Napangiti siya. "Kaya ko na ito, Joey. Ihahatid ko na ito kay Mrs. Reyes. Tulungan mo lang ang lolo mong mag-ayos."

"Opo." Tumalima na ito.

Nilagyan na niya ng dahon ng saging ang mga bilao ng sapin-sapin. Maraming order iyon. Dahil bukod sa may-ari ng canteen na nirarasyunan niya ang may order, marami pa iyon.

Nang maayos na iyon ay nagpatulong siya sa driver na mai-deliver muna ang mga iyon. Wala pang kalahating oras ay nakabalik na siya. Nasa sala na ang maglolo kapwa bihis na.

"Madali ka't baka mahuli pa tayo sa kasal ng kapatid mo." wika ng kanyang ama.

Tumango siya at nagmamadali nang nagtungo sa banyo. Paspas siyang naligo, pagkatapos ay nagtuloy na sa silid. Noong isang araw pa niya inihanda ang susuotin. Hindi naman niya kailangan mag gown dahil simpleng kasalan lamang naman ang mangyayari. Ganunpaman, binilhan siya ni Kresha ng dalawang dress sa kauna-unahang pagkakataon.

Isinuot muna niya ang  bestidang kulay-murang dilaw na simple rin lamang ang tabas. Ang mahabang buhok niya ay hinayaan muna niyang nakalugay. Nang matapos siya ay lumakad na sila.

"Sa wakas, makikita ko ang isa kong anak na ikakasal..." sambit ng kanyang ama sa kawalan. Tila wala sa loob nito iyon.

May pamilyar na kirot siyang nadama. Hindi pa rin pala ito nakakabawi sa pagkadismaya nito sa nangyari sa kanya.

Ilang taong palaging ipinamumukha nito sa kanya ang pagkakamali niya. Unti-unti namang nababawasan iyon sa paglaki ni Joey. Alam niya, mahal na mahal nito ang apo.

Sa haba ng byahe ay nakatulog na si Joey. Ang kanyang ama naman ay nakatanaw lamang sa bintana, tila malayo ang takbo ng isip. Siya naman ay halos hindi mapakali. Ilang oras na lamang  at magpapakasal na si Kresha kay Nicco, pero ang bata sa sinapupunan nito ay hindi anak ni Nicco.

At siya, mananatiling paralisado na hindi magagawang sabihin kahit kanino ang nalalaman niya.

Nang makapasok na sila ay ginising na niya ang kanyang anak. Manghang-mangha ito sa ganda ng lugar. Maging siya ay hindi makakibo.

Maaga sila sa oras na pinag-usapan. Alas-dose pa lamang ng tanghali. Dumiretso sila sa hotel.

"Nanay, ang ganda naman dito." Sambit ni Joey.

"Bukas pa naman tayo uuwi, apo. Papasyal tayo, ha? Sasamahan mo ang lolo."

"Opo."

Nagpasya silang puntahan muna si Kresha sa silid nito. Naabutan nilang nakahiga ito sa kama, hindi pa nakaayos.

"Aba'y magsimula ka na kayang maligo, anak?" Wika ng kanyang ama rito.

" 'Tay, alas-dos pa ang kasal."

"Aayusan ka pa ba ng beautician?" Aniya.

Natawa ito. "Hindi ito tulad ng ibang kasalan. Ako lang ang mag-aayos ng sarili ko. Ang mabuti pa, magpahinga na muna kayo."

Napilitan silang lumabas ngunit nagbilin pa rin ang itay nila. "Mag ayus-ayos ka na't nakakahiyang ikaw pa ang mahuli."

"Ate?"

"Ano 'yon?"

"May sasabihin ako sa'yo."

"Sige, 'Tay, susunod na ako sa inyo." Wika niya at isinara na ang pinto. Pagkatapos ay nilapitan niya ang kapatid. "Ano 'yon?"

"Ate, tatakas ako. Ate, tulungan mo naman ako, please. Hindi ko pala kayang magpakasal kay Nicco. Papatayin niya ako kapag malaman niyang hindi niya anak 'to." Itinuro nito ang maliit na umbok ng tiyan nito.

"Hindi mo ba 'yan ikinonsider bago ka pumayag magpakasal?"
Nakadama siya ng galit dito.

"Dammit!" Pumiksi ito. " Hindi ko kailangan  ng sermon mo ngayon. Tumawag si Peter. Nasa Manila siya. May ticket na kami pabalik ng Japan. Doon kami magpapakasal. Siya ang ama nito."

Nanlaki na ang mga mata niya sa puntong iyon.

"Pero ikakasal ka na, Kresha."

"Alam ko!" Nilapitan siya nito. " Ate, tutulungan mo ba ako o ano?"

"S-sasamahan kitang sabihin kay Nicco."

"No way! He won't let me go. He loves me so much."

"Pero kailangan mong sabihin sa kanya habang maaga pa.".

"I won't. Kailangan kong tumakas, ate." Binuksan nito ang closet at naglabas ng ilang damit. "I'm gonna wear this. No one will notice me. Ang kailangan lang, makakuha ako ng sasakyan."

"Nasisiraan ka na ng ulo,Kresha!" tumaas ba ang kanyang tinig. Nagrerebelde siya sa nais nitong gawin. Pagmumukhain nitong tanga si Nicco. Wala ba itong konsiyensiya?

"Ate, mas masama kong itutuloy ko ang kasal—"

"Kaya nga kausapin mo si Nicco!"

"Hindi nga puwede. That will take time. I have to go now. Kailangan ko rin ng oras makalayo para hindi na niya ako masundan. Hindi mo puwedeng sabihin sa kanya kung saan ako pupunta. Ate, please. Ikaw lang ang puwede kong lapitan. Ate, please naman. Please."

Nagtatalo ang kanyang kalooban ngunit sa huli, wala na rin siyang nagawa. Kung iyon lang ang paraan para hindi matuloy ang kasal, hindi na rin siguro masama.

Tumango na lamang siya at kinuha ang perang iniaabot nito. Kailangan daw niyang kumuha ng car service sa mismong front desk upang hindi ma-trace sa silid ninuman.

Halos wala sa sariling ginawa niya iyon. Laking pasasalamat niya at hindi siya namukhaan ng nasa front desk. Tinawagan na niya ang kapatid. Eksaktong paglabas nito— suot na nito ang isang jacket,pantalong maong, baseball cap, at antipara—ay nasa tapat na ang service nito.

Nakatingin lamang siya hanggang sa tuluyan nang mawala sa paningin niya ang sasakyan.

.
.
.
⭐MISAKII⭐

#VOTE

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon