C - 13

2.4K 81 4
                                    

©hapter trese

~KRISTINE

Hindi mapakali si Kristine habang hinihintay ang gwardiya. Pinigilan siya nitong pumasok sa loob. Itatawag daw muna nito kay Nicco na naroon siya, ibig sabihin, nandito nga ang lalaki.

"Sorry, Ma'am, busy raw po kasi siya."

"Pakisabi na emergency lang."

"Saglit lang po." Muli itong tumalikod, nang makabalik ay pinapasok na siya.

Habang nasa elevator ay kabadung-kabado siya. Nang makarating sa opisina nito ay nakita niya si Trisha.

"Kamusta?" Tila nag-aalangang tanong nito. "Tuloy ka na."

Tumango lamang siya, nag-alay ng munting ngiti at pumasok na sa opisina ni Nicco.

Nang magtama ang kanilang mata ay wala na siyang nabasang tenderness sa mga mata nito.

Alam niya, hindi ito ang lalaking nagmahal sa kanya. Ibang Nicco iyon, isang Nicco na hindi kailanman naging totoo.

Dapat ay galit siya rito sa ginawa nito ngunit wala siyang makapang galit sa kanyang dibdib. Mas gusto niyang yakapin ito ng mahigpit, sabihin dito ang lahat ng problema niya tulad noon. At tulad noon marahil, kakalmahin siya nito, ipapangakong lahat ay magiging maayos din.

"Ano'ng kailangan mo?" Malamig na sabi nito.

"G-gusto sana kitang makausap."

"Nag-uusap na tayo ngayon. Bilisan mo, marami akong trabaho."

Nakagat niya ang ibabang labi.
"N-Nicco, buntis ako." Wala nang ibang paraan upang sabihin iyon lalo't pinagmamadali siya nito.

Bigla natawa ito ng malakas.
" I admire your guts, really I do. But come on, Tin, you didn't think I was that stupid?"

"T-Totoo."

"Maaaring totoong buntis ka nga pero alam nating dalawa na hindi akin 'yan."

"Wala akong ibang n-nakasama, ikaw lang—"

Bigla itong nagmura na ikinagulat niya. "Ganoon ba katanga ang tingin mo sa akin, ha?!" Namumula ang mukha nito, halatang galit na. "Ginagawa mo 'kong gago, Tin! Naisip mo bang por que nagago niyo ko minsan ni Kresha, magagawa at magagawa mo uli? Hindi ako bobo. 'Wag mo naman akong gawing tanga."

"N-Nicco, nagsasabi ako ng totoo—"

"Lumabas ka na. Umalis ka na!" Sigaw nito sa kanya.

"Maawa ka sa bata, Nicco. W-wala na akong malapitan. Anak mo siya—"

Natutop nito ang noo, saka tumalikod. "Ang tindi mo rin talaga. Bilib ako sa'yo." Sinipa nito ang upuan. Nangamba siya. Noon lamang niya ito nakitang nagalit ng ganoon. "I Treat you and loved you as a friend, Tin! Pero anong ginawa mo?! Tumulong ka pang mapahiya ako when you knew all along Kresh wasn't carrying my child. At ngayon, ikaw naman ang gumagawa n'on. Alam mo ba kung gaano kaliit ang tingin ko sa'yo? Ganito." Bahagya lamang nito nilagyan ng espansyo ang pagitan ng hinlalaki at hintuturo nito.

Napaiyak na siya nang tuluyan.

"How promiscuous are you exactly, huh, Tin? Parehas kayo ng kapatid mo, mga pakawala. Nagpapabuntis kayo sa ibang lalaki, tapos ipapasagot n'yo sa akin? Bakit, dahil iniwan ka na uli niya, ganoon ba? 'Langya, ang swerte niya, dalawang ulit kang binuntis, tapos hinayaan. O baka naman iba pang lalaki ang ama niyan?" Nagmura ulit ito, saka muling sinipa ang silya.

"Nicco—"

"At ano ang pumasok sa isip mong gagawin ko? Maniwala sa'yo? Pakasalan ka?  Masyado kang ambisyosa. Sa tingin mo ba, isang tulad mo ang ihaharap ko sa magulang ko?"

"H-Hindi ko alam kung paano nangyari ito. Pero totoong ikaw ang—" hindi na niya muling natapos ang sasabihin sapagkat lumapit ito saka binitbit siya sa braso.

"Stop force-feeding me lies!" Inilabas siya nito ng opisina hawak pa rin ang braso. Daig pa niya ang may nakakahawang sakit na kailangan mapaalis agad.

"Don't you dare come here again, you bitch!" Binalingan nito ang sekretarya. "If she doesn't leave, call security!" Iyon lang at ibinalabag nito pasara ang pinto.

"T-Tin?" Sambit ni Trisha, mukhang nabigla rin ito.

Kagat-labing tumalikod na lamang siya at patakbong pumunta sa elevator. Muli, pakiramdam niya ay nais na niyang mamatay nang mga sandaling iyon.

——
-Airam_Del
Sorry po if Short UD lang. Busy po kasi ngayon. Anyway, Merry Christmas po sa inyo. Enjoy your holidate with families and love ones. 😄

(Thank you lord jesus for loving us everyday..)

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon