C-11

2.3K 64 0
                                    

©hapter onse

~KRISTINE

Ginawa ni Kristine ang lahat upang ma contact si Kresha. Sa lahat ng kanyang pagtatangka ay hindi siya nag tagumpay.

Hanggang sa sinabi ng ama na hayaan na lamang niya ang kapatid.

Gusto ni Nicco na makasal sila sa lalong madaling panahon.

Ang ama niya ay tila masayang masaya sa mga pangyayari. Naitakda na nila ni Nicco ang kasal kahit hindi pa namamanhikan ang mga ito.

Nasa ibang bansa raw ang mga magulang nito at malamang ay na sa mismong araw na ng kasal nila makakabalik.

In-assure ni Nicco na wala raw problema sa mga magulang nito.

Ang sabi nito, kung nais naman daw nilang makausap ang mga iyon ay maari naman daw na tawagan na lang.

Hindi na iyon pinansin ng kanyang ama. Ang katwiran nito ay nagkakilala naman na ang mga ito noon.

Alam niya ang tanging mahalaga rito ay maikakasal na siya.

Madalian ang naging preparasyon sa kasal. Ang sabi ni Nicco, Kapag dumating na raw ang mga magulang nito ay saka nila paplanuhin ang mas marangyang kasal. Civil daw muna.

Ang mahalaga ay maikasal na sila sapagkat nais na nitong magsimula ng buhay na magkasama sila.

Si Joey ay siyang best man ni Nicco. Wala namang problema sa kanyang anak. Sa katunayan ay tuwang tuwa rin ito at ang tawag ngayon kay Nicco ay "Tatay" na.

Nang araw na iyon ay kinuha na nila ni Nicco ang traje niya sa isang sikat na fashion designer.

Simple lamang iyon, hindi masasabing gown pero may kasamang maikling belo.

"You're going to be the most beautiful bride next week." wika sa kanya ni Nicco.

Sukat niyakap niya ito. "Diyos ko, ikakasal na tayo. Ang bilis."

"That's how much I love you."

Nang makauwi na sila ay ipinasukat kaagad nito sa kanya ang traje.

Hindi naman siya naniniwala sa mga sabi-sabi kaya isinukat na niya iyon, saka bumaba na.

Nagkasamid-samid ang kanyang ama ng makita siya. Nang dumating sila ni Nicco ay wala pa ito at si Joey, may binili marahil da tindahan.

"Ano ba't isinukat mo 'yan?!" sita nito sa kanya. "Ipinakita mo pa kay Nicco! Masama 'yan! Hala, magpalit ka agad ng damit!"

"Ang Itay talaga, masyadong mapamahiin. Hindi po totoo 'yon."

Nilapitan siya ni Nicco. "Oh my, you really look beautiful. I really wanted to see you in that dress before our wedding. And like I said, you're going to be the most beautiful bride on Saturday."

"At ikaw na ang magiging pinakagwapong groom."

"Right." Tanging sambit nito at tila bigla siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib na pilit na lamang niyang inignora.

After all, noon pa lamang siya ikakasal.

---

#VOTE MINNA

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon