C-3.5

2.9K 80 0
                                    

©hapter tres, continue..

~KRISTINE~

Pauwi na si Kristine at naubos na ang sapin-sapin na paninda niya. Maganda ang kita niya ngayon, sa kanyang pag papasalamat. Ilang linggo na lamang at tapos na ang eskwela at wala na siyang pagdadalhang canteen ng kanyang paninda.

Sa bakasyon, malamang araw-araw siya sa palengke para pagdating ng enrollment, kahit paano ay may madudukot siya.

Ang totoo, talagang hirap siya sa pera. Nagtaasan na ang lahat ng bilihin. Sa pasukan ay tiyak na magtataas ang tuition fee at mga gamit ni Joey. Nagbabayad pa siya ng upa sa bahay.

Kung sana man lamang ay nagpapadala si Kresha ng pera kahit kaunti. Hindi sana siya kayod-kabayo. Ang kaso, mula noong takasan nito ang ang kasal kay Nicco ay isang sulat lamang ang naipadala nito upang sabihing maayos ito sa kinaroroonan kapiling ang asawa.

Ang kanyang ama ay alam niyang sumusubok na makatulong sa kanya kahit paano. Tuwing umaga ay nagrarasyon ito ng diyaryo sa mga puwesto sa palengke. Kapag nakauwi na ay saka ihahatid si Joey sa eskwela. Gumagawa rin ito ng yelo na pinapakyaw naman ng mga mag-iisda sa palengke.

Minsan, pagkain na lamang ang ipinababaon niya ky Joey. Naawa man siya rito ay wala naman siyang magawa. Mahal din ang gamot ng kanyang ama. Umaabot iyon nang kulang-kulang isandaan isang araw. Malaking bagay iyon sa tulad nila.

Nang makarating na sa kanila ay kinabahan siya nang makita ang sasakyan ni Nicco sa tapat.  Kaagad siyang pumasok at nakita nga niya sa sala ang binata. Ngumiti kaagad ito nang makita siya.

"Hi."bati nito.

"N-nicco."

"Para kang nakakita ng multo."

"H-hindi naman. Nadalaw ka?"
Napatingin siya sa kanyang ama. Nakangiti ito. Mukhang kanina pa ang binata sapagkat kalahati na ang bawas ng isang litrong soft drink na nakahain. Naroon din ang kanyang anak na matapos siyang hagkan ay bumalik sa pwesto.

"Nangangamusta lang."

"I-ikaw? Kamusta ka na?"

"Mabuti naman."

Napatangi lamang siya. Nagpaalam siyang nagbibihis lamang sandali.  Hanggang makarating sa silid ay mabilis pa rin ang sasal ng kanyang dibdib at kaagad na pinagalitan niya ang sarili. Hindi siya dapat kabahan dahil lamang nakita niya ito.

Aaminin niyang masaya siya na naroon si Nicco. Mukhang napatawad na nito ang kanyang kapatid. Ilang linggo rin nilang hindi nakita ito at minsan pag-uusap nilang mag-ama, nasabi nito  sa tingin daw nito ay hindi na magpapakita kailanman sa kanila ang binata.

Ngunit naroon ito at ngumiti pa sa kanya.

Mabilis siyang nagpalit ng damit, simpleng housedress lamang ang kanyanh isinuot. Nagsuklay siya at naglagay ng kaunting polbo at bumaba na rin. Nasa sala pa rin ang mga ito. Muli, isang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Nicco.

Parang kakatwa ang nangyari iyom ngunit agad din niyang naisip na mabuting tao ito. Ito ang tipong hindi nagtatanim ng galit. Marahil, naisip nitong ganoon man ang ginawa rito ng kanyang kapatid ay wala naman silang kinalaman doon. Kahit paano ay napalapit naman ang loob ng kanyang pamilya rito, partikular si Joey.

Umupo na rin siya doon. Nais din niyang makausap ang binata. Nais din niyang malaman kung ano na ang lagay nito. Mukha namang hindi ito namayat. Walang ipinagbago sa hitsura nito.

Maganda ang hubog ng mukha nito, prominente ang mga panga at baba. Matangos ang ilong nito at magaganda ang mga mata na tila palaging nanunudyo.

Maganda rin ang pangangatawan nito, matangkad. Kayumanggi ang kulay ng balat nito. Nakasuot ito ngayon ng kulay-maroon na polo shirt at kulay-putik na pantalon.  Kulang ang salitang magandang lalaki ito.

"Ang sabi ko rito ky Nicco, nakabalita na tayo sa kapatid mo. Iyon nga lang, hindi pa rin natin alam kung saan eksakto naroon."wika ng kanyang ama.

"Sabi ko kay Itay, hindi naman iyon ang sadya ko rito."wika naman ng binata. Nakangiti pa rin ito, tila walang nangyaring pag iiwan ng mapapangasawa sana nito.

"Kung narito lang ang batang iyon, napagsabihan ko na. Walang malasakit sa iba."patuloy ng kanyang ama. Alam niya, hiyang-hiya ito ky Nicco. Walang hapunan na nagdaan na hindi nito nabanggit iyon sa akanya. "Alam mo mabait din namang bata iyon. Gusto ko nga rin makausap at matanong kung ano'ng pumasok sa isip niya. Alam mo, ako'y hiyang-hiya sa'yo, anak."

"Wala po iyon, Itay. Wala naman po kayong kasalanan sa nangyari."

"Gusto mo pa rin bang makita si Kresha?"bigla ay naitanong niya.

"Aaminin kong oo. Gusto ko malaman ang mga dahilan niya pero kung ayaw pa niya sabihin, hindi naman ako nagmamadali."

"Tito, palagi ka na uling pupunta rito?"hirit ng kanyang anak.

Ginulo ni Nicco ang buhok nito. "Gusto mo ba?"

"Opo naman!"

"Eh, di sige."

Bumaha ang saya sa kanyang dibdib hindi lamang sa nangyayari kundi sa pangako nitong muling bibisita sa kanila. Sana, tulad noon, ay palagi na niyang makita ito.

"Dito ka na maghapunan, Tito Nicco."ani Joey rito.

"Okay lang ba?"

"Ku, ang batang ito, aba'y walang problema. Kung gusto mo'y dito ka pa tumira. Ako'y hindi magrereklamo at matutuwa pa. Alam mo, napamahal ka nang totoo sa amin, Nicco, at 'yan ay hindi ko sinasabi dahil lang sa ginawa ni Kresha sa'yo."

"Alam ko naman po 'yon, Itay.".

"Ano, dito ka na kakain tito?"

"Oo, bah. Nanay mo yata ang pinakamasarap magluto na natikman ko." Binalingan siya nito at matamis na ngumiti.

Buung-buo na ang gabi niya.

.
.
.
⭐MISAKII⭐

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon