C - 16

2.9K 77 5
                                    

©hapter dise-sais

KRISTINE, Ang Batang Ina

———

"Nanay, ikakasal na ho ba uli sina Tatay Nicco at Tita Kresha?"

Kinumutan ni Kristine ang kanyang anak at hinagkan sa noo."H-Hindi siguro. May asawa na ang tita mo."

Umakyat na silang mag-ina upang makapag-usap sina Nicco at ang kanyang kapatid. Hindi pa niya alam ang istorya ng kapatid niya ngunit base sa unang sinabi nito ay inaasikaso nito ang pakikipaghiwalay sa asawa nito. May bago raw itong job offer sa Malaysia.

"Bakit po hindi kasama ni tita ang baby niya?"

"Nasa asawa niya yata, anak. Matulog ka na."

"Alam mo, Nanay, galit ako kay Tatay Nicco, eh."

"O, bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Kasi po mali 'yong ginawa niya sa inyo."

"Sshh.. Masamang magalit sa iba. Matulog ka na, anak. Dito lang ako."

Nakahiga lamang siya sa tabi nito, hinihintay na makatulog ito. Sinubukan din niyang humanap din ng tulog ngunit ilang oras na ay nakatitig pa rin siya sa kisame 

Nagpasya siyang lumabas uli. Siguro ay wala na si Nicco. Nais niyang makausap ang kanyang kapatid.

Naabutan niya ito sa sala, kausap ang kanilang ama.

"Hala,  mag-usap kayong magkapatid at ako'y hihiga na rin." paalam ng kanyang ama. Nang sila na lamang ang naroon ay kinabahan siya.

"Kresha—"

"It's okay. Walang problema sa'kin. Aaminin ko, nasorpresa ako sa'yo. Paano mo naisip na totoo lahat ng sinabi at ginawa ni Nicco?" Tumawa ito. "Mahal na mahal ka noon nina Itay. Ikaw ang paborito nila dahil matalino ka raw. Nasaan ang talino mo?" Nasaktan siya sa mga sinabi nito.

"H-Hindi mo ako kailangan insultuhin, Kresha."

"Hindi kita iniinsulto, Ate. Ang totoo, naaawa ako sa'yo."

"Lalong hindi ko kailangan 'yon. Parang gusto mo lang naman akong sumbatan, eh. Kung magsusumbatan tayo, mauuna na ako. Nasaan ka noong kailangan ka ng pamilyang ito?"

"Gumagawa ng sarili kong buhay." sagot nito at tinalikuran na agad siya.

——

Matumal ang benta nang araw na iyon sa palengke. Masama ang timpla ni Kristine. Hindi siya makapaniwala sa naging usapan nila ni Kresha nang nagdaang gabi.

Sabagay, may karapatan naman itong magalit sa kanya. Pero hindi ba nito naisip na tinangka niyang kausapin ito ngunit wala naman ito?

"Mabilis na lumaki ang tiyan mo." puna sa kanya ng kasama niya sa bangketa. Alam na nitong hindi niya itinuloy ang pagpalaglag sa bata.

"Oo nga, eh. Noong una akong mabuntis, hindi naman ganito."

"Ibigsabihin, malaki ang bata. Nakito ko ang asawa mo, gwapo. Mukhang mayaman. Mukhang nagalit pa sa'kin noong sabihin ko kung nasaan ka."

"Hindi ko siya asawa."

" 'Wag mo nang pakawalan 'yon. O, nandito pa, o." bahagyang ngumuso ito at sinundan niya iyon ng tingin. Papalapit nga sa kanya si Nicco.

"Halika na." anito sa kanya nang makalapit.

"Hindi pa ubos ang paninda ko."

"Dammit! Just come with me."

"Hindi pa nga—"

Binitbit nito ang bilao at timba niya at walang pakialam na nagpatiuna. Napatingin siya sa kasama, tinanguan lamang siya nito.

Napilitan siyang sumunod kay Nicco. Nang makasakay siya sa kotse ay naihampas nito ang nakakuyom na kamao sa manibela.

"Ano ka ba! Sabi ko sa'yo, ayoko nang nagtitinda ka roon! Bakit ba ang hirap mong makaintindi?!" pinahid nito ang mga mata. Hindi niya matukoy kung napuwing lamang ito o napaluha na sa galit.

"N-Nag-iipon kasi ako para sa bata kung sakaling—"

"Hindi ka ba naniniwala sakin? I will provide for you! T4ng1na naman, Tin!" Hinampas uli nito ang manibela at muling pinahid ang mga mata. Nabibigla siya sa reaksiyon nito. Naaawa ba ito sa kanya o sadyang galit lang? "Bakit mo ba pinahihirapan ang sarili mo?"

"Kung gusto mo, ngayon din, ikukuha ko ng educational plan ang bata. Silang dalawa ni Joey. Ikukuha ko kayong lahat ng health plan. Just don't go there and sell food on the street like you're f*ck1ng beggar!"

Tahimik lamang siyang napaluha. Iyon pala ang tingin nito sa kanya. Marahil nga ay naaawa ito sa kanya. Ano ang sinabi nito? Para siyang pulubing nagtitinda roon sa bangketa? Siguro nga, pero marangal ang kanyang trabaho niya at kahit paano, hindi siya umaasa lamang sa bigay nito.

"Stop c-crying, all right?" anito, mahinahon na ang tinig, kababakasan ng kaunting pakiusap.

"S-Sana.. Sana hindi na lang kita nakilala kahit kailan."

Wala na itong sinabi. Tahimik na lamang sila nang mag-ring ang cellphone nito ay sinagot nito iyon. Si Kresha ang kausap nito.

"All right, Kresh. Okay. We'll see you in a while. We'll be right there." binalingan siya nito. "Daanan natin ang kapatid mo sa mall."

Hindi na lamang siya umimik, lulong sa sarili niyang mga isipin. Bakit kailangan maging ganoon kakomplikado ang simpleng buhay na gusto niya?

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon