C-8.5

2.3K 69 0
                                    

©hapter otso, continue..

Malaki na ang ipinagkaiba ng Jericho na nakaupo sa sala sa Jericho na nakilala at minahal niya noon.

Maiksi na ang mahaba at tila mapagrebeldeng buhok nito noon. Matangkad pa rin ito ngunit ang dating kapayatan ng katawan nito noon ay napalitan ng tikas.

Ang T-shirt nito noon ay palaging itim, ngayon ay disenteng naka kweldo na. Ang mga mata nitong puno ng kasiyahan, kabataan, ngayon ay nakatitig lamang sa kanya at tila nakikiusap.

Ilang taon na rin siyang sumukong makikita pa ulit ito. Inalis na niya sa isip kung ano ang kanyang gagawin kung sakaling muli itong magpakita.

Ngayon ay hindi niya alam ang kanyang gagawin sa sitwasyon iyon.

"T-Tin.." sambit nito sabay tayo.

"Si Joey, Itay?" Kaagad na tanong niya sa kanyang ama.

"Nasa kwarto. Hindi ko pa pinabababa."sagot nitong hindi maikakaila ang tinitimping galit.

"Is everything okay?" Bulong na tanong ni Nicco.

"O-Oo." Wala sa loob na sabi niya at nilapitan si Jericho. "Ano'ng kailangan mo?"

"G-Gusto ko sanang kamustahin kayo ng a-anak ko."

Nagpakawala ng mura ang kanyang ama at agad na tumayo at tumalikod. Nagpunta ito sa kusina.

Napilitan siyang ipakilala si Jericho kay Nicco. Nagkamay naman ang dalawa.

"Are you gonna be okay?" tanong ni Nicco.

"Oo. Pakitingnan na lang, Nicco, ang Itay." Tumango ito at tumalikod na rin.

Naiwan sila ni Jericho. Pinapakiramdaman niya ang galit pero wala na siyang maramdamang ganoon dito. Ilang ulit niyang binulyawan at halos isumpa ito noong kapapanganak pa lamang niya kay Joey sa panay-panay sermon sa kanya ng kanyang ama.

"Hindi ko alam kung paano hihingi ng sorry sa'yo." Panimula nito.

"Buti naalala ko pa ako."

"Pwede bang hindi?"

"Matagal mong nagawa."

"Sinubukan kong hanapin kayo sa dati ninyong bahay. May nagsabi sa'kin na nandito na nga raw kayo ngayon. Pasensya ka na kung ang tagal kong nawala. Hindi rin ako magtatagal. Gusto ko lang sana, kahit huli na, itama kahit paano ang mga nagawa ko, kung papayag ka."

"May sarili na kaming buhay, Jericho."

"Alam ko. Gusto ko sanang makita ang anak ko. Kung pwede, gusto ko sanang ibigay sa kanya ang mga hindi ko naibigay noon."

"Tulad ng?"

"Suporta."

"Babalik ka rito bigla, tapos gusto mong makilala ang anak mo at bigyan ng suporta?"

"Hindi malaking suporta, kung ano lang ang kaya ko sa ngayon. Aalis din ako papuntang Amerika ilang buwan mula ngayon. Magpapagamot a-ang asawa ko."

Bigla ay nakadama siya ng inis. "Guguluhin mo lang kami. Umalis ka na."

"Hindi ko alam kung makakabalik pa ako, Tin. Nandoon na kasi lahat ng pamilya ko at gusto ko lang sanang makausap si Joey. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Lumaki rin akong walang tatay. Gusto kong malaman niya ang mga sagot sa mga tanong na alam kong nasa isip niya."

"Bakit ka umalis?"

"Dahil duwag ako." Simpleng tugon nito.

Tumango siya at tumayo. Pinuntahan niya ang kanyang anak sa silid nila. Naglalaro ito ng Gameboy at agad na lumapit nang makita siya.

"Nay, may bisita ang lolo. Ayaw niya akong pababain. Sino po ba 'yon?"

"Anak, makinig ka sa'kin.  Nasa ibaba ang tatay mo." Natigilan ito. "Gusto mo ba siyang makilala o hindi? Ikaw ang masusunod. "Naisip niya, balang araw ay hahanapin nito ang ama, maghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong nito.

Tama si Jericho, magandang ngayon pa lamang ay masabi na nito iyon sa kanilang anak.

"Mabait po ba siya?" Tanong nito.

"Noong nakilala ko siya, oo." Ngumiti siya.

"Bakit daw po siya nandito?"

"Mas magandang siya na lang ang tanungin mo, kung gusto mo." Tumango ito at bumaba na nga sila.

Hindi kaagad lumapit ang kanyang anak sa ama nito. Ilang sandali nagkatinginan lamang ang nga ito hanggang sa ilahad ni Jericho ang kamay nito.

"Hello. Ako si Jericho." Pakilala nito sa sarili.

"Joey po." Magalang na sabi ng kanyang anak at tinanggap ang kamay ng ama nito.

"Pwede ba tayong mag-usap?

Tumango ang kanyang anak. Siya naman ay nagtungo sa kusina. Tahimik lamang doon ang kanyang ama at si Nicco.

"Nasaan ang magaling na lalaki?" Wika ng kanyang ama.

"Nasa sala, kausap si Joey."

"What?! You let him talk to that jerk?!" Reaksyon ni Nicco.

---

"D-Do you still have feelings for him?"

Hindi malaman ni Kristine kung matatawa o mag-aalala sa tanong nito sa kanya, maging sa reaksiyon nito.

Iniwan na sila roon ng kanyang ama at nagbalik sa sala. Nais daw nitong bantayan ang apo nito at baka kung anu-ano raw ang ituro ni Jericho. Pagdating ky Joey ay masyado itong protective.

Puno ng pag-alinlangan ang tinig ng binata, tila nagagalit na hindi niya maunawaan.

"Wala na. Ano ka ba? Ikaw na ang mahal ko ngayon, di 'ba?"

"Bakit mo hinayaang makausap niya si Joey?"

"Dahil darating ang panahon na hahanapin siya ng bata."

"Kahit na."

"Nagseselos ka lang yata."tudyo niya rito.

"May god, how can you just laugh at this? This is serious!"

Tuluyan na siyang natawa. "Nakakatawa ka po kasi." Pinindot niya ang ilong nito. "Wala kang dapat ipag-alala okay?"

Napabuntong-hininga ito. "Just kiss me and tell me you still love me."

Ikinulong niya ang mga palad sa mukha nito at hinagkan ito sa mga labi.

"Mahal na mahal kita, Nicco."





---

#VOTE! ^.^

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon