C - 15

2.8K 76 2
                                    

©hapter kinse

Kristine, Ang Batang Ina

——

Pagkagaling sa pagrarasyon sa mga school cafeterias ay dumaan si Kristine sa pinagkakautangan niya. Binayaran na niya lahat ng balanse niya roon na mahigit trenta mil. Laking pasalamat niya dahil malaking tulong ang pera na bigay ni Nicco. Kailangan nga lamang ay tipiran niya iyon dahil minsan at hindi inaasahan ang mga gastusin niya.

Pagpasok niya sa bahay ay nagulat siya nang makita roon si Nicco. Kausap nito ang kanyang ama. May isang matandang lalaki ring naroon na noon  lamang niya nakita.

Nang makita siya nito ay agad itong tumayo. "Tin." bahagyang tumango ito sa kanya.

Inalala niya kaagad ang kanyang ama  " 'Tay, kamusta ang pakiramdam ninyo?"

"Mabuti naman. 'Wag mo akong alalahanin." mukha namang hindi ito galit, bagkus ay maaliwalas ang mukha nito. "Mag-usap kayo nitong si Nicco. Ito nga pala si Doctor Fernand."

"Good morning, Kristine."pagbati  ng doktor sa kanya.

"G-Good morning po." alanganing wika niya.

Nilapitan siya ni Nicco at niyaya sa labas. Napilitan siyang sumama rito.

"Ano'ng ginagawa mo?" sita niya agad rito ng makalabas sila. "Mabuti at hindi sumama ang pakiramdam ng itay. Sinabi ko naman sa'yo, hindi pwedeng basta-basta ka na lang darating dito ng ganoon na lang. Paano na kung bigla na lang inatake ang itay?"

"Kaya nga sinama ko si Doctor Fernand. He's also my mom's doctor. Taga Cavite pa siya. He's a specialist. Mahusay. I wanna take you all there if you let me. Nakausap ko na ang Saint Ignatius. School iyon doon. They can still admit Joey para hindi masayang ang isang taon niya."

"Hindi pa ba tapos ang pagganti mo, Nicco?" nagyuko siya ng ulo.  Alam niya, may kapalit na naman ang lahat ng inaalok nito. Kailan ba matatapos ang laro nito? "Maisip mo naman sana ang itay at si Joey. Kung galit ka sa'kin, sana ako na lang, sa'kin na lang."

"Believe me. I'm not doing this to hurt you or Kresha. I-I'm through with that. I really just want to help."

"Bakit?"

"Bakit ba palagi kang nagdududa?"

"Masisisi mo ba ako?"

Hindi kaagad ito nakasagot. Ilang segundo ay nagsalita. "Sinabi ko na sa itay mo, pumayag naman siya basta papayag ka raw."

"Dito na lang muna siguro kami, Nicco, pero maraming salamat sa alok mo."

"I-If you ever change your mind, you can always tell me."

Hindi na siya tumugon, bumalik na lamang siya sa sala. Hindi na siya interesado kung ano na naman  ang plano nito. Kung talagang tutulong ito ay maganda, pero hindi na sila muling tatapak pa sa lugar nito.

Hindi na ito kailanman dapat magkaroon ng lugar sa buhay nila sa mas malalim na lebel. Pagkatapos ng lahat ng nagawa at nasabi nito, mahirap ng magtiwala.

Hanggang ngayon, alam niya, hindi pa rin ito naniniwala na ito ang ama ng kanyang dinadala.

Sa pampinansyal na aspeto, hindi niya tatanggihan ang itutulong nito sapagkat kailangan nila iyon. Pero hanggang doon na lang iyon 

Tapos na ang lahat, hindi na dapat dugtungan pa.

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon