C-11.5

2.3K 77 2
                                    

©hapter onse, continue...

SATURDAY, araw ng kasal.

Kahapon pa dumating sa gaganaping kasal sina Kristine at ngayon ay naroon sa suite ang kanyang ama at anak. Kapwa bihis na ang mga ito.

Gwapong-gwapo sa barong nito ang kanyang anak. Ang kanyang ama naman ay lumutang ang kagandahang lalaki nang araw na iyon.

"Ang pogi niyo 'Tay." tudyo pa niya rito.

"At ang anak ko'y ikakasal na..."sambit nito, nanginginig pa ang tinig.

"O, walang iyakan, ha, 'Tay?"

"Nakow! Sino'ng nagsabing iiyak ako?" Tumalikod kaagad ito, tingin niya ay naiiyak na ito. Napangiti na lamang siya.

Naroon sa suite ang beautician ng parlor sa hotel. Babae ito at mahusay namang mag-ayos.

Nang matapos ito ay masayang-masaya siya sa kinalabasan ng make-up. Simple ngunit elegante.

Mayamaya pa ay nakatanggap sila ng tawag mula sa ibaba.  Naroon na raw ang sundo nila.

Kaagad na siyang bumaba at sumakay sa bridal car kasama ang kanyang anak at ama.

Ilang minuto pa ay nasa lake na sila. Isa iyon sa mga bagay na labis niyang na appreciate sa kanyang mapapangasawa, hindi sila nito ikakasal sa ginapang kasal sana nila ni Kresha.

Bahagya siyang nagtaka nang makitang limang kaibigan lamang ni Nicco ang naroon, at ang malayong pinsan ng kanyang ama at pamilya niyon.

Alam niyang ilan lamang sa mga bisita niya ang makakarating dahil malayo itong lugar na gaganapin sa kasal nila.

Pero mahigit singkwenta ang ipinamahaging invitations ni Nicco. Silang dalawa pa ang nagsulat ng pangalan ng mga bisita sa invitations.

Nilapitan niya si Burt.

"Napaaga ba ako? Nasaan si Nicco?" tanong kaagad niya rito.

"P-pwede ba kitang makausap?"

"O-oo." Nagpaalam siya sa kanyang ama at sumama kay Burt. "Nasaan si Nicco? Anong oras na ba? Napaaga yata ang dating namin. Nasaan na 'yong iba ninyong mga kaibigan?"

"No one wanted to take part in this thing. We all told Nicco to stop what he wanted to do but he went right on."

"A-ano'ng ibig mong sabihin? G-galit ba kayo sa 'kin?"

"No. Of course not. Palagay lang ng ilang mga kaibigan namin, hindi sila dapat makialam sa ganitong bagay at 'yong iba naman... uhm... they disagree with Nicco and decided not to come. I myself didn't want to come but I was worried about you. So were Julian, Aya, Kiko, and my girlfriend Fate–who's not yet here– she's always late."

Nag-uunahan na ang mga isipin sa ulo niya. Napalunok na lamang siya. Nagpatuloy si Burt sa kanyang sasabihin.

"Nicco won't come. I'm so sorry, Tin. Hindi na sana aabot sa ganito ito. Dapat ay nasabi na namin sa 'yo kagabi pa pero nakabantay siya. And he warned us all not to tell you until now. You can say this is a revenge because it probably is. Kung ito ang gusto ni Nicco, wala pa rin naman kaming magagawa."

Matagal bago siya nakapagsalita. "N-nasaan siya ngayon? Gusto ko siyang makausap."

"He left four hours ago."

"S-saan siya nagpunta?"

"Canada. At least, we think that's where he's gonna stay for awhile. Papunta roon ang ticket na kinuha niya. I'm so sorry, Tin. Tell you what, I would ask someone to drive you home––"

"Hindi na. Mamamasahe kaming pamilya pauwi."

"But––"

"Pakihatid mo na lang kami sa hotel at iyon na lang. Maraming salamat, Burt." Hinubad niya ang engagement ring at iniabot dito.

Tumalikod na siya kasabay ng pagtulo ng luha niya.

Bakit niya ito ginawa sakin? Bakit?

---

#VOTE po Minna! 😘

Kristine "Ang Batang Ina"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon