Day 24.2

14.9K 582 205
                                    

TCWDM : Para sa mga concern sa mga unsent messages at discarded status... nope, wala pong features sa facebook na magpapakita ng unsent messages. Unless, nag type tayo then nag-screenshot. Unsent messages and discarded status formats are purely used to aid the story. Meaning, tinype (type) nila ang mga iyon pero di in-enter, sinend (send) o pinost (post). Yun po. Also, remember that this story is epistolary and although I am using the format of facebook messenger, hindi lang iyon ang paraan o means para ipakita ko ang kwento. Bow. Wuv u! #Nagpapaliwanag

TUE AT 10:00 PM

Ms. T (Hannah) : Pst!

Ms. T (Hannah) : Wala kang girlfriend, di ba?

Doktor is typing...

Ms. T (Hannah) : Ang tagal mo mag-type. 😒

Doktor is typing...

Doktor ng Tanga (JT) : Girlfriend? Sa ngayon?

Doktor ng Tanga (JT) : Wala.

Doktor ng Tanga (JT) : Why?

Ms. T (Hannah) : Wala naman. Nag-alala lang ako.

Ms. T (Hannah) : May mala-teleserye lang na nangyari rito sa station kanina. Yung newbie namin na editor, nag-propose sa gf niya. Pero tinanggihan kasi akala ni gf, nagto-two time tong si editor. Napagkamalan yung PA kong babae, na nililigawan ni editor dahil lagi silang magka-chat online.

Doktor ng Tanga (JT) : So?

Ms. T (Hannah) : E baka mapagselosan din ako kako ng gf mo. Kung sakali.

Ms. T (Hannah) : Kasi lagi kitang binubulabog.

Doktor ng Tanga (JT) : Ah. Wala akong gf ngayon. Sinabi ko na yun, right?

Ms. T (Hannah) : Ay, oo nga. Naalala ko. E nililigawan?

Doktor ng Tanga (JT) : Wala pa naman. Busy. Mahirap manligaw.

Ms. T (Hannah) : Sus. Sa dami ng nurses at doktor diyan sa ospital? Pasyente pa.

Doktor ng Tanga (JT) : Walang nakakakuha ng interes ko.

Ms. T (Hannah) : Wow. Mahirap hulihin ang interes mo, ganun? Pihikan ka? 😒

Doktor ng Tanga (JT) : Hindi naman. Basta kapag nagkainteres ako, yun na yun.

Ms. T (Hannah) : Sabagay. So, wala kang standards or something?

Doktor ng Tanga (JT) : Wala naman. Bakit ikaw?

Ms. T (Hannah) : Dati, meron. Wala na ngayon.

Doktor ng Tanga (JT) : Mukha nga. Next time, pag pipili ka, yung hindi manloloko.

Ms. T (Hannah) : Next time agad? After Zig agad?

Doktor ng Tanga (JT) : Bakit? Hindi ba kayo maghihiwalay? 😂😂😂

Ms. T (Hannah) : 😡😡😡😡😡😡😡

Ms. T (Hannah) : Pisikalin kaya kita? 😡😡😡

Doktor ng Tanga (JT) : Pano? Suntok? Sabunot? Sampal? Kalmot?

Doktor ng Tanga (JT) : Abot mo ko? Hanggang dibdib lang lahat yan. 😂😂😂😂😂

Ms. T (Hannah) : 😨😨😨😨😨😨😨

Ms. T (Hannah) : 😱😱😱😱😱😱😱😱

Ms. T (Hannah) : 💣💣💣💣💣💣💣💣

Ms. T (Hannah) : Naka-heels ako!!!

Ms. T (Hannah) : Maaabot ko yang masungit na mukha mo!!!!!!!! 😡😡😡😡😡😡😡😡😡😡

Doktor ng Tanga (JT) : Hahahahahaha! Galit ka na?

Doktor ng Tanga (JT) : Ganyan ka magalit? Naghi-heels ka? Hahahahahaha. 😂😂😂😂😂😂😂

Ms. T (Hannah) : Sabihin mo lang kung dapat ba, matulog na ko. Hindi yung talagang uunti-untiin mo kong hagisan ng bomba!

Doktor ng Tanga (JT) : Hahahahahaha! Sorry.

Doktor ng Tanga (JT) : I just couldn't miss the chance to say that. Hahahahaha. 😂😂😂😂😂😂

Ms. T (Hannah) : 😒😒😒😒😒😒😒

Doktor ng Tanga (JT) : Sorry na. 😂😂😂

Ms. T (Hannah) : 😡😡😡😡😡😡😡

Doktor ng Tanga (JT) : Ituloy mo na yung sinasabi mo about standards.

Ms. T (Hannah) : Tapos, si-segue yung itim ng budhi mo?

Doktor ng Tanga (JT) : Hahahahaha.

Doktor ng Tanga (JT) : Hindi na. I'll behave.

Doktor ng Tanga (JT) : Promise. 😁😁😁

Ms. T (Hannah) : Hmp.

Doktor ng Tanga (JT) : So, wala ka nang standards..?

Ms. T (Hannah) : Basta ayun! Wala na kong standards.

Ms. T (Hannah) : Yun ang natutunan ko sa dalawang relationships ko.

Doktor ng Tanga (JT) : Second bf mo si Zig?

Ms. T (Hannah) : Yep. Ikaw? Bakit wala kang standards?

Doktor ng Tanga (JT) : Wala naman kahit dati pa. Basta kapag gusto ko, gusto ko. Ganun lang.

Doktor ng Tanga (JT) : Ah! I have one thing.

Doktor ng Tanga (JT) : I don't look for much. Basta hindi complicated.

Ms. T (Hannah) : Complicated?

Ms. T (Hannah) : Complicated in what way?

Doktor ng Tanga (JT) : May sabit, in love sa iba, o love interest ng mga taong mahalaga sa kin.

Ms. T (Hannah) : Hm.

Doktor ng Tanga (JT) : Ayokong sumagasa dahil lang in love ako.

Ms. T (Hannah) : So...

Ms. T (Hannah) : Teka...

Ms. T (Hannah) : Kapag na in love ka halimbawa sa babaeng gusto ng friend mo, anong gagawin mo?

Doktor ng Tanga (JT) : Kung gustong-gusto siya ng kaibigan ko, maggi-give way ako.

Ms. T (Hannah) : Pano kung gustong-gusto mo rin?

Doktor ng Tanga (JT) : Depende sa kalagayan namin ng kaibigan ko. Kung mas kailangan niya ng companion, maggi-give way ako.

Ms. T (Hannah) : Hala! Puro ka give way!

Ms. T (Hannah) : Pano kung ikaw ang gusto nung babae?

Doktor ng Tanga (JT) : Hahahahahah.

Doktor ng Tanga (JT) : The one time it happened, no, I wasn't the choice.

Ms. T (Hannah) : Ha?! So, nangyari na sayo? Kaya ka may hugot? #IShareMoYan

Doktor ng Tanga (JT) : Yea.

Ms. T (Hannah) : Anong nangyari?

Doktor ng Tanga (JT) : ER

Doktor ng Tanga (JT) : not escapibg

Doktor ng Tanga (JT) : call later f possible

Ms. T (Hannah) : Tsk. Tiyempong-tiyempo e. Parang tumatakas ka lang talaga.

Ms. T (Hannah) : #Suspicious

Ms. T (Hannah) : I'm very interested, dok! You have to tell me!

Ms. T (Hannah) : Hahahahaha.

Ms. T (Hannah) : Naku, yung reporting ko, natabunan.

Ms. T (Hannah) : I followed the prescription today, dok.

Ms. T (Hannah) : Do your thing. Save lives! 😆

Seen 02:13am

Fallback Girl (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon