(Phone conversation)
WED AT 02:37 AM
Call started.
JT :
Bakit ka pa tumawag? Matulog ka na. Madaling-araw na.Hannah :
I'm already up. (Yawns)JT :
Humihikab ka pa nga. Matulog ka na uli.Hannah :
Ayoko. Ikwento mo na yung ikukuwento mo, Jiti.JT :
Huh?Hannah :
Naalala ko si Manang. (Laughs softly) Jiti siya nang Jiti no'ng una kitang nakilala. Wala ka ring expression no'n. Consistent kang either suplado or masungit. (Laughs softly) Bakit hindi mo kino-correct?JT :
Ah... (Chuckles) Hindi ko na kinokorek. Nakakaaliw naman kasi si Manang. Lalo na 'pag kami lang sa bahay at hinahanap niya 'ko. Dumadagundong 'yung Jiti niya.Hannah :
Dapat nagpatawag ka na lang na Jeric. Bakit kasi JT palayaw mo? (Laughs softly)JT :
I'm not really called JT before. Nag-start lang no'ng college, sa University page ng STU.Hannah :
Oh? Nagko-confess ka ro'n?JT :
Not me. Si Harry ang mahilig mag-confess dun. Nagsusumbong ng kung anu-ano. Para anonymous kunwari 'yung mga binabanggit, initials ang ginagamit niya. HL para sa kanya, MM kay Marcus, AM kay Ash, JT sa 'kin. Later on, MM na rin ang naging palayaw ni Marcus. JT ako.Hannah :
Ah. (Sheets ruffling) Kwento mo na 'yung hinihintay ko.JT :
Matulog ka na lang habang may time pa. May pasok ka pa bukas, 'di ba?Hannah :
Sino 'yung babaeng gusto mo dati? Anong nangyari?(Silence)
Hannah :
'Wag mo 'kong bababaan ng phone a. Susugurin kita sa ospital.JT :
(Chuckles) Is that a threat?Hannah :
Ano nga nangyari?(Silence)
Hannah :
I'm waiting.JT :
(Sighs) Okay. There was this girl from college...Hannah :
College pa? Kaklase mo?JT :
No. Ahead ako ng two years.Hannah :
Oh. (Pause) What was she like?JT :
Tahimik. Mahiyain. Smart. Cute. Uh... That's how I saw her back then.Hannah :
Mahiyain? Gusto mo 'yung mahiyain? Naku, ibu-bully mo lang 'yun.JT :
Hey... I'm really gentle with people who needs it.Hannah :
Tsk. Hindi ka lang gentle sa tanga, gano'n?JT :
I'm only harsh when I need to be.Hannah :
Oo na. Tapos? Pa'no mo niligawan si girl?JT :
Hindi ko siya niligawan. Muntik pa lang.Hannah :
Hindi? Bakit?JT :
Dahil mas matanda ako, hinihintay ko pa sana siyang lumaki pa.Hannah :
(Whispers) Cradle snatcher.JT :
(Chuckles) Ang gulo mo kausap.Hannah :
(Laughs) Tapos? Anong nangyari sa love life mo?JT :
(Sighs) Bago pa 'ko makapanligaw sana, nalaman kong gusto niya 'yung kaibigan ko. At gusto rin siya no'ng kaibigan ko. Case closed.Hannah :
'Yun na 'yun? Pa'no mo nasiguro na may gusto sila sa isa't isa?
BINABASA MO ANG
Fallback Girl (Chat MD Series #3)
ChickLitA girl, hoping. A boy, waiting. Unsent messages. Unsaid thoughts. Unanswered love. Pretentions. And all the unwelcomed feelings in between. Jeric Teodoro's story. 3rd Installment of Chat MD Series.