Day 64.1

13.9K 621 158
                                    

TCWDM : Read Day 64 : Breaking of Fallback Girl Days to Fall, first.

(Zig's letter to Hannah)

Dear Hannah,

You told me once that there's something special about handwritten letters so I'm writing you one. You told me that one night, habang nasa tabing-dagat tayo sa Bohol. We were debating about technology. How it robbed us of the opportunity to be actually romantic.

Sabi mo, mas romantic ang handwritten letters kaysa sa emails. Mas romantic ang harana kaysa concerts. Mas romantic ang mag-usap nang matagal nang magkaharap kaysa sa phone o chat lang. You were wearing a soft-knitted dress that time. Nagrereklamo ka sa buhok mong na-dry dahil sa tubig-dagat. And you said you want a pet tarsier but you wouldn't pursue having one dahil madali silang ma-stress.

You were beautiful and lively that night. That was the night I realized that I fell deeply in love with you.

I could see everything—the twinkle in your eyes, your smile, the way your hair was blown by the wind, the way shadows kissed your frame. Bawat maliliit na kilos mo, apektado ako. Lahat ng mood mo, kinatutuwaan ko. Basta nasa tabi kita, kontento ako kahit nasaan tayo.

But that night was also the first of many nights that I became scared of you. You were so ideal. At gaya ng ilang ulit na nating napag-usapan, something was wrong about ideals.

Ideals doesn't make rooms for mistakes. Kapag nagkaroon ng pagkakamali, ng pagkukulang, at ng pagbabago ang isang pangarap, nakakasira. Nakakasakit. Nakakapanlumo.

You were an ideal love. I knew that you love me. So much. And the more that you love me, the more I was haunted by the image of you changing your heart and leaving me.

We have that, right? That fear. Takot akong maiwan. Takot kang hindi balikan.

Natakot ako sa nararamdaman ko. Natakot akong mahalin ka pa nang mas higit sa nararamdaman ko na. Natakot akong tingnan na mahal mo ko. Natakot akong maniwala sayo at umasa... dahil kapag nagbago ka na, mawawasak ako.

I'm not justifying being a jerk to you. That's what I did. I became the jerk because I was scared to fully commit to you. Tumingin ako sa iba para hindi kita makita. Sinubukan kong magmahal ng iba para hindi ako malunod sa pagmamahal sayo. Tinalikuran kita, masiguro lang na hindi ikaw ang mauuna.

Nang makita kong pwede kang mawala, nang makita kitang umiyak, nang makita kitang nagagalit sakin at nasasaktan ko, dun lang ako nagising. Dun ko lang nakita na kahit tumalikod ako sayo, naghintay ka pa rin. Nagmahal ka pa rin. Binigyan mo pa rin ako ng tsansa.

Dun ko lang naalala, hindi nga pala ikaw yung tipo na umaalis. Ikaw yung tipo na naghihintay. At sinubukan kong bumalik para sayo. Kasi handa na kong mahalin ka nang buo. Handa na kong tumalikod sa takot. Handa na kong maniwala sayo.

Kaso... late na ko.

I was late. I lost you and it was my fault. Kasama na kita. Hawak ko na yung puso mo noon pa... pero pinili kong mahalin ang sarili ko kaysa sayo. Pinili kong matakot. Pinili kong magpakagago.

Sana mas pinili kong malunod. Sana mas pinili kong matakot pero magmahal pa rin sayo. Sana mas pinili kong sumugal nang buo, para matalo man ako, wala akong pagsisisihan.

Sana mas pinili kong maging masaya kasama ka. Di bale nang masaktan kung masasaktan man. Sana mas pinili kita. Sana mas pinili ko tayo.

Pero tanga ako.

Kaya sorry, Hannah. Sorry sa lahat ng sakit na ibinigay ko sayo. Sorry kung hindi ko naiparamdam lahat ng pagmamahal ko. Sorry kung na-late ako. Sorry kung ang gago ko nung mahal kita, at ang gago ko pa rin hanggang ngayon. Sorry kung wala akong alam gawin kundi saktan ka lang at gipitin.

Sorry sa lahat ng date na hindi ko sinipot. Sorry sa lahat ng bulaklak na hindi ko ipinadala. Sorry sa lahat ng effort mo na hindi ko ibinalik. Sorry sa panlalamig. Sorry sa lahat ng gabi na pwede kitang tawagan pero pinili kong hindi na lang. Sorry sa lahat ng messages na hindi ko sinagot. Sorry sa lahat ng missed calls. Sorry sa lahat ng kasinungalingan.

Sorry sa pagbitaw ko kahit nakakapit ka pa. Sorry kung duwag. Sorry kung tanga. Sorry kung gago.

Sorry sa lahat ng takot at worry na ipinadama ko sayo.

Sorry sa lahat ng pagmamahal mo na pinalampas ko lang.

Sorry.

At salamat.

Salamat sa hindi pagbitaw agad kahit na yun ang mas madali. Salamat na iniwasan mong gawin yung ayaw ko. Salamat sa hindi unang pag-alis kahit na iba na ang nasa puso mo. Salamat sa paghihintay saking matutong bumitaw kahit na ikaw uli yung nasaktan.

Salamat sa lahat ng pagmamahal. Salamat sa pag-iingat sa puso ko hanggang sa huli.

Mahal na mahal kita. At gaya ng sabi ko kay Papa, I'll make you happy.

I'll love you better now, honey. I'll give you your chance to be truly happy and loved kahit na hindi ako ang gagawa nun.

I'm letting you go kahit na ang gusto kong gawin ay kumapit pa at magmakaawa.

I'm letting you go.

So, please be happy and don't look back.

I'll be okay soon.

I love you, Hannah Aldea Milano.

I really love you.

Zig Marquez

Fallback Girl (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon