WED AT 10:17 AM
Harry : Hey, bff! 😁
10:19am
Harry : Oops! Wag mo kong i-block a!
Harry : Hindi ako si JT. Masasaktan ako.
10:21am
Harry : Nagagawa nga naman ng tunay na pag-ibig. Nagiging seener ang mga tao.
10:22am
Harry : 🎵 Napakasakit... Kuya JT. 🔪🔪🔪
10:23am
Harry : Okay, sige. Bago mo ko pag-isipang i-block, sasabihin ko na pakay ko.
10:24am
Harry : Nailipat na ni JT kahapon si Tito Jerome sa ospital nina honey.
Harry : Okay naman din siya kahit na-block. Nababasa mo pa naman mga status niya, di ba?
Harry : Ang landi, no?
Harry : Block mo na kaya nang tuluyan?
Harry : 😂😂😂😂😂😂😂😂😂
Harry : De. Joke lang. 😂😂😂😂😂
10:26am
Harry : Anyway, pinapasabi lang niya sayo na wag kang mag-alala.
Harry : Feelingero kasi siya na mag-aalala ka. 😂😂😂😂😂
Harry : Gawin kong verbatim yung message niya, ha. Para maraming feelings. 😂
Harry : Seryoso niyang dinikta sakin to a.
Harry : *insert romantic instrumental here*
Harry : "Mahal kong Pagong,"
Harrg : "Wag mong isiping nahihirapan ako dahil sayo."
Harry : "Umalis ako ng bahay ni Zig at ililipat ko si Dad dahil yun ang tamang gawin."
Harry : "Hindi ko kasalanang mahal kita. Hindi mo rin kasalanan."
Harry : "Pero magiging kasalanan yun kung hindi ko na nga mapigilang mahalin ka, lolokohin ko pa sila."
Harry : "Umalis ako sa poder ng mga Marquez dahil ayokong mautusan akong wag kang mahalin."
Harry : "Hindi yun para sayo. Para yun sakin."
Harry : "Kaya wag kang mag-isip nang kung anu-ano, Pagong."
Harry : "Nagmamahal, Jiti"
Harry : *end romantic instrumental here*
10:32am
Harry : Ang sweet aba! Na-block na't lahat, ang tamis! Nakakadentista! Hahahahahaha. 😂😂😂
Harry : May point yung sinabi niya. Matagal na siyang hirap. 😂😂😂
Harry : Saka hindi to lalandi nang hindi sigurado.
Harry : Paninindigan niya raw feelings niya sayo.
Harry : Panindigan mo na rin siya! Hindi pwedeng mahal mo lang nang palihim.
Harry : Ipagsigawan mo! 😂😂😂😂😂
Harry : Oops... #WAGMOKONGIBLOCK
Harry : #AteWagPo
Harry : #MessengerLangPoAkoAte
10:35am
Hannah : He's really okay? At ang Dad niya?
Harry : Ang dad nyo? Okay na okay, babe.
Harry : Bigay ko sayo address ng ospital? At room number?
Hannah : No.
Harry : Okay. Text ko na lang sayo. You're welcome. 😂😂😂
Hannah : Ano ba, Harry?!
Harry : Ano ba, Hannah?! 😂😂😂
Harry : Aalis na rin siya rito sa ospital para sa future nyo. Kinukuha siya sa ospital nina honey.
Harry : Mas convenient para madali lang sa kanyang i-check ang dad nyo. 😂
10:37am
Harry : Wag mo kong i-block.
Harry : Bakasakaling gusto mong makibalita kung nagbigti na si JT o hindi, at least may mapagtatanungan ka. 😂😂😂
Hannah : You don't even know what's happening.
Harry : Siguro nga.
Harry : Pero dahil mahal ka ni darling, at your service na rin ako.
Harry : #SaNgalanNgTunayNaPagkakaibigan
10:39am
Harry : Pero seryoso. Ngayon ko lang nakitang ganito si JT.
Harry : Ilang beses ko na tong nakitang naglumandi at nagkarelasyon sa iba.
Harry : Pero iba tong sayo.
Harry : Kahit wala siyang sabihin, lahat ng kilos niya, obvious.
Harry : Malakas ang tama.
Harry : Gusto ko siyang makitang totoong masaya. Pero para mangyari yun, sa tingin ko, kailangan ka niya sa tabi niya.
Harry : Kaya kung mahal mo siya, ilaban mo.
Harry : Kung hindi ka naman sigurado, bastedin mo nang makapagbigti nang maayos.
Harry : At kung kailangan nyo ng tulong, sabihan nyo lang ako.
Harry : Para tatawagan ko si Ash at MM. 😂😂😂
Harry : Hindi. Seryoso na uli.
Harry : Kung kailangan nyo ng tulong, nandito lang ako.
Harry : 500 per day lang ang upa. Murang-mura na, suki. May messenger ka na, may doktor ka na, gwapo pa. 😂😂😂
10:44am
Hannah : Hindi ko alam ang sasabihin ko sayo, Harry.
Harry : Sabihin mo lang na ang gwapo ko, xhapaht na. 😂😂😂
Hannah : Sira.
Harry : Hahahaha! 😂😂😂😂😂
Harry : Nahiya ka pa. 😂😂😂😂😂
Harry : Oh, ako na magsasabi para sayo.
Harry : Ang gwapo ko, Harry. 😂😂😂
Harry : #SelfSupport
Harry : May huli pala siyang message na nakalimutan ko!
Harry :
Prescription: Think of me, but smile.Harry : Saka, I LOVE YOU RAW. MARAMING-MARAMI NA I LOVE YOU.
Harry : I-capslock ko raw. 😂😂😂
Hannah : Dapat i-block din kita.
Harry : Pero di mo magawa no? 😂😂😂
Harry : Ano ba, babe? Natatats ako. 😂😂😂
Hannah : 😒
Harry : Yun lang yung mga pinapasabi niya.
Harry : Thank you for hearing him out.
Harry : Balik trabaho na ko, Hannah. :)
10:51am
BINABASA MO ANG
Fallback Girl (Chat MD Series #3)
ChickLitA girl, hoping. A boy, waiting. Unsent messages. Unsaid thoughts. Unanswered love. Pretentions. And all the unwelcomed feelings in between. Jeric Teodoro's story. 3rd Installment of Chat MD Series.