(Poem for Hannah, performed by JT's friend at an open mic spoken poetry)
Kung Mahal Kita
Ang pag-ibig noon ay isang kagustuhan
Kagustuhang isuko ang puso ko sa sinuman
Na makapag-iingat nito
Kagustuhang patibukin ito sa sinuman
Na magmamahal ditoAno lang ba kasi ang magmahal at mahalin?
Sa isip ko, parang madali lang
Kapag mahal niya 'ko
Madali nang ibalik ang damdamin
Kapag seryoso naman siya
Madali nang mahulog at umaminPero sablay
Di pala pwedeng ipinipilit
Kaya nasaktan at nakapanakit
Kaya nawalan at naiwanan
At natapos ang pag-ibigNang dumating ka
Hindi ko gustong
Ibigay ang puso ko sa'yo
Masyado ka kasing komplikado
Iba ang iniiyakan mo
Iba ang ginugusto
Iba rin ang pangarap na isinasamo
Nakakapit ka sa kanya
Kahit nasasaktan ka
At ako isang tangang sinasamahan ka
Sabi nga nila, 'wag magmamahal ng taong
Hindi pa tapos magmahal ng iba
Pero napagod na lang silang magsalita
Nagsawa na lang lahat ng paalalaWala.
Hindi ko gustong ibigay ang puso ko sayo
Pero nakuha moIkaw kasi 'yung klase na makulit pa sa makulit
Ikaw 'yung mga isipin na di ko naman iniisip
Pero singit nang singit
Sa'yo 'yung mga tibok ng puso ko
Na ayokong pakinggan pero gumigiit
Sa'yo 'yung mga luha
Na hindi naman ako ang may gawa
Pero ako ang nagpapahid.Ikaw 'yung pag-ibig na parang tuksong kailangang labanan
'Yung mga titig na hindi dapat pag-isipan
'Yung mga ngiting hindi dapat panghawakan
'Yung mga labing hindi dapat halikan
'Yung mga yakap na hindi dapat higpitan
'Yung mga kamay na hindi dapat kapitanIkaw ang mga pangarap at mga panaginip
Na ginigisingan
Ikaw ang lahat ng damdaming dapat tinatalikuran
Ikaw 'yung gusto ko na kapag tinuluyan, parang kasalanan
Pero ikaw rin ang pag-ibig na nakakapit kahit hindi ko hawakanIkaw ang pag-ibig na walang paalam.
Ikaw ang lahat ng bakit
Na walang sagot pabalik
Bakit kasi sayo nahulog?
Bakit kailangang mabaliw?
Bakit mahirap huminto?
Bakit ikaw kahit masakit?Ikaw ang lahat ng kahit
Na hindi ko mawaglitKaya sumuko na lang ako
Nagpatalo
Sa lahat ng tuksong ipinangalan ko sa'yo
Wala rin naman akong kalaban-laban
May pagpipilian pero laging ikaw ang hantungan
Habang lalo kong pinipigilan
Ang tingnan ka,
Gustuhin ka,
Mahalin ka,
Lalo lang akong tinatangay ng kabaliwan
Lalo lang kitang
Tinitingnan,
Ginugusto,
Minamahal,
At inaasam.Mahal kita.
Matagal na,
Malala na.Wala akong ibang alam kundi mahal kita.
Mahal kita sa paraang hindi ko matantiya
Mahal kita sa paraang hindi ko maipagkaila
Mahal kita sa lahat ng paraang mayroon ang tadhanaMahal kita sa lahat ng araw
Mahal kita bawat oras
At mahal kita sa lahat ng bukasMahal kita
Akin ka man o hindi
Mahal kita
Masaktan man o ngumiti
Mahal kita
Lagi at lagiMahal kita
Sa lahat ng bakit
Mahal kita
Sa kabila ng kahit
Mahal kita
Nang walang pagpipilitMahal kita
Kahit na hindi ko naman ginustong ibigay ang puso ko sa'yo
Mahal kita
Kahit na para kang tuksong iniwas-iwasan ko
Mahal kita kahit nung una ay ayoko.At kung dahil mahal kita
Dadaanan ko uli ang lahat
Ng pagtitimpi,
Pagbabawal,
Pagpipigil,
Kasabay ang lahat
ng sakit,
Bakit,
At kahit...Hanggang dulo, hanggang huli,
Sa lahat ng sandaliSasabihin ko pa ring
Mahal kita.Mahal kita.
Mahal kita.
Mahal na mahal kita.
Mahal kita
sa lahat ng kahulugan ng salitang
mahal kita. #0141pm / 11032016
BINABASA MO ANG
Fallback Girl (Chat MD Series #3)
ChickLitA girl, hoping. A boy, waiting. Unsent messages. Unsaid thoughts. Unanswered love. Pretentions. And all the unwelcomed feelings in between. Jeric Teodoro's story. 3rd Installment of Chat MD Series.