Day 40.2

13.8K 534 148
                                    

(Phone conversation)

THU AT 10:54 PM

Call started.

Hannah :
Hello. Tumatawag ako kanina pero busy ka yata.

JT :
Yeah. (Sighs) Busy kanina. Ngayon pa lang ako nakahinga.

Hannah :
Aw. Pagod ka na yata. Pati boses mo, pagod.

JT :
Yeah. (Clears throat) Are you preparing to sleep?

Hannah :
Nakahiga na. Nagbabasa sana para makatulog.

JT :
What are you reading?

Hannah :
Script para sa editing bukas.

JT :
That's work. Makakatulog ka ba niyan?

Hannah :
(Laughs softly) Oo. Tiwala lang, Dok.

JT :
(Chuckles softly) Baliw.

Hannah :
Ikaw? Nasa'n ka?

JT :
Nasa sleeping quarters dito sa ospital. Sinasamahan si Harry.

Hannah :
Bakit? May problema si Harry?

JT :
Concern ka, pagong?

Hannah :
Medyo. 'Yung iyak ba naman niya no'ng magkakasama tayo e.

JT :
He just needs to sleep. Nagpapagising sa tamang oras. Takot 'to matulog nang tuloy-tuloy. Baliw rin e.

Hannah :
Huh?

JT :
Don't probe. (Chuckles lightly)

Hannah:
Para kang yaya ngayon, gano'n? (Laughs softly)

JT :
Oo. Gano'n. (Laughs softly)

Hannah :
How's your day? What drained all your energy?

JT :
Ah... (Pause) Namatayan ako ng pasyente.

Hannah :
Ha?! (Pause) Sorry... napalakas.

JT :
Concern ka, pagong? (Chuckles lightly)

Hannah :
What happened?

JT :
She was old. Hindi na nga nakakagulat dapat e. Karamihan dito, na-anticipate na na hindi kakayanin ng katawan niya lahat ng medication. Pero... (sighs) nakakalungkot pa rin. She was cheerful. And she wanted to live a little longer.

Hannah :
Ah... (Pause) I'm sorry.

JT :
I wanted her to live a little longer, too. May hinihintay pa kasi siyang anak. Uuwi from the States. Matagal na raw niyang 'di nakikita. 'Ayun. 'Di na umabot.

Hannah :
How did the family take it?

JT :
Casual lang. Matanda na nga kasi. Gano'n naman siguro. When death happens to the old, we don't mourn that much. People think that old age is equal to doing much to life.

Hannah :
(Soft voice) Hindi ba gano'n ang tingin mo?

JT :
No. Time is irrelevant to the things we do. May mga kilala ako na ang daming ginagawa sa young age pa lang. Old age doesn't necessarily mean that one has lived a full life. Actual living is different from existing and getting by. A lot of people is just getting by.

Hannah :
E si Lola?

JT :
She lived a great life. But death always saddens me. Ang dami ko na kasing nakitang death kahit bago pa 'ko nag-doktor. Hindi nakakasanayan ang kamatayan.

Hannah :
Yeah. 'Yung isa, Mommy mo, 'di ba?

JT :
Yeah. Tapos si Tita M, Mommy ni Marcus. 'Yung asawa ni Tito Ilo. They were taken by diseases.

Fallback Girl (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon