(Phone conversation)
MON AT 06:24 PM
Call started.
Henrietta :
Hello?Hannah :
Ate, kakausapin ko si Mama.(Short silence)
Henrietta :
Tungkol kay Papa ba 'yan? Tinawag mo 'kong ate bigla e.Hannah :
Ibigay mo na lang 'yung phone, please.Henrietta :
Ano na namang problema mo? Hannah, pagod ako ngayong araw. 'Wag mong sirain ang mood ni Mama.Hannah :
Pagod na rin ako. Please, ibigay mo na 'yung phone kay Mama.Henrietta :
(Sighs) Don't argue with her, okay?(3-minute silence)
Emilia :
Ano 'yun, Hannah?Hannah :
Ma... Pumunta ako kay Papa kagabi. Do'n ako natulog sa kwarto niya sa ospital.(Silence)
Hannah :
Nagkatubig siya sa baga... He's pitiful there, Ma. Gusto kong tumulong sa gamutan niya.Emilia :
(Sharp hiss) Hinihingian ka ni Laika? Oh, akala ko ba hindi nila kailangan ng tulong? Sabi niya, paninindigan niyang kasama niya si Fausto—Hannah :
Hindi 'to tungkol diyan, Ma! Wala akong pakialam diyan! Gusto kong tumulong sa pagbabayad ng ospital ni Papa para—Emilia :
Ano'ng hindi?! Ginusto ng Papa mo sa babaeng 'yun! Hayaan mo silang magpasan ng problema nila!Hannah :
Si Papa 'yun, Ma! Hindi mo lang asawa 'yun na nagtaksil sa'yo gaya ng gusto mong paniwalaan! Papa ko 'yun! (Gasps) Kawawa siya ro'n. Ang payat-payat na niya tapos wala siyang kasama lagi dahil kailangang magtrabaho ni Tita. Kung bibisitahin mo siya kahit isang beses lang... kung makikita mo siya kahit isang beses lang... siguro akong maaawa ka sa kanya. (Breaks voice) Baka mawala siya ng gano'n lang, Ma...Emilia :
(Distant voice) Henrietta! Kunin mo na itong cellphone!Hannah :
Ma! (Shouts) Makinig ka naman!(Silence)
Hannah :
Gusto kong makasama si Papa hindi dahil kinakampihan ko siya sa ginawa niya sa'yo. Gusto ko siyang makasama kasi nami-miss ko na siya. Kahit 'yun man lang, pagbigyan mo.(Silence)
Hannah :
(Sobs) Ayokong mawala si Papa nang hindi ko siya nakasama. Ayoko siyang mawala nang wala man lang akong ginawa para sa kanya. It's not being insensitive about your feelings. It's not being a rotten daughter to you. Miss na miss ko lang si Papa. (Sobs) Pagbigyan mo naman ako, Ma? Please..?Emilia :
(Distant voice) Henrietta!Hannah :
Mama!Call cut.
BINABASA MO ANG
Fallback Girl (Chat MD Series #3)
Romanzi rosa / ChickLitA girl, hoping. A boy, waiting. Unsent messages. Unsaid thoughts. Unanswered love. Pretentions. And all the unwelcomed feelings in between. Jeric Teodoro's story. 3rd Installment of Chat MD Series.