Day 92

10.9K 426 5
                                    

(Hannah's anonymous diary online)

10 PM,

Nabasa ko yung sulat mo. Umuwi kasi kami ni ate sa bahay kahapon sa Laguna para kunin yung ibang kailangan ni Papa. Nakita namin sa mailbox. Tinanong ko kay Mama kung okay lang na basahin ko. Pumayag naman. Nalaman niya rin yung tungkol sa flowers kasi naidaldal ni Deo nung dumalaw sila sa ospital. Hindi naman din nagalit.

Papa is still recovering. May mga rehab activities na siya para makalakad uli nang maayos. Sabi ng doktor, sa rate ng recovery ni Papa, mga dalawang buwan pa at makakauwi na siya sa lumang bahay. Right now, kapag gustong magpahinga nang maayos nina Mama at Ate, dito sila sa apartment ko umuuwi.

I thought I saw your car kaninang umaga sa labas nitong building. Pero baka malikmata ko lang kasi nami-miss kita.

Thank you for writing me letters. Ini-stalk ko madalas yung social media accounts mo. Nakikita ko lahat ng pictures. Hindi ako active sa accounts ko at baka rin makahalata sina Mama na nagre-report ako sayo... but I'll try to take a selfie once a week. Magpo-post din ako minsan.

Miss na rin kitang guluhin at daldalin. I miss telling you how my day was. Or how my topak was. Kahit yung emoji mo na naka-patent, nami-miss ko.

I miss being near you.

Why is being in love with you like this? I've never been this love sick before. I've never been this cheesy, too. Haha.

I love you, 10 PM.

Wait a little more.

- Pagong

Fallback Girl (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon