Masayang pagkikita...

66 2 0
                                    

Kinabukasan maaga nagising ang lahat para salubungin ang dalawa pa nilang kaibigan.

"Guys! tara na, baka malate tayo at magtampo sina Jayjay." sabi ni Andrew habang palapit sa kotse.

Lumabas sila sa bahay at sumakay ng kotse pagkatapos mag paalam sa mommy ni Andrew. "See you later tita!" sigaw ni Glady.

"Mag ingat kayo! Andres ayusin mo pag drive!" paalala nya.

"Let's go!" sabi ni Mae habang nag lalagay ng foundation.

"Ano na kaya itsura nila?!" di na updated facebook nila, ay natin pala.. busy busyhan lahat. ahaha" sabi ni Grace.

"Syempre, need ng pera para mabuhay saka na mga ganyan." sagot ni Hero habang pasulyap sulyap kay Glady.

"Oh seryoso ka na naman Hero, aga aga ha.." banat ni Andrew.

"Nasabi ko lang, magtrabaho ka kasi para maging busy ka naman minsan." asar na sagot ni Hero. "Tambay ka kasi.."

"Huwag mo naman ako personalin, alam ko yan.."

Natahimik ang lahat sa loob ng sasakyan sa usapan ng dalawa. "Ayusin mo buhay mo para matuwa naman sayo si tita.." dagdag ni Hero.

Medyo naasar na si Andrew pero pinipigilan nya ang sarili nya. "Ok sige, gagawin ko yan.." sagot ni Andrew. 

Nagsalita na rin si Mae para maiwasan ang di pagkaka unawaan. "Guys! Ano ba?! reunion natin 'to, chill lang.." at dahil sa kanya natigilan ang dalawa.

Nagtinginan na lang si Glady at Grace. Di nagtagal nasa bus station na sila kung saan bababa si Joice at Joan. Sa isang bench nakita nila ang dalawa na nag aantay. "Friends!!! wooooh!!" sigaw ni Mae. "I miss you!!" sabay lapit kasama ang iba.

"Guys! kamusta na?... hayy kapagod ang byahe, Glady! bongga na friend! Hero ikaw? oh Andrew? Grace! omg! namiss ko kayo! bati ni joice na tuwang tuwa ng makita ang mga kaibigan.

"Aba tulungan nyo naman kami, mabigat ang dala namin." sabi ni Joan.

"Oh tara na, pahinga muna sa bahay at bukas na alis natin.." sagot ni Andrew, habang kinukuha ang mga dala nila. "Hero help naman.."

"Ok sige.." sagot ni Hero habang kinuha rin ang ibang dala ng dalawa.

Masaya ang lahat dahil kumpleto na sila, nagtatawanan habang nagkukwento si Joan at Joice tungkol sa mga trabaho nila. "Ahahaa.. parang teen ager yang si Joice pag nakikit crush nya." kwento ni Joan.

"Hindi kaya.. wag mo nga ako ibuko sa frienda ntin." nahihiyang sagot ni Joice.

"Namiss ko kwentuhan natin, saan ba tayo pupunta bukas? Resort ba?" tanong ni Mae. "Sana maganda napili ni Andrew." dugtong ni Grace.

"Kahit saan basta kasama ko kayo." sagot ni Glady.

"Maganda yon, sarili natin ang place, walang ibang tao, parang maliit na island, or baka may ilan na maintenance." sabi ni Andrew habang nagdadrive.

"Oi Hero tahimik mo ah..," puna ni Joice. "may problem ka ba?"

"Si Glady tanungin mo.. ahaha" biro ni Grace.

"Oh bakit ako nadamay dyan?" tanong ni Glady.

"Pag tumahimik may problema agad?!" sagot ni Hero. "Hindi ba pede matatae muna?"

Nagtawanan ang lahat. Nakarating sila sa bahay nila Andrew ng di nila namamalayan. Binati si Joice at Joan ng mommy nya. "Oh kumpleto na pala kayo, kamusta Jayjay?"

"Tita, high school pa yang tawag na yan.. tunog lalake." sabi ni Joan.

"Ahaha... ok lang yan." sagot ni Joice.

"Sige pasok at magpahinga na kayo, maaga pa kayo bukas."

"Sige po tita,.thanks." sagot ni Joice at pumasok na sila ni Joan kasunod si Hero na dala ang gamit nila.

Nagsalo sila sa dinner, nauna kumain ang mommy ni Andrew para magka sabay sila lahat. "So guys mukha naman ayos ang lahat, may mga work, well halos lahat bukod sakin." sabi ni Andrew.

"Oh nga, nagustuhan nyo bigay ko Jayjay?" ingatan nyo yan. bilin ni Glady.

"Oo naman friend, thank you ha." sagot ni Joan sabay kagat sa fried chicken.

"Sarap ng food, si tita talaga the best." sabi ni Joice. "Grace, single ka pa din?"

"Oo friend, fling fling lang muna.. ahaha" biro ni Grace sabay kuha ng kanin.

Napunta attention ni Joice kay Hero at Glady na parang nagkaka ilangan. "I smell something fishy..eheemm!!"

"Hininga mo lang yan friend.." biro ni Mae. "Sipilyo ka pag may time.,"

"Hindi ha, si Hero kasi masyado tahimik oh.." sagot ni Joice. "Ano Hero?"

"Hmmmm??!... ano ba kayo syempre tahimik pag kumakain dapat." sagot ni Hero.

"Ganon ba? ok sige.. " sagot ni Joice.

Pagkatapos kumain, nagkwentuhan muna ang magkakaibigan bago sila nag good night sa isa't isa.. Kinaumagahan handa na ng lahat sa pag punta sa lugar kung saan nila icecelebrate ang kanilang reunion.

"Mag iingat kayo mga bata, Andres ang pagddrive mo ha." bilin ng mommy ni Andrew.

"Ok mommy.. three days lang kami wag ka masyado paranoid." sagot ni Andrew.

"Bye tita!!" sigaw ng lahat habang nasa loob ng sasakyan. "Behave kami promise!" habol ni Grace.

At umandar ang sasakyan sakay ang magkakaibigan na pagkatapos ng two years ay ngayon lang uli mag hahappy happy. Pag dating sa pier ay iniwan nila ang sasakyan sa isng parking lot, sasakay sila sa barko para makarating sa isla na kanilang inupahan sa loob ng tatlong araw.

note: so?? medyo short ang part na 'to XP, hit like or something.. hehe

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon