Kaguluhan sa Isla

57 3 1
                                    

Si Grace na takot na takot, at si Joice na nawawala? Malalim na ang gabi, lumalakas ang hangin at ramdam ang lamig kahit sa loob ng bahay.

"Hindi ko sya makita sir..." hangos ni Lyn. "Wala sya sa kitchen.."

"Ano na naman 'to? Joice wag kana dumagdag! Bumalik kana dito!!" sigaw ni Hero.

"Ang dami oras mag biro wag ngayon please." sabi ni Andrew. "Ok ka na ba Grace?"

"Siguro.. ewan ko... sa nakita ko hindi ko alam."

""Joan.. ikaw na kumuha ng water, hanapin mo na rin si Joice, wag na muna sya mag joke ngayon." sabi ni Glady.

"Sama na ko friend.. uhaw na rin ako.. bumaba na kaya tayong lahat? baka naman kumakain lng si Joice sa baba.. " sabi ni Mae.

"Ok.. pero hayaan muna natin magrelax si Grace dito, Hero samahan mo na kami para mawala init ng ulo mo.. tumayo kana dyan.." lumabas ng kwarto si Joan at Mae sumunod naman si Hero na hindi umiimik.

"Lyn, paki tulungan naman sila maghanap.. yang si Joice hindi na nakakatawa... pasensya na.." utos ni Andrew.

"Ok lng po.. labas n po ako.." lumabas si Lyn ng kwarto para tulungan si Hero, Joan at Mae.

"Grace ok kana?" tanong ni Glady habang tuloy ang himas sa likod ng kaibigan. "Sigurado kaba sa nakita mo?"

"Hindi pa tayo sure kung sino yun.. bukas malalaman natin.. hindi magandang manakot at lalo na kaibigan pa natin ang ginagamit.." sabi ni Andrew.

"Siguro nga... baka mali ako.. " pilit ni Grace sa sarili para mabawasan ang takot na nagpapanginig sa kanya. "baka namalik mata lang ako.. "

"Hindi nya magagawa satin yun(Barry).. love tayo nun eh.. saka hindi nya alam papunta dito..." biro ni Andrew para mapakalma si Grace.

"Oo nga noh.. baka maligaw pa nga yun.." dagdag ni Glady.

Napangiti si Grace sa biro ng mga kaibigan. "Tigilan na nga guys.. nagugutom na ko."

"Oh see??! gutom lang yan!! hay naku ikaw talaga.. tara na sa baba.." sabi ni Andrew.

"Ano ba yan friend,.. last mo na yan.. hay naku.. tara na nga kumain na tayo.." sabi ni Glady. "anong oras na oh.. mukang uulan pa yata guys.. "

Tumayo si Grace at huminga ng malalim. "Haiisst... sorry guys.. baka nga gutom lang 'to.."

"Oh kain na tayo.. baka nakita na nila si Joice at tayo na lang inaantay nila sa baba.." sabi ni Andrew. "Let's go.."

Sumunod si Glady at Grace kay Andrew pababa para kumain at tignan kung nahanap na si Joice ng kanilang mga kaibigan.

"Helloooo?!!!..." tawag ni Andrew. Walang tao sa baba ng bahay, wala kahit si Lyn.

"Baka lumabas sila.. si Joice talaga pasaway.. tara Grace dinner kana muna.." sabi ni Glady habang hila.si.Grace papunta sa kitchen.

"Pano kayo?! .. sabay sabay na tayo.. baka dumating na rin sila." sagot ni Grace.

Halos isang oras nag antay si Andrew, Glady at Grace.. malakas na ang hangin sa labas at nagsisimula na rin umulan..

"Nasaan na ba sila..?" tanong ni Andrew habang naka abang sa pinto."Sobra na 'to.. san ba nagpunta yang si Joice.. hindi na nakaka tuwa.."

"Lumalakas na ulan.. haiist.. asan naba sila.. naguguluhan na ko." sabi ni Glady.

"Baka kung ano na nangyari.." pag alala ni Grace.

Naupo si Andrew sa sofa katabi ni Grace. "Don't worry.. babalik din sila at kakain na tayo.. yang si Joice talaga kahit kelan.."

Lumakas pa ang ulan at hangin, humihina na ang mga ilaw sa buong bahay dahil paubos na ang gasolina sa generator. Mula sa labas ay may nakita silang papalapit.

TBM : Trust, Betrayal and MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon